Chapter 9: Complicated

1.4K 34 0
                                    

NARINIG ni Venus na may nagbukas ng pintuan sa kwarto at nang lumingon siya, natagpuan niya ang kanyang anak na nakangiti sa kanya. Kinaway naman niya ang bata at humiga naman ito sa kama kasama siya. Ilang araw na din kasi siyang hindi lumalabas sa kwarto dahil labis niyang dinamdam ang pagkamatay ng kanyang mapapangasawa. Ito ang kinatatakot niya, naulit na naman ang kayang mapait na kahapon at hindi natuloy ang kanilang kasal ni Ezra.

Minahal naman talaga niya ito dahil hindi naman mahirap mahalin ang binatang si Ezra. Maalaga ito, mapagmahal, mabait, may respeto, at palagi itong nasa tabi niya. Kaya labis niyang sinisisi ang kanyang sarili sa pagkamatay ni Ezra, kung hindi lang sana siya dumating pa sa buhay nito ay buhay pa ang lalaki. Hindi niya pinagsisihan na dumating si Ezra sa buhay nila dahil ang binata ay itinuri niyang isang malaking biyaya at tulong sa kanila mag-ina pero pinagsisihan niyang minahal siya ng binata dahil ikakapahamak lang pala ito ng buhay niya.

"Mom, kumain ka na po..." Giselle said with concern displayed on her lovely eyes. Ilang araw na din kasi walang kain si Venus dahil palaging walang gana ito. Hindi na rin lumalabas ang babae sa kwarto at minsan lang nila nakakausap dalawa ni Mathis.

She forced a smile. "Kakain din ako. Just be with your Uncle Mathis for the meantime, hindi ka naman pababayaan nun..."

Tumango naman ang batang babae kahit pinipilit ang sarili na huwag umiyak sa awa para kay Venus na kanyang ina. Ayaw niyang nakikitang malungkot ang ina dahil nasasaktan siya pero sa murang edad ay naiintindihan niya ang babae sa kalagayan nito.

Ipinikit na lang ni Venus ang kanyang mata nang umalis sa kama si Giselle at naramdaman niyang isinara nito ang pinto. Marami na siyang pinagdaanan sa mga nakalipas na araw at gusto lamang niya na makapagpahinga o kaya'y magkaroon ng panahon na mapag-isa. Hindi niya namamalayan na nakatulog na pala siya sa labis na pag-iisip ng kung ano-ano at nagising na lamang siya nang may humawak sa kanyang noo.

"Mathis..." Dahan-dahan niyang ibinuka ang kanyang mga mata at natagpuan nga ang binata na nakaupo sa kama.

She heard him cursed after he checked her forehead. "Fuck. You have a fever..."

"Nasaan si Giselle, Mathis?" Ang kanyang anak ang unang pumasok sa isipan niya. Baka nagtatampo ito sa kanya at gusto niya itong makayakap.

"Magpapakamatay ka ba talaga para sa lalaking yun!?" Venus stilled when he raised a tone. Then Mathis sighed, he knows that Venus had been through a lot this days and he doesn't know how to comfort her. "I'm sorry. Naiintindihan naman kita, Vee. Pero sana huwag mo namang pabayaan ang sarili mo dahil may anak ka pa. Kailangan ka niya, Vee..."

Then he touched her neck to checked her temperature again. "She needs you, Giselle needs a mother like you. May anak ka pa na bubuhayin at sasamahan, Vee. At kung buhay ngayon si Ezra paniguradong magagalit siya kapag nakikita ka niyang ganito..."

By hearing those words, Venus finally come to her senses. Mathis was right, she still have Giselle and her daughter needs her.

"Kailangan din kita..." Pero hindi na yun narinig ni Venus dahil mahina lang ang pagkakasabi ni Mathis sa mga katagang iyon. Kaagad siyang tumayo at lumabas ng kwarto upang kumuha ng hinanda niyang chicken soup para sa babae pati na din palangganang may laman na malamig na tubig at bimpo. Inilagay niya ang mga ito sa bedside table nang makabalik siya sa kwarto. "Here, have some soup..."

"Why are you doing this?" She asked Mathis when he handed the bowl of soup to her. Tinanggap naman niya ito at kumain na. Hindi niya alam kung bakit ginagawa ni Mathis ang lahat ng ito. Gumagawa lang ba si Mathis ng kabutihan sa kanya para magbalikan sila? Kung kailan natutunan na niyang kalimutan ang binata at nagdesisyon na tatandang kasama si Ezra ay bumabalik ito. Kailan ba titigil sa paghahabol sa kanya ang bangungot mula sa nakaraan?

[Completed] Wild Romance Series 2: Mathis Winston MaddoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon