Sabay naming minamasdan ang paglubog ng araw habang mag katabi kaming naka-higa sa duyan sa ilalim ng puno nang niyog.
Naka sandig ang ulo ko sa matigas at matipuno nitong dibdib habang naka pulupot ang mga bisig niya sa bewang ko.
Mukha kaming perfect couple kung titingnan ng iba,pero alam naming pareho kung ano kaming talaga.
Siguro nga tanga ako dahil pumayag ako sa hiling niya kahit alam kong kasalanan ito.
Ngunit mali bang pag bigyan muna namin ang sarili namin at lumayo muna sa mga taong mapang husga?
Napabuntong hininga nalang ako
Napatingin ito saakin nang nag tataka."Is it something wrong baby?"
"H-ha?Wala naman, Bakit?"
"Wala naman..Ang tahimik mo kasi e.."
"Ikaw lang naman ang madaldal."
"Outch! Nakakasakit ka ng feelings baby"
"Arte.."
Natatawang tinampal ko ito sa dibdib pero hinuli nito ang kamay ko at dinala ito sa kaniyang mga labi at masuyo niya itong hinalikan.
Bumilis ang tibok nang puso ko sa klase ng tingin na ipinupukol nya saakin.
Maya-maya ay dahan-dahan nitong inilalapit ang mukha niya sa mukha ko at ipinag dikit ang mga ilong namin.
Amoy na amoy ko na ang mabango nitong hininga na tumatama sa ilong ko
Bumaba ang tingin nito sa mga labi ko at masuyo itong hinaplos haplos."This god damn lips are only mine. understand?"
Hindi ko alam kung bakit, basta na lang akong tumango nang wala sa sarili.
"And you're just only mine."
Pagka rinig ko niyon ay naramdaman ko na lang ang malambot, mainit, at basa niyang labi sa labi ko.
Hindi ako naka galaw o nakapag salita
Nananatili lang akong naka titig sa kaniya habang siya ay naka pikit na para bang ninanam-nam ang lasa ng labi ko.Hinalikan niya ako habang Hinahaplos haplos nito ang likod at braso ko ingat na ingat ito na para bang isa akong mamahaling Dyamante na ayaw niyang mabasag,
Habang ang isang kamay nito ay naka suporta sa likod ng ulo ko, para mas lalong lumalim ang pag halik niya saakin.
Ilang sandali ay nag mulat ito nang mapansing hindi ako gumaganti sa halik niya.
Tumitig ito saakin habang patuloy ang masuyong pag halik na parang sinasabing gumanti ako.
Pumikit ako at sinunod ang ritmo nang pag galaw nang labi niya,ilang sandali ay hinawakan nito ang mag kabila kong balikat at bahagyang inilayo sa kaniya.
Napatiim bagang ito at mariing pumikit
Sunod-sunod din ang pag taas baba ng Addams apple nito at medyo humigpit ang pagkakahawak sa balikat ko,hindi naman masakit pero malalaman mo na nag pipigil ito sa kung ano.Maya-maya ay namumungay ang matang nag mulat ito at niyakap ako nang mahigpit.
"Thank you.."
Nangunot ang noo ko sa itinuran nito pero hindi lang ako umimik at hinihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin.
"Salamat kasi kahit alam natin pareho na mali ito ay sumugal ka parin at pumayag sa nais ko."