Chapter 16

2.6K 166 10
                                    

Nang tuluyang mabuksan ang pintuan ay nasapo ni lola ang dib-dib habang naka tingin saakin.

"Ano ba yan apo? Kalaki-laki mo na nag lalaro ka pa ng manika?"

Naka ngiwing inilapag ko ang manikang hawak ko sa side table ko. Ito lang kasi ang nahablot ko kanina sa sobrang pagka taranta dahil Baka mahuli kami ni lola.

Nang malaman namin kanina na may balak pumasok sa loob ng kwarto ko Si lola ay mabilis na nagtago ang lalaking katabi ko kanina na ngayon ay nasa ilalim ng kama ko. Mabuti na lang ay dim light lang ang ilaw nang kumilos siya kaya hindi nakita ang pag talon niya sa ilalim.

"L-lola, bakit po gising ka pa?"nauutal na tanong ko.

"Natutulog na ako kanina pero nagising ako dahil parang sumisigaw ka iyon pala nag lalaro ka lang ng manika"

"Lolo naman eh"

"Asus! O siya, mukhang ayos ka naman. Lalabas na ako"

"Sige po.."

Nag lakad na ito papunta sa pintuan pero lumingon ulit ito saakin.

"Nga pala, dumating na ba ang kuya mo?"

Napa kagat labi ako ng maramdamang gumalaw ang kama ko at nadinig ko ang mahinang daing nito na parang nauntog.

"W-wala po lola, hindi ko po alam eh.."

"Ganon ba? O sige, akoy dadaan na lang sa silid niya. Nako talagang batang yun!"

Naiiling na pahayag ni lola bago tuluyang lumabas nang maisara na ang pintuan nagulat nalang ako ng biglang sumulpot sa harapan ko ang taong nasa ilalim ng kama ko kanina.

Mabilis niyang inilock ang pintuan ko at ilang saglit ay napa kunot ang noo ko ng buhatin niya ang aparador ko at ilagay ito sa likod ng naka saradong pintuan.

"Para Saa yan?"

"Para walang istorbo"

Nang matapos ay umupo din ito sa tabi ko at bahagyang sinuklay pataas ang buhok na basa ng pawis.

Hinapit ako nito palapit sa kaniya at mabilisang humilig sa balikat ko.

"Ang Init.."

"Ha? Teka lalakasan ko lang ang airco--"

"No need, just one kiss from you and I'll be okay.."

Inirapan ko lang ito at mahinang hinampas sa braso tumanday ito sa akin.

"Humiga kana.."

Hindi ito sumagot at lalo lang hinigpitan ang pag kakayapos saakin.

Mariin akong napa pikit ayokong masanay na lagi siyang nandito sa tabi ko at laging sweet saakin dahil alam kong kapag bumalik na kami sa tunay naming mundo ay mag lalaho din itong lahat.

Lumipas ang ilang minuto na ganon lang ang posisyon namin. Hanggang sa nag angat ito ng tingin at marahang hinaplos ang pisnge ko.

"Why so silence?" Curious na tanong niya.

"H-ha? Wala naman"

Napa yuko ako ng matiim ako nitong tinitigan na parang tinatantya kung nag sasabi ako ng totoo. Pilit ko namang iniiwasan ang tingin niya dahil Baka mahalata niya ang iniisip ko.

Dinig kong nag pakawala ito ng malalim na buntong hininga at dahan-dahan akong inihiga kasabay niya.

Pina unan niya ako sa matipuno niyang braso at isinandig sa dib-dib niya
Napa ngiti ako ng marinig ang mabilis na pag tibok ng puso niya
Gustong-gusto ko talaga na naririnig ang pag pintig ng puso niya.

DominatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon