Tahimik na minamasdan ko ang mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid habang pinakikinggan ang mga ito na umaawit. Napa pikit ako ng sumimoy ang sariwang hangin na tumama sa buong katawan ko Hinihiling ko na sana ay tulad nalang din ako ng isang ibon na malayang gawin ang mga bagay bagay.
Napa baling ang tingin ko sa kabilang gilid ko ng may umupo doon.
"So... Hi "
Napa yuko ako dahil hindi ko siya kayang harapin ngayon dulot ng kahihiyan.
"D-David"
Nabalot ng katahimikan sa pagitan namin at tanging huni lang ng mga hayop sa kapaligiran ang maririnig.
"Kailan pa nagsimula?"
Basag niya sa katahimikan
Napa angat ang tingin ko sa kaniya at mabilis na nag iwas ng tingin."D-avid, hindi ko naman din ginusto, s-sinubukan kong pigilin ang nararamdaman ko p-pero--"
"Bakit kaba nag papaliwanag? Wala na ako sa disisyon na gusto mong gawin dahil buhay mo yan, pero..."
"Pero?"
"H-hindi ba yun, ano, yung.. Parang kakaiba kasi siyempre, m- magkapatid kayo.."
Mapait akong napa ngiti at agad nag iba ng tingin sa kaniya.
Yun na nga ang problema!
"Okay.. Sorry kung na offend ka, concern lang naman ako.."
Huminga ako ng malalim bago buong pag mamakaawa siyang tinitigan.
"David, ano kasi.. Umm, ikaw pa lang ang nakaka alam ng sekreto namin, pwede ba na huwag mong sabihin kila--"
Napa tigil ako ng malakas itong tumawa habang sapo ang tyan.
"Seriously? Ganun ba ko kasama? Alli I'm your best friend, your secret is safe with me.. Wala ka bang tiwala sakin?"
"Talaga? Hindi mo kami isusumbong?"
"Well problema ninyo yan, ayokong maki alam, pero malaking kahibangan ang ginagawa ninyo.. Anong mangyayari sa inyo kapag nalaman yan ng lahat?"
"H-hindi ko pa din namin alam.."
Bumuntong hiniga ito at bahagyang tinapik ang balikat ko
Tipid itong ngumiti nang tingnan ko."Hindi kita kinukunsinti, pero kapag nagka problema, pwede mo kong lapitan.."
Mabilis ko itong niyakap at paulit-
ulit na nag usal ng pasalamat."Wala yun.. Basta yung promise mo na tutulungan mo ako sa panliligaw kay kim ha?"
"Oo nga, paulit-ulit ka"
Mabilis na napalayo ako dito nang may malakas na pwersa ang humigit saakin palayo sakanya.
"Damn you asshole!"
Parehas kaming nagulat ni david dahil sa nangyari.
"Dont you ever touch her!"
Mabilis ko na itong hinila palayo kay David dahil baka mag kasakitan pa ang mga ito, naglalakad kami habang mahigpit na hawak ang kamay nito.
"Ano bang ginagawa mo? Bakit mo pinagsalitaan ng ganon si David?"
"Bakit kayo mag kayakap?"
"Nag pasalamat lang ako dahil--"
"Kailangan talaga yakapin ka pa?"
Bumuntong hininga ako.