Chapter 6: Freedom

1.7K 32 0
                                    

MATAPOS siyang yakapin ng mahigpit ni Mathis ay kaagad siyang pinasunod ng binata sa kabilang parte ng isla. Parang may sariling isip naman ang kanyang mga paa dahil humakbang ang mga ito at naglakad papunta sa direksyon ni Mathis. Hindi niya alam kung gaano ba kalaki at kalawak ang islang ito pero base sa nakikita niya at paglilibot nila ay paniguradong malaki talaga. Nang makarating sila sa kabilang parte ng isla ay tumigil sa paglalakad si Mathis kaya naman tumigil din siya sa tabi nito.

Magtatanong sana siya sa binata kung bakit sila tumigil sa paglalakad at kung ano ba ang ginagawa nila dito subalit lahat ng mga dapat itanong niya ay nawala sa kanyang isipan nang matanaw niya ang isang napakalaking yate na nakadaong malapit sa baybayin.

Her mouth formed a little 'O' when she saw a big white yacht in front of them. It was huge, clean, new, and beautiful.

"Sayo yan?" Tanong niya kay Mathis na ngayon ay nakatingin din sa yate na nasa harapan nila.

He stared at her for a second. "Yes and this island too..."

Bahagyang kumirot naman ang dibdib ni Venus nang may maalala siya noon. Pangarap kasi nila ni Mathis ay makabili ng isla at isang yate para sa kanilang dalawa kaso mukhang natupad nga ang pangarap nila na wala siya, tinupad ito ni Mathis ma mag-isa.

"Well, I'm glad that your dreams finally come true..." Mapait siyang napangiti habang pinagmamasdan ang walang emosyon na mukha ni Mathis.

He smiled back at her. "Yeah. Shall we?"

Tumango na lang si Venus bilang tugon at sabay silang pumasok sa loob ng yate ni Mathis. Isang araw din ang naging biyahe nila at isang araw din silang hindi nag-uusap dalawa. Pinatulog siya sa main cabin ni Mathis dahil doon na lang matutulog ang binata sa navigating room.

Hindi mawala-wala ang ngiti ni Venus sa kanyang mga labi nang makita niya na dadaong na sa boulevard ang yate. Makikita na niya talaga ang anak niya at hindi na siya guguluhin pa ng binata. Pero hindi niya alam kung bakit saglit siyang nakaramdam ng kaunting lungkot nang maisip niyang hindi na siya guguluhin pa ni Mathis.

"Let's go..." Bumaba na silang dalawa ni Mathis sa yate at kaagad silang sumakay sa kotse ng lalaki na naghihintay sa ibaba.

Tahimik ang naging buong biyahe nilang dalawa at wala man lang naglakas ng loob na magsalita. Gusto sana niya kausapin kahit ilang sandali lang si Mathis subalit malalim ang iniisip nito habang nagmamaneho kaya hindi na lang siya nag-abala pa.

Nang huminto na ang kotse ni Mathis sa harapan ng kanyang bahay, kaagad siyang bumaba at walang paalam na tumakbo papunta sa loob ng bahay niya.

"Giselle!" Nakaramdam siya ng kaba pero nawala ang lahat ng iyon nang mabuksan niya ang pintuan ng bahay at sumalubong ang kanyang anak.

"Lolo dad, mommy is here!" Wika ng kanyang anak nang makita siya nito. Lumuhod naman si Venus at niyakap niya ang kanyang anak. Si Giselle lang naman talaga ang dahilan kung bakit niya gustong umuwi at makatakas mula kay Mathis. Ilang minuto muna niyang niyakap ang bata hanggang sa magsawa siya at kumalas na sa pagkakayakap. Tumayo naman siya nang makita niyang naglakad papunta sa kanila ang kanyang ama.

"You're here already?" Kumunot ang noo ng kanyang ama nang makita siyang nakatayo sa pintuan. "Nasaan ang mga bagahe mo?"

Her eyebrows furrowed. "What are you talking about, dad?"

"Carina and Karla told me that you three will have two weeks vacation on a island..." Diritsahang sagot naman ng kanyang ama. Naguguluhan naman si Venus sa ibig sabihin ng kanyang ama at mas lalong gumulo ang kanyang sistema.

All along she was kidnapped by her freaking ex on a island and trapped her there for days. Then she made an agreement just to have her freedom and go home in Giselle's arms. And what the hell is her father talking about?

[Completed] Wild Romance Series 2: Mathis Winston MaddoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon