Lance: Anak ni nay Nilda at Tay fernan
David: Kababata ni AllisonDalawang araw na kaming nandito sa kabilang isla sa kadahilanang hindi pa din pwedeng gamitin ang sasakyang pandagat dahil nananatili paring malakas ang ulan at alon sa karagatan.
Napag alaman naming mayroong tumamang malakas na bagyo dito sa probinsya. Hndi parin maka punta sila lola dito para sunduin kami dahil baka bigla nalang tumaob ang sasakyan nila pero gabi-gabi naman ay tumatawag ang mga ito para kumustahin kami.
"Calvin, saan ka pupunta?"
Napa tayo ako nang makita kong palabas ito ng kubo, madilim na ang paligid dahil sa malakas paring ulan kahit na alas singko pa lang ng hapon.
Sila aling nilda naman ay nag papahinga ng ganitong oras dahil hindi ito nakakatulog sa gabi dahil baka bigla na lang daw liparin ang bahay nila.
"Im going to tie the boat"
Napa tayo ako at agad na kumapit sa braso nito.
"Sama ako"
"No! Malakas ang ulan sa labas, baka mag kasakit ka."
Ngumuso ako at nag puppy eyes dito dahil gusto ko talagang sumama sa kada hilanang hindi pa ako nakakalabas dito mag mula nang makarating kami dito.
Kumunot ang noo nito bago alisin ang pag kakahawak ko sa kaniya. Agad ko itong hinabol nang makitang malapit na ito sa pintuan.
"Please?"
"I said n--"
Nabigla ito nang halikan ko ito ng mabilisan sa pisnge, pansin kong naging mapula ang mag kabilang tenga nito.
"Sige na please?"
"F-fine! Damn"
Ipinasok ako nito sa suot na kapote at bahagyang itinulak ang ulo ko papasok.
Nang makarating kami ay ma bilisan nitong itinali ng mahigpit ang sasakyang pandagat na ginamit namin. Tamang-tama naman ang dating namin dahil malapit na sana itong bumitiw sa pagkakatali.
Napa ngiti ako habang pinagmamasdan ang maliksing pag galaw nito habang ako naman ay pinapayungan siya para hindi ito mabasa ng ulan.
"Hey"
Napa kurap ako ng makitang nasa harap ko na ito at kinuha ang payong na dala ko.
"T-tapos na?"
"Hmm"
Tumango ito bago ako alalayan sa pag lalakad sa madulas na daan, nang malapit na kaming maka balik ay may nakita akong tuta na kulay puti na nakabaluktot na parang lamig na lamig.
Naawa ako at akma na sana itong pupuntahan nang humigpit ang pag kakahawak ng taong nasa gilid ko sa pulsuhan ko.
"Calvin, kawawa naman yung tuta, pupuntahan ko lang."
"No! Stay here!"
Matigas na bigkas nito at inakay na ako palayo sa pobreng tuta.
Pero nang paglingon ko ay nakita ko itong nabagsakan ng putol na sanga ng punong kahoy sa paa na naging dahilan para umiyak ito, kaya napa takbo ako para tulungan ito.
Wala na akong pakialam kong mag kasakit man ako dahil sa naambunan ako. Ang importante ay makuha ko ang kawawang tuta na nag susumigaw sa sakit ng pagkakaipit.
Agad ko itong kinuha at binuhat nanginginig ito at nakita kong may sugat ito sa kanang binti. Basang-basa na ang suot kong damit pero hindi yun alintana saakin.