Tatlong araw na ang lumipas magmula nang makalabas si lola sa hospital mabuti na lang dahil hindi naman naging malala ang lagay nito, sabi ng doktor ay kailangan lang niyang mag pahinga dahil medyo tumaas ang blood presure niya dahil sa stress.
"Bakit nagawa ninyo ang ganitong bagay?"
Nananatili lang akong nakayuko habang nilalaro laro ang daliri ko dahil wala akong maisip na pwedeng isagot sa tanong ni Lola.
Nandito kami ngayon sa study room at pinag uusapan naming apat ang sitwasyon naming dalawa, kanina pa kami dito pero hanggang ngayon ay hindi pa din kami natatapos.
"Why both of you cant just accept the fact that we love each other? Nakakapagod nang paulit ulit sagutin ang tanong ninyong kung paulit ulit na lang din"
"Inuutusan mo ba kaming tanggapin ang pagkakamali ninyong dalawa, calvin?"
"Mali na kung mali, pero ito ang tamang tingin ko ay makakabuti sa relasyon naming dalawa. I love her at wala kayong magagawa sa desisyon na gusto ko... Now, please excuse us"
Hinila ako niya ako patayo at akma na sanang lalakad palabas pero agad napatigil ng hampasin ni lolo ang lamesa.
"Dont you dare to tured your back to us cause were not done yet! Come back here, now!"
Mauturidad na utos ni lolo na ikinahinto ko, napa tingin akong muli sa likod kaya kitang kita ko ang pagliyab ng mata ni lolo.
"Come on baby, dont mind them"
Maluha luha akong tumitig sa dalawang matanda at ilang saglit ay napa yuko.
"I'm sorry po.."
Yun lang ang nasabi ko bago ko naramdaman ang paghatak niya saakin palabas ng kwarto.
"Calvin.. Where are we going?"
Agad na nasabi ko nang mag tungo kami sa parking lot.
"Where going to my private island, hindi na ako komportable dito"
"Calvin.. Paano sila?"
Pigil ko at bahagyang hinatak ang laylayan ng suot niyang polo bumuntong hininga muna ito bago pasimpleng nilingon ang hacienda banda sa bintana kung saan naka silip ang dalawang matanda, hindi nakaligtas saaking paningin kung paaano dumaan ang matinding lungkot sa mata niya habang nakatitig sa mga ito.
"I hope.. Someday matanggap din nila tayo"
Sambit niya habang naka tingin pa din sa dalawa na parang ito ang kausap niya.
* * * * *
Malungkot na nakatanaw ako sa asul na karagatan habang umiinom ng gatas sa veranda. Nagbuga ako ng hangin at inalala ang disappointed na mga mata nila Lola at lolo habang nakatingin saamin kanina.
Kung sila Lola ay ganon na and reaction, paano pa kaya ang magulang namin?
Napapikit ako ng maramdaman ang pagpulupot ng mga bisig nya sa bewang ko at paulit ulit na hinahalik halikan ang tuktok ng ulo ko.
"Thank you.."
Mahinang usal ko na siyang ikinatigil nito at pinihit ako paharap sa kaniya.
"For what?"
"Thank you dahil ipinaglaban mo ako kahit na--"
"Thats my duty, you dont need to thank me"
Matiim ako nitong tinitigan na ikina kunot ng noo ko, umiling iling ito at nag kibit balikat, matapos ay bumuntong hininga.
"May problema ba?"
