Gabi-gabi ay inaabangan ko kung papasok siya sa kwarto ko pero bigo ako dahil mag iisang linggo na ay hindi pa din siya umuuwi matapos ang nangyari noong nakaraan.
Ngayon ay umaasa ako habang nakatingin sa pintuan ko na sana ay pumasok siya. Napa tingin akong sa wall clock at napa buntong hininga akong nang makitang alas dose na ng hating gabi hanggang sa Hindi ko namalayang nakatulog pala ako, at muli Bigo ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at agad kong nakita si lola sa kusina kaya nilapitan ko ito at binati. Agad ding may pumasok na katanungan sa aking isipan kaya agad ko itong tinanong kay lola.
"Lola, pwede po ba na palitan ang dugo na dumadaloy sa katawan ng tao?"
Napa hinto Si lola sa pagluluto at binalingan ako ng kunot noo na tingin.
"Ano ba yang sinasabi mo?"
"K-kunwari po ano... Gusto kong palitan ang dugo ko sa katawan ko."
"Parang sinabi mo na din na ayaw mo nang mabuhay."
"May pera naman po tayo eh, baka po pwedeng opera-hin ako para--"
"Ayaw mo na ba kaming maging kadugo?"
Malungkot na tanong nito
Nag iwas ako ng tingin
Nagiging sobrang desperada na ko para lang sa pag mamahal ko.
"H-hindi po lola, ikaw po ang da-best lola ko."
Niyakap ko ito para i-assure na mali ang iniisip niya na gustong-gusto ko ang pamilya ko. Ang problema lang ay ang lalaking kailan man ay hindi nawala sa puso at isipan ko.
Ang tanga-tanga ko dahil matapos kong sabihin na Hindi ko siya mahal ay ito nanaman ako at umaasang sana ay Hindi kami na magkapatid na dalawa.
Agad na napa tayo ako ng makarinig ng busina at mabilis na nagtungo sa bintana parang tingnan kung sino ito
Pakiramdam ko ay nanginig ang kalamnan ko ng makita syang bumaba ng kotse at pumasok sa loob
Madali akong naupo sa sofa at hinintay na makarating siya.
Ilang saglit ay napa lingon ako sa likuran ko ng makarinig ng kaluskos
Nanginginig na inilapag ko ang dyaryong hawak ko at agad na tumayo para masilayan ito.
Huminga muna ako ng malalim para mabawasan ang kaba sa dibdib ko dahil sa mahigit isang linggo siyang nawala ay pakiramdam ko ay isang taon na.
Nang lingunin ko ito ay nanghina ako ng makitang walang nababakas na emosyon sa muka nito tulad noon.
"Ah--"
Napa tigil ako ng daanan lang ako nito at nag lakad patungo sa ref at agad na nag salin ng malamig na tubig bago mabilisang uminom habang hindi ako nililingon. Nang matapos ay walang salita ako nitong nilampasan.
Nanghihina na napa upo akong muli sa sofa habang hinahabol ito ng tingin na ngayon ay umaakyat sa hagdanan napa hawak ako sa puso ko ng kumirot ito.
Ilang saglit ay bumaba ito na may hawak na isang malaking maleta.
"A-apo? Bakit may hawak ka niyan? Saan ka pupunta?"
"I have to go lola.."
"Saan ka nga pupunta?"
Naka kunot noong tanong ni lola pero Hindi na yun nasagot dahil biglang tumunog ang cellphone niya bago mabilisang lumabas.
"Abat! Yun talagang batang yun."
Naiinis na sambit ni lola pero wala Doon ang atensyon ko nasa lalaking ngayon ay papalabas na kinakabahan ako.
"Iiwan na niya ba ko? Ganon na yun?"
