Chapter 19

2.3K 135 8
                                    

Napapikit ako ng sumimoy ang sariwang hangin sa buong katawan ko naka upo ako sa malaking bato habang pinapanood ang pag lubog ng araw dito sa lugar na lagi kong pinag tatambayan.

Napadilat ako ng maramdamang may umupo sa katabing upuan ko.

"Baby.."

Masiglang pag bati niya at mabilis na umupo sa tabi ko parang dyamante sa kislap ang nakikita ko sa mga mata niya na ikinasaya ng puso ko masaya ako na ako ang dahilan nito.

Magmula ang nangyari sa bar ay hindi na nawawala ang ngiti na sa mapupula nitong labi na parang inukit na ito doon. Kahit sila lolo't lola ay nag tataka na din sa mga ikinikilos niya.

Nahigit ko ang hininga ko nang ipagkiskis niya ang mga ilong namin.

Amoy na amoy ko ang napaka bango nitong hininga na nasisinghot ko
Hinigit niya ang batok ko at siniil ako ng halik sa labi.

Pareho kaming hinihingal nang mag kalayo kami. Namumungay ang matang ngumiti ito sakin at masuyong hinaplos ang pisnge ko habang nakadikit ang noo sa noo ko.

"I love you..."

Malambing na turan niya gusto kong sumigaw at tumalon-talon dahil sa tuwa pero pinigilan ko ang sarili ko.

Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa leeg niya at napa pikit ako nang maamoy ang natural na bango niya Amoy ng lalaking malinis sa katawan.

Wala siyang pabango pero, maeengganyo ka na singhutin ang Amoy niya na nakaka addict kapag naamoy mo.

"Same..."

"Yun na yun?"

Dismayadong usal niy. Tumango ako habang nasa leeg parin niya ang muka ko.

Gusto kong mapikon siya, dahil di ko pa din limot ang ginawa niyang pag halik sa babaeng noong nakaraan
Lumayo ako at masama siyang tinitigan.

"Parusa mo yan dahil sa pag tataksil mo nakaraan sakin!"

"What?"

"Bakit mo hinalikan yung babae doon sa bar nakaraan?"

Natataranta naman itong nag iwas ng tingin nag lulumikot ang mga eyeballs niya at napa kagat sa pang ibabang labi.

"Tinatanong kita!"

Napa igtad ito at mabilis na kinuha ang mag kabilang kamay ko at kahit hindi sabihin ay alam kong kinakabahan siya base sa mata niyang hindi makatitig ng diretsyo sakin.

"I-i just-- i mean,  umm--"

Nainis na binawi ko ang kamay ko mula sa pag kakahawak nya.

"Ano ba? Sumagot ka nga ng maayos dahil kung hindi--"

"Gusto kitang pag selosin.."

"Anong pag selosin? Hindi ako nag seselos dahil na bububwisit ako sayo!"

Tumayo ako at iniwan siyang naka upo. Peste ka! Bagay lang yan sayo.

Bigla kong naalala ang tungkol sa paghalik nya dun sa haliparot na babae at hindi ko maiwasang mainis.

"Baby!"

Dinig kong sigaw niya pero hindi ko na yun pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.

=  =     =   =

Lumipas ang mga araw na hindi ko ito pinapansin kahit na nag papaansin ito sakin kung ano-ano na din ang ginawang effort para lang mapansin ko.

Meron na magluluto siya para sakin meron din nag papa ulan siya ng mga rose petals pag labas ko palang ng kwarto.Pero ang mas nakakapukaw ng atensyon ko ay ang mga love letter na ginagawa niyang eroplano at paliliparin ito sa kwarto ko bago ako matulog.

DominatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon