Chapter 7

3.5K 203 6
                                    

"Sweetheart,  ilang araw kang nawala. May nangyari ba?"

Napatingin ako kay Ace pero napaiwas din ng tingin, sobrang sama ko dahil siya ang boyfriend ko pero iba ang nag papatibok ng puso ko. Masasaktan siya ng sobra kapag nakipag break ako at hindi iyon kakayanin ng konsensya ko.

Mali pala ako nang Desisyon no'ng sinagot ko siya, akala ko kasi makakalimutan ko na ang nararamdaman ko kay kuya kapag ibinaling ko sa iba ang atensyon ko.

Pero mali pala ako..

"Maling! Mali"

"Sweetheart?.. Are you with me?"

"H-ha? Sorry Ace, ano yun?"

Haisst.. Ang sabi ko nag aalala ako sayo nitong nakaraang araw dahil hindi kita ma contact, pinuntahan na din kita sa bahay niyo pero ang sabi ni manang nag relax ka lang daw pero hindi sinabi saakin ang exact location kung nasaan ka.

"Saan kaba nag punta? Nag alala ako nang Husto e.."

" Ano kasi.. Umm.. May inasikaso lang ako at nag relax na rin, he-he sorry kung nag alala ka.."

"Its okay..  But next time sabihin mo saakin kung aalis ka o may gagawin ka, baka maka tulong ako."

"Okey next time"

Nginitian ko ito at hinila na papasok sa room.

----------

"Bye sweetheart,  ingat ka."

"Ikaw din, ingat sa pag di-drive."

Nginitian ako nito at kinawayan
aandar na sana ito pero huminto din at sumulyap sa likuran ko bago tumingin ulit saakin.

"I love you sweetheart"

Kunot noo ko itong tiningnan at nag aalangan kung sasagutin ko ba.

"I-i love you too.. Sige na baka gabihin ka ng Husto."

Malawak na ngumiti ito at bahagya pang ngumuso.

"Kiss muna.."

"Ano kayang na kain nito?"

Nagiging makulit ata ah.


Akmang hahalikan ko ito sa pisnge para umuwi na pero may humablot saakin mula sa likuran at pinalayo ako kay ace
Gulat ko itong nilingon at mas nagulat ako nang mapag tanto kung sino iyonn.


"Dito pa kayo mag lalandian sa labas?
Baka gusto mong pumasok sa loob.."

Tanong nito kay ace habang mag ka salubong ang mga kilay, matamis na ngumiti si ace at bumaba ng kotse.

Nginitian nito si kuya at kinindatan.

"Talaga bro? Pwedeng dyan kami sa loob mag landian--"

Hindi pa man tapos sa sasabihin nang bumulagta na ito sa semento.

"BASTARD! YOUR FUCKING ASSHOLE!"


Nag iigting ang panga nito at madilim ang  na naka tingin sa naka bulagtang si Ace. Napatili ako nang sakyan ni kuya si ace at paulanan ng suntok sa mukha.

Gulat na lumabas si mommy at Daddy pati na din ang mga maids dahil sa umalingaw ngaw na sigaw ni kuya.

"Calvin! What's happening here?"

Tarantang tanong ni mommy at Hinila si kuya patayo, tumayo naman ito at pinag pagan ang nagusot na damit bago umakmang susuntukin sana ulit si Ace pero pumagitna na si daddy.

DominatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon