Chapter 25: Forgiveness

1.4K 31 0
                                    

ISANG linggo na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi pa din nagigising si Mathis. Medyo magaling na ang sugat ni Venus sa kanyang katawan at maging sa binata subalit tulog pa rin ito. Labis na ang kanyang pag-aalala sa kalagayan ng lalaki, kung magigising pa ba ito o tuluyan nang iiwan siya ulit.

"Everything's gonna be okay, Venus." Nagulat na lamang siya nang pumasok sa kwarto ang kanyang kaibigan na si Carina. Napangiti naman siya nang makita din niya si Karla.

"Hey..." Binati niya ang mga kaibigan na ngayon ay nakatayo sa tabi niya habang pinagmamasdan si Mathis na nakapikit. "How's Marco?" Tanong niya kay Carina, alam naman kasi niya na nabaril ito sa tenga ni Scallenor.

Carina sighed. "He's fine but his ear was damaged. Posibleng hindi na makarinig ulit ang kanyang tenga."

"I'm sorry..." Venus apologozied. Pakiramdam niya kasi hindi mangyayari ang lahat ng iyon kung hindi dahil sa kanya. "It's all my fault, it's my freaking fault-"

"Shh..." Pinatahan naman siya ni Karla nang magsimula siyang humagulhol sa iyak. "It's not your fault, Vee. We're agents and it's our duty to protect innocent lives..."

"Kung hindi siguro dahil sakin baka wala nang madadamay pa-" At napaiyak na naman siya ng lubusan sa tuwing naiisip niyang kasalanan niya ang lahat.

Carina hugged her. "Hey, it's okay. Hindi mo kasalanan lahat, Vee. Don't blame yourself..."

Tagumpay na napatigil nila Carina at Karla si Venus sa pag-iyak at nagkuwento naman sila sa babae kung ano ang buhay nila bilang mga secret agents. Nakuha naman nila patawanin si Venus para mawala sa isip nito ang sakit kahit panandalian lamang.

"We left the kids together with my husband, Jackson..." Natatawang sabi ni Karla. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na may tinatagong sekreto pala itong dalawang kaibigan niya sa kanya. If it wasn't for Mathis, she will never know the real job of Karla and Carina. Ito din siguro ang dahilan kung bakit palaging abala ang mga kaibigan niya at wala ang mga ito sa bahay nila paminsan-minsan. "At talagang nagreklamo pa siya, kaya daw niyang makipagsabayan sa mga kalaban subalit ang pagiging alipin daw ng apat na mga bata ay ikakamatay niya."

And then they laughed again, filling the whole hospital room with laughters.

Venus smiled. "Kung siguro hindi ito nangyari? Hanggang ngayon wala akong ideya na mga agents pala kayo."

"We know right?" Natatawang tanong ni Carina at napailing iling. "Maybe we're good at pretending as a normal citizen."

"Oo nga pala!" Napatingin naman sila Venus at Carina kay Karla. "Kailan nga pala ang kasal niyo ni Mathis, Vee?"

Kumunot ang kanyang noo. "What wedding? Our wedding?"

"Oh come on, girl. Huwag kang magtago ng sekreto sa amin..." Tumawa naman si Karla, inaakala kasi nito na nagtatago ng lihim si Venus sa kanila. "Mathis promised us after we helped him-"

"What help are you talking about? And what wedding?" Pinutol niya sa pagsasalita si Karla. Nagkatinginan naman ang dalawa niyang kaibigan, bakas sa kanilang mukha na parang binabasa nila ang isip ng isa't-isa sa paraang hindi kailanman malalaman ni Venus. "He didn't even proposed to me, so what the hell are you talking about?"

Carina cleared her throat. "What Karla meant to say is, hindi pa ba kayo magpapakasal ni Mathis?"

"Oo!" Kinakabahang dugtong naman ni Karla at peke itong tumawa. "Di ba ngayon na maayos na ang lahat, wala na si Ezra at Scallenor na manggugulo sa buhay niyo. Why not?"

Venus sighed. "I'll think about it."

"Pupunta ka ba ngayon sa libing ni Ezra?" Tanong naman ni Carina sa kanya. Saglit na natahimik naman si Venus, totoong minahal naman niya ang lalaki na iyon subalit mas nangingibabaw sa kanya ngayon ang pagmamahal para kay Mathis. Hindi naman kasi mahirap mahalin ang isang lalaking kagaya ni Ezra kaso ang pagmamahal ng lalaki para sa kanya ay naghatid sa maling landas. "We investigated Leona the other day since she know who are the members of Black Assassin Cluster. That's why we're doing our best to protect her against our enemies. Hindi malayong gagantihan si Leona..."

[Completed] Wild Romance Series 2: Mathis Winston MaddoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon