Naka tanaw ako sa bintana ng kubo na pag tanto ko na humina na ang ulan at ang malalakas na alon ay humina na din.
Napa pitlag ako sa gulat ng may biglang yumakap saakin mula sa likod pero agad din na akong napapikit ng makilala ito Tahimik na ninamnam ko ang bawat sandali na kasama siya dahil alam kong panandalian lang ito.
Hindi ko na din naitanong sa kaniya ang huling salitang narinig ko kagabi dahil hindi naman ako nakaka sigurado dahil baka imahinasyon ko lang yun.
"Baby?"
Malambing na tawag nito at naramdaman ko na ipinatong nito ang baba sa balikat ko. Nilingon ko ito at napataas ang kilay ko nang makita na naka ngiti ito.
Idinikit niya ang pisnge saakin at bahagyang ikiniskis ito naiilang ako dahil hindi pa ako nakakapag hilamos. Kaya inilayo ko ang muka ko sa kaniya dahil nahihiya ako sa kalambutan ng kutis niya.
"H-hindi pa ako nakakapag hilamos"
Kumunot ang noo nito bago muling hawakan ang muka ko at ipaling paharap sa kaniya.
"I dont care"
Mabilis ko itong hinampas sa braso ng bigyan ako nito ng smack kiss sa pisnge tumawa lang ito bago kagatin ang pisnge ko.
"Nakaka gigil ka.."
Sigurado akong namula ang pisnge ko dahil medyo napa diin ang pag kakakagat niya dito.
"Nakakainis ka talaga!"
"Pogi naman"
"Hmp! I hate you! Bakit ba trip na trip mo kagatin ang pisnge ko?!"
"Hmm.. Bakit nga ba? Siguro dahil matambok at namumula kaya trip ko" malambing na sagot nito.
"Nakaka inis ka!"
Hindi na ito nakipag talo at hinigpitan na lang ang pag kakayapos saakin pinunasan ko ang pisnge ko dahil baka bumakat ang ngipin niya doon.
Ilang saglit ay napa lingon ako dito ng lumipas ang ilang minutong hindi ito kumikibo. Seryoso itong naka titig saakin at nakita ko rin kung paano dumaan ang pag aalangan sa gwapong muka nito.
Bumuka ang bibig niya pero agad din niya yung itinikom.
Kumunot ang noo ko at bahagyang hinaplos ang pisge nito dahil ayoko na may ibang reaction akong nakikita sa muka niya maliban sa kasiyahan at kakulitan.
Hinawakan ito ang kamay ko na nasa pisnge nya at pumikit na parang dinadama yun. Humugot ito ng malalim na buntong hininga at namumungay ang matang tumitig saakin.
"I lo--"
"Hey, love birds, may naghahanap sa inyo sa baba"
Singit na sabi ng anak ni nay nilda dahilan para maputol ang nais niyang sabihin
Umalis na rin ito matapos sabihin yun.Humarap ako sa taong nasa likod ko
Bakas ang pagka dismaya sa muka nito."Ano na nga yung sasabihin mo?"
Umiling lang ito bago ako akayin sa pag baba.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubing nang makilala kung sino ang tinutukoy na naghahanap saamin.
"L-lola? Lolo?"
Mabilis na tumakbo Si lola palapit saamin at agad kaming niyakap.
"Mga apo ko, mabuti dahil ayos lang kayo."
Ilang saglit ay kumalas na ito sa pag kakayakap at ibinaling ang atensyon kila aling Nilda na ngayon ay masayang nakikipag kwentuhan kay lolo. Nagpasalamat Si Lola sa mga ito.