Chapter 12

2.9K 169 6
                                    

Tanghali na akong na gising dahil madaling araw na akong naka tulog
Bumaba ako at nadatnan ko ang ilang katiwala na abala sa paglilinis.

Agad na yumuko ang mga ito nang makita ako, ngumiti lang ako sa kanila bago dumiretso sa kusina.

"Magandang umaga mahal na Senyorita."

Napa nguso akong lumingon kay ate Nida na  katiwala din dito.

"Ate naman e.."

"Bakit?"

"Wag mo nga kasi akong tawagin ng ganyan."

Tumawa lang ito bago ihain ang mga pagkain sa harap ko.

Napalinga-linga ako sa paligid at umaasa na sana ay wala na si kuya dito, naka hinga naman ako ng maluwag nang hindi ko na sya na kita.

Nang makita ko kasi siya kagabi sa kusina ay agad na akong umalis ng Hindi siya tinitingnan at agad na nagtungo sa kwarto ko.

Siguro naman umalis na rin siya dahil hanggang ngayon ay masama parin ang loob ko dahil sa ginawa nila doon sa hospital.

"Nasa bukid ang lolo at lola mo dahil mag papakain ng mga alaga ninyo. Hindi kana ginising dahil kasarap ng tulog mo Dene."

Sabi nito sa pag aakalang sila lola ang hinahanap ko.

"Ang sabi ng lola mo pumunta ka daw Doon kapag ikay natapos na sa iyong pagkain"

"Bakit naman daw ho?"

"Abay para makapag libang ka at maka pamasyal sa lupain ninyo. Ka tagal mong hindi nakabalik dito hindi kaba man lang pupunta upang makita ang pag babago?"

Napakamot nalang ako sa batok dahil dito. Parang nakatatandang kapatid ko na kasi ito kung ituring ako dahil no'ng bata pa ako ay ito ang nag aasikaso saakin.

"Ah.. Opo pumunta ako, ubusin ko lang ito"

"Abay mabuti. paano, maiwan na muna kita at may gagawin pa ako."

"Sige po"

Minadali ko nang inubos ang pagkain ko at nang matapos ay nagtungo na ako sa aming kwadra.

"Hi baby brownie, i miss you. Na miss mo rin ba ako?"pag kausap ko sa aking alagang kabayo.

Natawa ako ng ikiskis ng alaga kong kabayo ang nguso nito sa pisnge ko.

Regalo ito saakin ni kuya nang 17th birthday day ko.

Brownie ang Ipinangalan ko dito dahil sa awra nito na laging seryoso at ang kulay din balat nito ay brown.

Hinila ko na ito palabas bago sumakay at binaybay ang daan patungo sa bukid nang aming Hacienda.

Nag iba na ang itsura ng daanan dito dahil kung noon ay puro ito bato-bato ngayon naman ay naging mukhang paraiso na ito sa ganda. Mabagal lang ang takbo ng lakad ng kabayo ko dahil gusto kong maramdaman ang tahimik at payapa na paligid.

Puno ng ibat-ibang uri at kulay ng bulaklak sa kanan at mayroon mga lumilipad na mga nag gagandahang mga paro paro at sinabayan pa ito ng nga ibon.

Sa kaliwa naman ay mga nakaka akit na mga tanim nang ibat-ibang klaseng gulay, Lahat pa ng ito ay puro sariwa at makikita mo talaga na ito ay naaalagaan ng maayos.

Sobrang lawak ng lupain dito sa Hacienda nila lolo at lola, at lahat nang naka paligid dito mapa halaman o Hayop man ay alagang-alaga talaga nila.

"Allison apo, nandyan ka na pala.."

Sa sobrang pagka mangha ko sa paligid ay Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa pupuntahan ko.

"Lola.. Sobrang ganda po talaga dito."

DominatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon