Chapter 24: Agents

1.5K 30 0
                                        

"THANK you for saving me..." Wika ni Venus at kumalas na siya sa pagkakayakap sa kaibigan niyang si Carina.

Ngumiti ang babae. "Don't mention it. Where is Mathis by the way?"

At bigla na lang naalala ni Venus si Mathis. Wala itong malay at kasama ito ngayon ni Scallenor, hindi niya alam kung saan dadalhin ng letseng babae na iyon ang binata.

"V-Venus?" Nagulat siya nang marinig ang pamilyar na baritonong boses. Paglingon niya ay kaagad niyang nakilala ito at tila nawala lahat ng kanyang takot.

She cried, "Mathis!"

Kaagad niyang nilapitan at niyakap ang lalaki na inalalayang makatayo ni Marco, ang asawa ni Carina.

"Did he hurt you?" Galit na tanong ni Mathis nang mapansin nito ang walang malay na katawan ni Ezra sa lupa. "Here, take this." Then Mathis took off his bloody shirt and gave it to Venus, showing his perfectly built body.

Kaagad naman iyon tinanggap ni Venus dahil giniginaw na siya na nakasuot lamang ng bra. Dumapo naman ang kanyang paningin sa sugatan na dibdib ni Mathis, dumudugo pa rin iyon. "I have to take you to the hospital—"

"I can handle this..." Pinutol siya sa pagsasalita ni Mathis. "Marco injected me something to get my strength back in just a minute. Pinipigil din ng gamot na huwag ako manghina kahit mabawasan pa ako ng dugo."

At napatingin naman siya sa mag-asawa na si Marco at Carina na nakayakap sa isa't-isa. Magtatanong pa sana siya kung ano ang nangyari kay Scallenor subalit kaagad na nagsalita si Marco.

"I followed Mathis car and when I find out that Scallenor was driving, I stopped her." Sabi ni Marco na nakatingin ng diritso kay Venus. Bakas sa mukha ng lalaki na parang nababasa niya kaagad ang mga katanungan sa isipan ng babae. "Siya ay nakatakas pero alam ko na hindi pa siya nakakalayo dahil nabaril ko siya sa paa. Tumakbo siya papunta sa kagubatan, hindi ko na hinabol pa si Scallenor dahil nagising si Mathis."

"Thank you for saving us, Marco and Carina..." Venus smiled and hugged Mathis once more.

Mathis cupped her chin and looked directly at her eyes. "I have to fight together with Idris, your brother need me."

"I'm sure that Carina and Marco can handle it well..." Sagot naman ni Venus habang nag-aalalang tumingin sa sugatan na dibdib ni Mathis. Nagulat nga din siyang malaman na kabilang pala sina Carina at Marco sa NSGASP na tinatrabahuan din ni Mathis.

"I'm sorry, Vee..." May babaeng pamilyar ang boses na pumasok sa eksena nila. Nang tignan siya ni Venus, hindi rin siya halos makapaniwala sa nangyayari at nakikita niya. "The base was ambushed, someone planted bombs inside our headquarters. Commander Franco and other troops is badly injured, they can't send backup here..."

"You're an agent too, Karla?" Tanong niya sa babaeng kararating lang at ngumiti na lang si Karla sabay tumango bilang tugon.

"We need you Mathis, as a First Rank Agent. You have to be responsible in this field..." Dagdag ni Karla habang nakatingin kay Mathis. "The drug that Marco injected to you was a success. Hindi ka pa mamamatay dahil titigil na rin ang pagdudugo ng sugat mo mamaya..."

"Salamat." Wika ni Mathis at muli siyang napatingin kay Venus. "Stay in the car, you'll be safe there. Uubusin lang namin ang mga kalaban..."

"Promise me that you'll return to me in one piece..." Sabi ni Venus.

Mathis nodded and then he kissed Venus on the forehead. "I promise, mí corazon..."

Hinatid lang siya ni Mathis papunta sa kung saan man nakaparada ang kotse nito bago umalis ang binata upang makisali sa labanan. Kaagad namang bumalik ulit ang kaba at takot ni Venus para sa kalagayan ni Mathis at sa kanyang nakakatandang kapatid.

[Completed] Wild Romance Series 2: Mathis Winston MaddoxMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon