Chapter 13

3.1K 174 11
                                        

Nagising ako dahil sa malakas na pag hampas ng alon sa dalampasigan at ang malakas na ulan na sinabayan ng hangin na parang sumisipol sa kapaligiran.

Nanginig ako at napa takip sa mag kabila kong tenga nang kumidlat at sabayan pa ng malakas na kulog.

Ramdam ko naman ang pag higpit ng yakap ni kuya mula sa likuran ko
Tanging  maliit na flashlight lang ang nagsisilbing ilaw namin sa madilim na paligid.

Napa hawak din ako ng mahigpit sa mga braso na nakapulupot parin sa bewang ko tiningala ko at lalong nag sumiksik sa dibdib niya.

Yumuko naman ito para makita ako at bahagyang ngumiti at hinalikan ang tuktok ng bumbunan ko.

"It's okay, im here..."

Naka hinga naman ako ng maluwag dahil sa itinuran nito pinihit ako nito pa harap at isinandal sa dibdib niya.

Napa ngiti ako nang marinig ang malakas na pag pintig ng puso nito
Masuyo naman nitong hinaplos ang buhok ko at bahagyang sinuklay suklay ito.

"Did you feel it?"

"A-ang alin?"

Hinawakan nito ang bewang ko at lalo pa akong idinikit sa dib-dib niya.

"My heart beat so fast while saying your name"

'Sinungaling!'mahinang bulong ko sa aking isipan.

Natahimik ako at napa kagat sa pang ibabang labi.

"Nagpapa-asa na naman ba siya?"

Napa daing ako sa sakit ng madaganan ng isang hita nito ang binti kong masakit.

"H-hey, what the-- Fuck! Im sorry, im sorry baby.."

Dahan-dahan nitong kinuha ang binti ko at masuyo itong hinilot dahil nga sa naka maikling short lang ako ay ramdam ko ang init ng palad nito na dumadampi sa balat ko.

Tumingala ako at pumikit dahil ayokong makita niya ang pamumula ng muka ko.

Ramdam ko ang pag aatubili sa bawat galaw ng mga malalaking daliri nito sa binti ko.

"T-tama na.."

Tumingala ito at ikinulong sa dalawang magka bilang palad nito ang muka ko ngumiti ito at inayos ang medyo magulo kong buhok.

Naka titig parin ito saakin pero nasa labi ko na ang mga mata nito.

Napunta rin ang tingin ko sa ma pupulang labi niya at ilang saglit ay unti -unting lumalapit ang muka nito saakin pero tumigil yun ng halos Hindi na madaanan ng hangin ang pagitan namin.

Lumalim ang hininga nito at pumikit
Akala ko ay hahalikan niya ako  pero nag kamali ako dahil bigla itong tumayo at tumalikod saakin.

Naguguluhan naman akong tumingin dito at tatayo din sana pero napa salampak uli ng upo ng maramdaman nanaman ang pagsakit ng pesteng binti ko.

Kita ko ang pagkuyom ng mga kamao nito at kita ko rin ang bahagyang panginginig ng katawan niya.

"C-Calvin, bakit ka nanginginig? Nilalamig kaba?"

Dahil hindi ako maka tayo ay pinilit kong abutin ang braso nito pero agad itong lumayo.

"Please Allison, stay away! Baka Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at maka gawa ako ng kasalanan sayo, lalo ngayon na dalawa lang tayong nandito.."

Paos na sabi niya na nag pabilis ng tibok ng puso ko ngayon alam ko na ang dahilan.

Naka ilang buntong hininga na ito pero Hindi parin lumilingon hindi ko na din alam ang gagawin ko ng mga oras na yun
Gusto ko nalang na bumuka ang lupa at lamunin ako para hindi ko na maramdaman ang nakakailang na sitwasyon naming ngayon.

DominatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon