Chapter 14: Missing

1K 25 0
                                    

IT'S been a week since Mathis left San Martin. Venus and Giselle are still waiting for him to come back, but there was no single shadow of Mathis. Hindi din maalis alis sa isipan ni Venus ang pag-aalala, paano na lang kaya kung may nangyaring masama sa binata habang nasa West Carolina ito? Alam niyang may malaking posibilidad na mangyayari iyon dahil may mga taong humahabol sa kanila.

Halos nalibot na niya ang buong mansyon at pilitin man niyang maging abala sa mga gawaing bahay ay hindi pa din mawawala sa kanyang isipan ang pag-aalala.

May tiwala siya sa binata kaso wala siyang tiwala sa mga kalaban nila. Hindi nila kilala kung sino ang mga ito dahil nga nagtatago sila sa mga itim na maskara. May mga mukha subalit walang mga pangalan.

"Binibining Venus, huminahon po muna kayo..." Napalingon naman siya sa pintuan ng kwarto nang magsalita ang maginoo na si Sir Antonio. "Saan po kayo pupunta?"

Venus sighed. "I have to go after Mathis. Hindi ako papayag na maghihintay lang ako dito baka may nangyari na sa kanya na masama."

"Pero bilin po ni Ginoong Mathis na huwag po kayong susunod sa kanya. Dito lang daw—"

"I know but I can't do that Sir Antonio. It's been a week and Mathis is still not here..." Pinutol niya sa pagsasalita si Sir Antonio at lumabas na sa kwarto matapos siyang maglagay ng ilang mga damit sa backpack. "Can you do me a favor, Sir Antonio?"

Tumango naman ito. "Ano po iyon, Binibini?"

"Can you take care of Giselle for me while I'm gone?" Pakiusap niya sa lalaki.

"Masusunod po..." Yumuko ito at sumunod sa kanya ang lalaki nang bumaba na siya sa unang palapag. Nakita naman niyang nanonood ng palabas sa TV si Giselle.

"Where are you going, mom?" Tanong ni Giselle at tumakbo ito palapit sa kanya. "Don't leave me here..."

"Hey..." Pinakalma naman niya ang bata na ngayon ay yumakap sa kanyang beywang. "Babalik din ako, sa ngayon ay kailangan ko munang pumunta sa West Carolina. Hindi pa din nakakabalik ang daddy mo."

"Pero sabi po ni daddy ay hintayin daw natin siya..." Napalabi naman ito at kumalas na sa pagkakayakap. "If that's what you want, mom. Please, isama mo na lang ako..."

"I can't, baby. It's too risky for you to be in West Carolina. Pangako, babalikan din kita." Wika niya at hinagkan muna ang bata sa noo. "For now, dito ka muna kasama si Sir Antonio."

"Okay..." Nakahinga naman ng maluwag si Venus nang pumayag ang kanyang anak. Nagpaalam na siya kay Giselle at kay Sir Antonio bago siya lumabas ng mansyon at sumakay na sa taxi na naghihintay sa kanya.

"Ihatid mo ako sa boulevard..." She said and then the taxi driver nodded. Kaagad siyang nakasakay sa barko kasama ang iba pang mga pasahero papuntang West Carolina. Tanging helicopter lang at mga sasakyan pandagat ang nakakarating dito sa San Martin kaya karamihan sa mga taga-rito o mga nagbabakasyon ay sumasakay sa mga barko.

Isang araw din ang naging biyahe niya mula San Martin patungong West Carolina. Kaagad niyang nalaghap ang preskong hangin ng bayan na kanyang sinilangan at bumaba na siya mula sa barko nang makadaong na ito sa port.

There are lots of people in the area, so Venus pulled what was left on her hoodie and kept her head down. While her hands was in the pocket of her denim jeans, as she made her way through the crowd. Venus stopped a taxi when she was in the other corner of the street and immediately hopped inside the vehicle. When she arrived at the WC Hotel in the City, she stepped out from the taxi after she paid the driver for the ride.

Dito muna siya pansamantalang tutuloy sa WC Hotel dahil alam niyang hindi ligtas ang bahay niya. Kung may isang lugar man na posible niyang makita si Mathis ay sa flower shop iyon. Pero bago siya pupunta dun, kailangan niyang magkaroon ng plano at matinding pag-iingat para sa kaligtasan niya.

[Completed] Wild Romance Series 2: Mathis Winston MaddoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon