Chapter 23

2.3K 120 3
                                    

Mabilis na napa bangon ako ng makapa na wala siya sa tabi ko numangon ako para mag tungo sa labas, hinanap ko siya sa sala at kusina pero hindi ko siya nakita kaya napag desesyunan kong mag tungo sa veranda kung saan siya madalas na tumatambay.

Napa ngiti ako ng makita ko siya na naka upo, akma na sana akong lalapit ngunit agad na napa hinto ng makitang may lumalabas na usok mula sa bibig niya.

Naninigarilyo siya? Sa pag kakaalam ko ay naninigarilyo lang siya kapag problemado o strees.

"Calvin.."

Mabilis naman na napalingon siya saakin at agad na tinapakan ang sigarilyong hawak kahit na halos kalahati pa lang ang nababawas niya. Naka kunot noo na lumapit ako sa kaniya at naki inom sa hawak niyang kape, napa ngiwi pa ako dahil sa pait nito.

"Its already midnight, why are you still awake?"

"Ikaw din naman, bakit gising ka pa?"

Tumaas ang gilid ng labi niya at tinaasan ako ng kilay bago ilapag ang hawak na tasa.

"Repeating my word?"

"A-ah.. Sorry naman, hinanap kasi kita dahil nagising ako na wala ka sa tabi ko

Kumunot ang noo niya at ilang saglit ay ngumisi ito, itinukod niya ang magka bilang braso sa lamesa at idinukwang ang mukha niya palapit saakin.

"Can't sleep without me, eh?"

"K-kapal mo, h-hindi k-kaya!"

"Tss. Why are you stuttering? Its too obvious"

Inirapan ko siya at akma na sanang tatayo pabalik sa loob ng higitin niya ang pulsuhan ko at kanlungin ako.

"Don't be so mad"

Sambit niya habang pinang gigigilan ang balikat ko, mabilis ko siyang hinampas sa braso dahil alam kong mag iiwan na naman siya doon ng love mark, yes, its a love mark, ayaw niyang chikinini ang tawag ko doon dahil parang salita daw yun ng tambay sa kanto na ikinatawa ko.

Madalas niya akong lagyan ng ganto pero ang pinaka gusto niyang lagyan ay ang leeg at balikat ko kung saan ito na e-expose ng husto, tuwang tuwa naman siya kapag nakikita niya iyon saakin.

Mabuti na lang nga ay kaming dalawa lang ang nan dito dahil kung makikita ito ng ibang yao ay iba din ang iisipin nila.

"Lets go inside.."

"Ayoko, dito muna tayo, movie marathon gusto ko"

"Sure.. Anong movie ang gusto mo?"

"Hmmm.. Horror!"

Naka ngiting kumapit ako sa braso niya at ilang saglit ay bahagya ko siyang niyugyog ng mapansin na naka tingin lang ito saakin.

"Calvinnn!"

"Damn! Dont shout, hindi ako bingi"

Ngumuso ako at nag kunwaring iiyak at bahagya pang yumuko para convincing ang pag acting ko.

"H-hey, don't cry.. Im sorry, okay?"

Itinabon ko ang sariling buhok sa mukha ko upang hindi niya mapansing naka ngiti ako.

"Im really sorry, okay let's watch--"

"Wag na, takot ka lang e"

"What-- hey, hey, where are you going?"

Kunwaring nag dadabog akong tumayo at iniwan siya doon, and this time ay hindi niya na ako nahablot dahil mabilis akong lumayo sa kaniya. Nagtuloy-tuloy lang ako hanggang sa nakarating ako sa sala at naupo sa single sofa bago ko ipinag exis ko ang dalawang braso sa dibdib ko habang hinihintay siyang sumunod, pero ilang minuto na ang lumilipas ay wala pa din siya, kaya totoong napa simangot na ako dahil ang ine-expect ko ay susunod agad siya para suyuin ako pero wala parin siya.

DominatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon