(Allison' P.O.V)
pabalik balik ako sa pintuan ng emergency room kung nasaan nakaratay si Lola.
Hindi ko na din mabilang kung ilang ulit na akong nag pakawala ng buntong hininga, basta ang alam ko lang ay sobra akong nag aalala sa kalagayan ni lola.
"Baby, calm down. Everything's gonna be alright"
Hinila niya ako paupo bago marahang hinahagod ang likod ko, muli akong nag buga ng hangin sana nga ay maging maayos na ang lahat.
"Dont worry, I'm here.."
Sumandig ako sa braso niya at doon pumikit nakaramdam ako ng kaginhawaan kapag nasa tabi ko lang siya at yakap dahil alam kong hinding hindi niya ako iiwan at papabayaan.
Mabilis na napa angat ang tingin ko ng makarinig ng pag tikhim sa harapan namin napa yuko ako ng makitang si lolo ito.
"Lets talk calvin... "
Seryosong sabi nito na siyang mas ikinayuko ko, hindi ako sanay na ganyan si lolo dahil ang kinalakihan kong ugali niya ay masayahin at malambing.
Napa buga ako ng hangin, ano bang ine-expect ko?
"Baby"
Tawag niya at bahagyang pinisil ang kamay ko. Inangat ko ang tingin at tipid itong nginitian para ipalam sa kaniya na ayos lang.
"Okay lang, sige na sumunod kana kay lolo"
"Sure?"
"Yup"
Hinalikan niya muna ang tuktok ng ulo ko at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap bago tuluyang tumayo at sumunod kay lolo na nauna ng mag lakad.
Kasabay ng pag kawala nila sa paningin ko ay siya ding pag tunog ng cellphone ko.
Kinuha ko ito mula sa pouch bag ko.From:Lance
Hi, Allison. Gusto sana kitang imbitan na sa bahay ka nalang mag dinner this next day, gusto ka kasing makita ng personal ng parents ko, kung okay lang naman, pede mo din isama ang asawa mo, yan ay kung papayag sya. kakapalan ko na ang mukha ko ulit, he-he.Naiiling na ibinalik ko ang cellphone ko sa bag wala akong load kaya hindi ko siya marereplayan, maniwala man kayo o sa Hindi ay si lance talaga ang kumidnap saakin.
Nagalit pa nga ako sa kaniya dahil pinakaba niya ako ng husto pero mabilis ako nitong sinuyo sa pamamagitan ng pagkain.
Tapos yun ay nagulat na lang ako ng picturan nito ang batok ko, tinanong ko ito kung para saan iyon pero ang sinabi nito ay nagagandahan lang daw kasi ito saakin kaya ako kinuhaan ng picture pero ang pinagtataka ko ay bakit sa batok niya ako kinuhanan kung nagagandahan siya?
May mukha din ba ang batok ko?
Ipinag sawalang bahala ko nalang ito
Matapos iyon ay nag patulong lang ito kung paano haharapin muli ang mga magulang dahil sa konsensyang nararamdaman niya sa pag kawala ng kapatid niya. Hindi naman siya sinisisi ng mga ito sadyang siya lang ang gustong ibaon ang sarili sa nakaraan dahil sa konsensya niya.Sa katunayan ay napakabait ng mga ito kahit sa video call ko lang naka usap, at na laman kong hanggang ngayon ay patuloy pa din silang umaasa na buhay ang anak nila.
* * * *
"Gusto kong ipagsigawan ito at hindi itago, lolo, sawang sawa na akong itago kung ano kaming dalawa, mahal ko siya at mahal niya din ako.. In short, nag mamahalan kaming dalawa. Bakit ba hindi ninyo kayang intindihin at tanggapin na lang!"
"Are you out of your mind! Magkapatid kayong dalawa, parehong laman at dugo ang nananalaytay sa buong pagkatao ninyo!"
"Its that a problem? I'm willing to change my flesh and blood just to be with her forever"
"Your crazy--"
"Yeah, im crazy at kapag ginawa ninyo ang binabalak ninyo... Hindi ako mag dadalawang isip na kitilin na lang ang sariling buhay ko cause I'm nothing if i don't had her!"
Napako ako sa kinatatayuan habang pinakikinggan ang pinag uusapan nila na boring ako kahihintay kanina dahil ang tagal nilang bumalik kaya napag disisyunan ko na lang na puntahan sila at dito ko nadinig ang pag tatalo nila.
Hindi ko man maintindihan ang pinupunto nila ay maliwanag naman saakin at alam ko na nag tatalo sila dahil sa relasyong meron kaming dalawa.
Napa angat ang tingin ko ng may dalawang pares ng sapatos ang nakita ko sa harapan ko, bubuka pa sana ang bibig ko para magsalita pero agad din na naitikom ng hilain ako nito ng mabilis palabas ng hospital at agad na sumakay sa kanyang sasakyan ng makarating kami sa parking lot.
* * * *
Nagising ako at agad na inilibot ang paningin ko sa kapaligiran malapit lang ito sa hospital kung nasaan sila lola. Napa bangon ako ng malala ang nangyari kanina napag tanto kong nasa loob pa din pala ako ng sasakyan at wala siya sa tabi ko.
Bumaba ako at hinagilap siya pero hindi ko ito nakita, napa upo ako sa likod ng malaking puno at ninamnam ang sariwang hangin na tumatama sa muka ko.
"Damn you all mother fucker!"
Napa pitlag ako sa gulat dahil sa pamilyar na sigaw at pag uga ng punong kinauupuan ko, mabilis na nag tungo ako sa harapan at agad napa singhap ako ng makita siya na sinuauntok at pinag sisipa ang malaking puno.
"Calvin!"
Napa hinto naman ito at agad bumaling ang tingin saakin hinihingal pa ito.
Lumapit ito saakin at binigyan ako ng isang napaka higpit na yakap.
"Don't leave me please..."
"A-ano bang sinasabi mo?"
"Please stay by my side"
"Bakit ba ganyan ka, ano bang nangyayari sayo?"
Humiwalay ito ng yakap at hinawakan ang mag kabila kong pisnge.
"Mangako ka na hindi mo ako iiwan."
"P-pangako, ano bang nangyayari?"
"Lolo use all his powers para... Para pag layuin tayong dalawa, but don't worry, I'm going to use my connections too.
"Gusto ko lang na mangako ka na sabay tayong lalaban..."
Hindi ko mapigilan ang hindi mapahikbi dahil doon nahilig ako sa dibdib niya Masyadong makapangyarihan si lolo at alam ko iyon, pero ipinapangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari sa pagitan namin at ng aming pamilya...