SUMAKAY sila sa kotse ni Mathis na naghihintay sa kabilang kanto nang maitakas siya ng binata mula sa mansyon. Hindi alam ni Venus kung saan sila pupunta dalawa, sinasabi ng kanyang isipan na mali ito subalit kinokontra naman ito ng kanyang puso na pagbigyan si Mathis.
Gave Mathis a chance to hear his reasons. His good damn reasons.
"Where are we going?" Tanong niya sa lalaki at tinignan naman niya ang side mirror ng kotse. Medyo malayo na sila sa mansyon at sana naman hindi atakehin sa puso ang kanyang ama kapag nalaman nitong nawawala na naman siya.
Mathis looked at her for a second and then he smiled. "Pupuntahan natin si Giselle."
Hindi na muling kumibo pa ang babae at hinayaan na lang si Mathis na dalhin siya nito sa kung saan man niya itinago si Giselle. Nasasabik na din kasi siyang makita at mayakap ulit ang kanyang makulit ngunit matalinong anak. Bukod din dun, gusto din niyang magtira ng lakas si Mathis sa gagawin nitong pagpapaliwanag sa kanya mamaya.
Masyadong mahaba ang kanilang biyahe kaya di namamalayan ni Venus na nakatulog pala siya. Nagising na lamang siya nang may marahan na yumuyogyog sa kanyang katawan at kaagad na bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Mathis.
"Mathis..." Then she looked around. The car stopped near the scary forest and they were in the middle of the road, where she found herself together with a man. "Nasaan na tayo?"
"Maglalakad na tayo mula rito." Sagot naman ng lalaki at umalis na ito sa kanyang harapan. Kaagad namang bumaba ng kotse si Venus at sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin. Umaga na pala, nakita din niya si Mathis na pumasok sa malalim na gubat. Kinaway siya ng lalaki at tila may isip ang sarili niyang mga paa at naglakad siya palapit sa binata.
"Iiwan mo ba ang kotse mo doon?" She asked. Tanging ang langutngot lamang ng dahon at ang mahihinang huni ng mga ibon ang maririnig nila sa paligid. Kung alam lang niya pala na sa gubat siya dadalhin ng binata, magsusuot talaga siya ng combat boots hindi yung sandals. "And seriously, Mathis. Dito mo tinago ang anak natin? You hid Giselle in this dark and scary forest together with wild wolves, pigs, and whatnots?"
Napagbugtong hininga na lamang siya nang makita niya ang mukha ng lalaki. Ni hindi nga siya sinagot nito at parang hindi narinig ang kanyang sinabi.
She hates being in a forest that's why she never experienced adventure in a wild places aside from camping—but that was before!
Patuloy pa din sila sa paglalakad papasok ng gubat. Hinihingal na kaagad siya at mas lumapit siya kay Mathis, baka malingat siya at mawala pa siya sa gitna ng nakakatakot na kagubatan.
"Alam mo ba ang alamat ng gubat na ito?" Tanong niya sa binata. Kanina pa ito seryoso at naninibago siya sa inaakto ng lalaki. Hindi kasi siya sanay na hindi kinakausap ni Mathis at bakit parang kumikirot ang dibdib niya na binabaliwala lang siya? "Ang sabi nila, marami daw pinatay sa gubat na ito. Ayaw ko na dito, Mathis. Kaya umuwi na tayo..."
She heard him chuckled. "Ang saya nga ng anak mo ng dinala ko siya rito. She loves the squirrel and the rabbit."
"Well..." At inilibot naman niya ang kanyang paningin. Wala naman siyang makitang squirrel o rabbit man lang sa paligid. "I just don't like the vibes being in a forest."
"Still afraid of the chance that you may get lost again?" Mathis asked her. Napalunok siya, naalala niya kilalang kilala pala siya ng lalaki na kasama niya ngayon. Noong maliit pa kasi siya, nag-camping siya at ang mga magulang niya sa gubat. Naglalaro siya noon sa gubat at nawala siya, hindi niya alam ang daan pabalik sa kanyang mga magulang. Kaya inabot muna ng ilang araw bago natagpuan ulit si Venus at magmula sa araw na iyon ay ayaw na ayaw na niyang bumalik pa sa kagubatan. "Vee, you have to let go of that fear. Moved on from the past and start building a new future. Kaya ka lang naman nawala sa gubat noon dahil hindi mo na alam ang daan pabalik sa mga magulang mo, pero kahit na ganun ay nakita ka pa rin nila. Minsan sa buhay may mga nakakatakot na mga mangyayari pero kailangan mong harapin ito para makapagsimula ng panibagong bukas."
BINABASA MO ANG
[Completed] Wild Romance Series 2: Mathis Winston Maddox
RomanceSince he left her without goodbye , she have to continue the journey of her life without him anymore. She have to continue without his smiles, their laughter, and specially his voice. She have to forget the whole him. She have to forget the man she...