Chapter 10

3.2K 199 5
                                    

Simula nang makita namin resulta ng DNA test ay pakiramdam ko may nag bago, Hindi ko matukoy kung ano, pero alam kung meron.

Masakit saakin ang nalaman ko
Alam ko namang mag kapatid kami pero umaasa pa din ako na sana ay hindi na lang.

Hindi pa dinn kami nakakapag usap magmula nang nangyari dahil umalis na siya agad pag kagising niya at nalaman ko na kumuha pala siya ng sarili niyang condo.

Sa office naman ay hindi na din kami nag kikita dahil na padpad ako sa ibang agency na hindi ko alam kung bakit, may tatlong araw nalang kami para matapos ang training namin.

Malungkot na masaya ang nararamdaman ko.

Malungkot dahil na palapit na din ako sa ibang empleyado na nagtatrabaho dito dahil parang kapatid na ang turing nila saakin.

Masaya dahil sa wakas ay tapos na ang dapat kong gawin dito at makaka iwas narin ako sa masasakit na tanawin na nakikita ko dahil Bali-balita at madalas daw na magkasama sila kuya at sila ate nicole ngayon.

"Sa Italy nalang siguro kami. ikaw Allison, saan ka mag babakasyon?"

Nabalik ako sa reyalidad dahil sa tanong ni Ana na ka office mate ko tipid ko itong nginitian.

"Hindi ko pa alam e, wala pa akong naiisip."

Sagot ko at bahagyang napa hagod sa sariling batok.

"Kung gusto mo sama ka na lang saamin ng pinsan ko sa Palawan?"

Suhestyon naman ni monica na isa din sa katrabaho ko, bigla parang nalungkot ako sa huling sinambit nito na lugar.

"Huy! Allison, okay ka lang?"

Kinalabit ako ni Ana ,kaya napa kurap ako at mapait siyang nginitian.

"Naano ka?"

Tanong ni Ana na napansin yata na wala ako sa sarili ko.

"W-wala ah, ano nga ulit yun Monica?

"Yun na nga, sa Palawan kami magbabakasyon.

"Ano, sama ka?"

"Ah, hind na siguro, may lugar din kasi akong gustong puntahan Pasensya na.."

"Ganun ba? Sige okay lang naman, pero kapag nag bago ang isip mo pwede mo akong tawagan."

"Oo ba."

Kahit ilang araw pa lang kaming mag kakasama ay mag kakasundo na kami.

Nginitian ko sila bago muling nag focus sa trabahong ginagawa ko.

****

Napa tingin ako sa aking pam bisig na relo at napag tanto kong alas singko na ng hapon, iniligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng opisina.

Bago ako umuwi ay nag tungo muna ako sa Department store na malapit lang sa kompanya dahil naisip kong bumili muna ng personal na pa ngangailangan ko.

Kumuha muna ako ng basket bago ako namili ng kailangn ko.

Napa tingin ako sa na bangga kong bulto dahil naka talikod ako dito.

"A- ace?"

Awkward itong ngumiti at bahagya pang nahagod ang sariling batok.

"H-hi"

Mag mula nang maabutan ko si Ace na may kasama sa condo niya ay wala pa kaming maayos na pag uusap na dalawa.

"Kumusta swe-- i mean A-allison.."

DominatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon