Chapter 12: Protection

1.4K 27 0
                                    

"KUNG maghahalikan lang po pala kayo dito sa sala sana po sinabi niyo para di na po ako sumunod dito..." Nagulat silang dalawa ni Mathis at Venus nang magsalita si Giselle sa may bandang kanan kung saan patungo ang kusina. Ang mga bisig nito ay naka-krus sa dibdib habang ang kilay nito ay nakataas at tinitignan sila ng masama. "Chat about something with mom, dad?" At tumingin naman ito kay Mathis pagkatapos ay inilipat na naman ang atensyon kay Venus, naghihintay pa din ito ng sagot.

"It's not what it looks like—"

"It was just a friendly kiss, my princess..." Hindi na natapos ni Venus ang kanyang sasabihin nang magsalita si Mathis. Saglit naman na nagkatitigan silang dalawa ni Venus at siniko naman ito ng babae. "Kararating mo lang? Narinig mo ba ang pinag-usapan namin?"

Giselle eyebrows furrowed. "Are you two really talking about something or you just want to have some time alone?"

Tumawa lang si Mathis at tinitigan naman ito ng masama ni Venus tsaka siniko niya ang sikmura ng lalaki. "It was just an accident, baby. Kalimutan mo na lang yun dahil bata ka pa—"

"What if I'll kissed Cedrick and call it an accident, mom?" Tanong ng bata. Si Cedrick na tinutukoy kasi nito ay anak ng kapitbahay nila. Alam niyang may crush ang bata sa tinutukoy nito.

"Who's Cedrick?" Naguguluhang tanong ni Mathis pagkatapos ay tinaasan niya ng kilay si Venus. "May boyfriend na ba itong si Giselle, Vee?"

Natawa na lamang si Venus sa tono ng pananalita ni Mathis. It was like he was in a strict father tone and she saw his jaw clinched. Nakita naman niya itong lumapit sa bata na may pagbabanta sa mga mata nito. "Tell me the truth, Giselle."

"Ask mom..." Ngumiti lang ang bata at nagkibit balikat ito bago pumunta ulit sa kusina.

Ibinalik naman ni Mathis ang kanyang atensyon kay Venus na ngayon ay nakangiti din na parang inaasar siya. Masyado pang bata ang kanilang anak para sa ganoong mga bagay.

"What?" She smirked as if she was teasing him. "Giselle won't be a kid forever, Mathis..."

"I know and she's too young for that!" Sagot naman ng binata at napagbugtong hininga ito. "Sino ba kasi ang Cedrick na tinutukoy ni Giselle?"

Tumawa si Venus. "The son of my neighboor. Do you still remember Rachel and Thomas? Cedrick is their son, the only son..."

Huminahon naman saglit si Mathis sa sinabi ni Venus. Naalala niya sina Rachel at Thomas dahil mga kaibigan niya ito noong highschool. Nagkatuluyan pala ang dalawa at nagkaroon na ng anak.

Oh well, time sure flies really fast but Giselle will forever be his princess and she's too young to have a boyfriend.

"Nanliligaw ba yun sa anak natin?" Tanong ni Mathis.

Umiling iling naman si Venus na may nakakalokong ngiti. "Cedrick is Giselle's crush..."

"Kahit na, ayaw ko pa din paligawan ang anak natin dahil bata pa siya. She's only nine years old!" He sounded so frustrated and Venus just laughed it off. "Stop laughing, I'm serious here, Vee..."

"You looked like a strict daddy, Mathis..." Bahagyang hinawakan naman ni Venus ang kanyang tiyan dahil sumakit ito sa kakatawa niya kay Mathis. "Crush lang naman yun kaya huwag—"

Sumingkit naman ang mata ni Mathis at bakas sa magagandang kulay lila nitong mga mata ang pagkapikon at galit. "Kahit na! Doon tayo nagsimula Venus..."

Tumigil naman sa kakatawa si Venus nang maalala niya kung paano sila nagsimula ni Mathis dalawa. They were best of friends and they become eventually lovers when they reached highschool. Magpapakasal na sana sila bago sila tumungtong ng kolehiyo kaso hindi na sumipot pa si Mathis at iniwan siya. Bumalik lang ito ngayon, bumalik lang ang lalaki matapos ang sampung taon.

[Completed] Wild Romance Series 2: Mathis Winston MaddoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon