Chapter 21: Abducted

1.5K 28 0
                                        

"LET me go!" Sigaw ni Venus habang pilit na kumawala sa mga matitipunong bisig ni Ezra. Sumigaw siya upang manghingi ng tulong subalit walang ibang tao kahit isa na naroroon sa park. "Tulong! Tulong!"

Narinig naman niyang humalakhak ng tawa si Ezra. "Walang makakarinig sayo dahil nakita mo namang walang tao, hindi ba Honey?"

"You piece of shit!" She cursed Ezra and spit out her saliva into his face. Nagalit naman ang lalaki at sinampal siya sa pisngi. "Hayop ka! Bakit mo binaril si Mathis!?"

He smirked while wipping her saliva from his face using his right palm while his other arm was on Venus waist. "Simple. Because I want him dead..."

Bahagyang kumirot naman ang dibdib ni Venus habang nakatingin sa walang emosyon na mga mata ng binata. Talagang masasabi niyang hindi pa niya ito lubusang kilala at tuluyan nang lumabas ang tunay na kulay ni Ezra.

Isang Ezra na malayo sa nakilala niya. Isang halimaw na nagpapanggap na mabait upang may magmahal at tumanggap sa kanya.

"Pinagsisisihan kong pinapasok ko sa aking buhay ang isang demonyong katulad mo!" Venus hissed and she was about to kicked his balls but Ezra was fast and carried her like a sack of rice. "Ibaba mo ako! Ibaba mo ako!"

Patuloy pa din ang pagsisigaw niya hanggang sa naisakay na siya ng binata sa loob ng puting van. Kaagad siya nitong ginapos kahit ano pang sipa at tadyak ang gawin niya sa lalaki. Masyadong malakas si Ezra at pakiramdam niyang malayo ito sa maginoong Ezra na nakilala niya.

"Have a sweet dream, Honey..." Ngumiti ito at biglang tinakpan ng panyo na may pampatulog ang kanyang ilong at bibig. Nakaramdam naman si Venus ng biglaang pagkahilo at parang inaantok siya.

Hanggang sa makalipas ang ilang segundo, tinanggal na ni Ezra ang panyo na itinakip niya sa ilong at bibig ng dalaga dahil nakatulog na ito. Hindi na nakayanan pa ni Venus na labanan ang epekto ng pampatulog sa kanyang katawan. At nang makasigurado na si Ezra, kaagad siyang sumakay sa puting Van at nagmaneho papalayo sa park.

Nagising na lamang si Venus nang tumama sa kanyang mukha ang sinag ng araw mula sa bintana. Malabo pa ang kanyang paningin hanggang sa naging normal na ito at napagtanto niya na nasa isang abandonadong warehouse siya dinala ni Ezra.

Venus was about to scream but her mouth was covered by a piece of black cloth. Her wrists are tied up around a chair with a handcuff. The chain connected the shackles to fasten her ankles together. While her body was tied by a rope around the chair.

Venus barely can't breath and move because she was too tied up around a chair. Then she remembered what happened before she passed out, Mathis was shot and she was abducted by Ezra.

"Hello, Honey..." Nag-angat naman ng tingin si Venus nang magsalita ito sa kanyang harapan. Pinilit niya ang kanyang sarili na kumawala subalit mas nahihirapan lang siya.

Oh how she wanted to escaped and punched Ezra on his freaking face!

"Wala ka talagang utang na loob, babae!" Sigaw ni Ezra at dumagundong ang boses nito sa buong warehouse. "After all that I gave to you, this is what I get?"

Mas lumapit ang lalaki sa kanya at marahas siyang sinampal sa kaliwa't-kanan niyang pisngi. "Akala mo siguro hindi ko malalaman na may relasyon kayo ng dating nobyo mo."

"Pero ito ang tandaan mo..." Madilim ang mata nito. Nararamdaman naman ni Venus ang galit at selos ni Ezra kasi kasalanan din naman niya. Kaya buong puso niyang tinanggap nang sampalin siya ni Ezra ulit. "Hindi ko hahayaan na sumaya kayo. Kung sasaya ka man, hindi sa kanya kundi sa piling ko."

Nakahinga naman ng maluwag si Venus nang tanggalin ni Ezra ang telang nakatakip sa kanyang bibig. Nakakatusok at nakakapaso ang mga titig ng binata sa kanya. "I'm s-sorry, Ezra."

[Completed] Wild Romance Series 2: Mathis Winston MaddoxMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon