Chapter 31

2.2K 116 4
                                    

"Calvin naman! pag aawayan nanaman ba natin ulit ito? ang liit liit lang na bagay pinalalaki mo"

Matalim na nag pakawala ito ng buntong hininga matapos ay tumalikod saakin.

"Huwag mong pagselosan si Ace dahil wala lang iyon. Oo ex ko siya pero wala na yun saakin dahil hindi ko naman talaga siya minahal tawagin mo na akong masamang babae pero wala akong pakialam, ginawa ko siyang rebound panakip butas para malimutan ka noon pero hindi ko kaya kasi nga mahal talaga kita! gets mo? ikaw lang ang mahal ko. mahal kita, i love you-- uhmp!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa biglaang niya akong siniil ng halik napaka pusok nito at bahagya akong nasasaktan na parang pinaparusahan ako pero ginantihan ko pa din siya hanggang sa naging banayad na ang galaw niya.

Mahinang itinulak ko siya ng maubusan ako ng hininga bakit ba sa tuwing hinahalikan niya ako ay parang gusto niya na laging pugtuin ang hininga ko? nakaka inis siya.

"I'm sorry baby, I'm just jealouse, I'm sorry i love you too"

Pakiramdam ko ay biglang nawala ang galit ko ng ngumiti ito ng sobrang tamis.

Gosh! ang sarap niya-- este. ang gwapo niya talaga.

- - - - - - 

"Birthday mo na bukas. anong gusto mong gift?"

Isinubo ko ang natitirang slice ng cake sa plato ko at dinilaan ang naiwan na icing sa daliri ko.

Napa tingin ako sa kanya kaya kitang kita ko ang sunod sunod na paglunok niya bahagya ding namumula ang dulo ng tenga niya habang naka tingin sa ginagawa ko.

"Ang sarap"

Kagat ang pang ibabang labi na usal niya kaya mahina ko siyang tinampal sa braso alam ko kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon.

"Ouch! yung cake ang masarap. ikaw talaga napaka green minded mo.."

"Hoy! ikaw lalaki huwag ka ngang malandi, ikaw ang landiin ko dyan--"

Napahawak ako sa bibig ko dahil sa sinambit pero mukhang huli na dahil ngumising dumukhang ito palapit saakin.

"Gusto ko iyon"

Bulong nito sa tenga ko na siyang ikina liyad ko dahil sa kiliti.

"Calvin ano ba! tinatanong kita kung anong gusto mong gift bukas para sa birthday mo"

"Wala, ikaw lang sapat na... hmm ang bango mo"

Tumayo ako at nag salin ng mainit na tubig sa baso at ipinakita ito sa kanya.

"Ibubuhos ko ito sayo kapag hindi ka tumigil"

"Tss.. fine wala akong ibang gusto dahil nakuha ko na ang pangarap ko"

"Ano?"

"Ikaw"

Ngumiti ako kaya napa ngiti din ito
i love his smile.

- - - - - - -

Simpleng dinner lang ang nangyari ngayong kaarawan niya ayaw niya daw kasi ng enggrandeng kaarawan, masaya naman ito dahil nakikita ko sa mga mata niya ang kislap at ningning tuwing mapapa gawi ang tingin ko sa kanya.

Kasalukuyan akong nag pupunas ng buhok sa loob ng banyo dahil katatapos ko lang maligo, kukunin ko na sana ang undergarments ko ng mapag tantong naiwan ko pala ito sa itaas ng drawer ko.

Nakakahiya naman kung ipapa kuha ko ito sa kanya Oo asawa ko na siya pero nakakaramdam pa din siya ng hiya kaya ang ginawa ko ay pasimple akong sumilip sa labas at naka hinga naman ako ng maluwag ng makitang naka talikod ito mula sa kinaruruonan ko.

DominatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon