Excited na nagbibihis ako sa loob ng kwarto dahil sabi ni lola ay fiesta daw sa bayan at gusto ni Lola na dumalo kami, itim na bistidang hapit sa katawan na above the knee at off shoulder ang napili kong gamitin may belt ito banda sa bewang na lalong humapit sa katawan ko.
Napa lingon ako sa pintuan ng may kumatok. Inayos ko muna ang sarili ko bago ito buksan.
"Are you done--"
Ilang segundong napanganga ito pero ilang saglit ay napa tiim bagang ito.
"Magbihis ka"
"Ha? P-pero--"
Itinulak ako nito pabalik sa kwarto at isinarado ang pintuan. Napa nguso na lang ako dahil alam ko na ang dahilan niya.
"Ito na lang please? Gusto ko kasi ito--"
"Maghubad ka nalang kung yan ang gagamitin mo"
"Bakit?"
"Nag tanong ka pa! Kitang kita na ang kaluluwa mo dyan sa suot mo"
Napa buga ako ng hangin at inirapan ito.Hinagod ko din ang kabuohan niya
Fitted T-shirt na kulay white at isang simpleng short na lampas tuhod
Daya! Bakit bagay sa kaniya ang lahat ng sinusuot niya!
Padabog na nagtungo ako sa banyo para mag palit.Dala ang jeans na kulay black at crop top na kulay blue.
Nang matapos ay naka simangot akong lumabas napa taas ang kilay ko nang makitang naka kunot noo parin ito.
"Ano na naman?!"
"Hindi na ba pwedeng hilahin pababa yang damit mo?"
"Hindi!"
Napa buntong hininga ito bago lumapit sakin. Napa hampas na lang ako sa dibdib niya nang siilin niya ako ng halik nang walang paalam.
"Wag kang lalapit sa ibang lalaki mamaya"
Sambit niya matapos ang pag halik
Padabog na lumabas ako ng kwarto hanggang sa pagbaba sa hagdan, ramdam ko naman na nakasunod ito sakin.
"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo?"
Takang tanong ni lola pero sa halip na sagutin ko ay tinapunan ko ng masamang tingin ang lalaking ngayon ay prenteng naka tayo habang naka pamulsa.
"What?"
Painosenteng tanong niya. Inirapan ko lang ito bago hilain si Lola palabas.
"Let's go na Lola, iwan na natin iyan"
Dinig ko naman na tumawa lang ito mula sa likuran na lalong ikinainis ko.
*******
"Ano ba, lumayo ka nga!"
Tinaasan lang ako nito ng kilay bago lalong lumapit sakin.
Pilit ko itong itinutulak pero sadyang ayaw niya.Naka upo kami sa isang mesa na puno ng maraming pagkain pero hindi pa pwedeng galawin. Dahil may mga palaro pa daw na gagawin.
"Stop being brat Allison!"
Seryosong wika niya na ikinalingon ko sa kaniya. Nakatitig din ito sakin.
"Brat? Ako brat?!"
"You shout up, halikan kita dyan eh"
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid
Mabuti na lang ay malayo-layo sila Lola sa pwesto namin dahil kung hindi ay narinig na nya ang sinabi nito. Pina ningkitan ko ito ng mata pero ngumiti lang ito. Akmang hahampasin ko ito ng mag salita ang emcee at sinabing kumuha daw ng gagawing kapareha para sa laro.
