"MANIWALA ka sa amin, Vee..." At kinuha naman ni Carina ang kanyang kanang kamay. Bahagyang napatingin siya saglit sa mga kaibigan, hindi na talaga niya alam kung sino o kung ano ang kanyang paniniwalaan. Ang masama kasi rito, masyado siyang nagtitiwala sa mga taong hindi naman karapat dapat sa tiwala niya. "Hindi binayaran ni Mathis ang mga lalaking dumukot sayo noong nag-night out tayo. Hindi din niya binayaran o wala siyang plano para takutin ka at makuha niya kayo ni Giselle na walang nakakaalam."
"So, are you two trying to say that Ezra is lying to me?" Nagpalipat lipat naman siya ng mga tingin sa kanyang dalawang kaibigan. "Kahit kailan hindi nagawang magsinungaling sakin si Ezra. Subalit si Mathis, ilang beses na..."
"Kaya lang naman siya nagsisinungaling para protektahan ka." Sagot naman ni Karla.
Inirapan niya ito. "Kaya din ba niya ako iniwan noon at hindi sumipot sa kasal namin para protektahan ako?"
"Vee..." Napagbugtong hininga naman si Carina habang marahan na hinahaplos ang likod ng kanyang mga palad. "Kung mayroon mang tao na makakasagot sayo niyan ay si Mathis yun. Wala kami sa lugar upang sagutin yan."
"Ang sa amin lang, tinulungan namin si Mathis noong panahon na dinukot ka para hindi mag-alala ang iyong ama na may sakit sa puso." Pagpapaliwanag ulit ni Karla. "The truth is, men with black masks are the who kidnapped you and we don't know the reason, Mathis too. When you were abducted, he saved you from the Van. Wala ka na kasing malay nun..."
"Paano niyo nalaman na niligtas ako ni Mathis?" Tanong niya sa dalawa.
"Kinabukasan ay tumawag siya sa amin. Nasa penthouse ka daw niya at ligtas ka na, iuuwi ka na lang niya kapag maayos na ang lahat." Sagot naman ni Carina sa kanya. "Humingi din siya sa amin ng pabor kaya gumawa kami ng eksena ni Karla para hindi mag-alala sayo ang iyong ama at anak na hindi ka nakauwi pagkatapos ng nightout natin."
Her eyebrows furrowed. "Then why did he told me that he was the one who kidnapped me?"
"Siguro para hindi ka na maguluhan pa noon. Mahirap ipaliwanag ang bagay na nangyayari ngayon sa buhay mo, kaya pinili na lang ni Mathis na yun ang isipin mo...na siya ang nagdukot sayo." Sagot ni Karla at ngumiti naman ito kay Jackson nang bigyan sila ng grilled pattys.
Jackson laughed. "Ang seryoso naman ng mga mukha niyo, ang sarap ilagay sa uling."
"Ano!?" Tumaas naman ang kilay ni Karla sa asawa. "Eh kung ikaw kaya ang gawin kong inihaw?"
Kumindat naman si Jackson, naglalaro ang mga pilyong ngiti nito sa labi. "That's okay. Masarap naman ako, right?"
"Huwag kang makisali rito. This is girl talk..." Inirapan ni Karla ang lalaki.
Tumawa lang ang asawa nitong si Jackson at bumalik na sa barbeque stand. Maya-maya ay dumating na si Marco na may dalang ice. "Marco! Mabuti naman na andito ka na..."
"Damn..." Marco cursed and whipped away his sweats using his own hands after he placed the ice on the jar. "Halos nalibot ko na ang buong baranggay, mabuti na lang nakabili pa rin ako."
Napapikit na lang saglit si Venus. Kung sana pala gumawa sila Carina at Karla ng mga ice dahil may sariling refrigerator naman sila para hindi na mahirapan pa si Marco sa paghahanap.
"Ang sabihin mo may pinuntahan ka! Nag-casino ka na naman, ano?" Lumapit si Carina kay Marco at kinurot nito ang tenga ng lalaki.
"Ouch! That hurts..." Lumabi naman si Marco at niyakap ang asawa. "Yan! Amuyin mo kili-kili ko..."
"Marco!" Natatawa naman si Carina habang iniiwas ang kanyang mukha sa basang kili-kili ni Marco. "Ew! Ang baho, maligo ka na nga."
Yumakap si Marco sa asawa. "Mabaho ba? Naaalala ko pa kagabi ay inaamoy amoy mo pa yan..."
![](https://img.wattpad.com/cover/231904516-288-k424791.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] Wild Romance Series 2: Mathis Winston Maddox
RomanceSince he left her without goodbye , she have to continue the journey of her life without him anymore. She have to continue without his smiles, their laughter, and specially his voice. She have to forget the whole him. She have to forget the man she...