KAAGAD na nagpahatid pabalik sa mansyon nila sa West Carolina si Venus kinabukasan. Wala na naman sa kanya ang kuwentas dahil nasa kamay na ito ng Black Assassins Cluster kaya wala ng dahilan pa para malagay sa kapahamakan ang buhay nila ng kanyang anak upang mangailangan pa ng tulong galing sa iba. Bukod dun, ayaw muna niyang makita si Mathis simula noong hinalikan ito ni Scallenor kahapon. Kung hindi pala siya lumabas ng silid at sumunod para ibigay kay Idris ang nakalimutan nitong flashdrive, hindi niya sana makikita ang paghahalikan ng dalawa.
"Vee..." Tinawag siya ng kanyang kapatid at napatingin naman siya sa lalaki. Nagmamaneho ito ng kotse pabalik sa West Carolina. "Hindi naman daw sila naghalikan. Si Scallenor ang humalik sa kanya—"
"Eh bakit hindi niya pinigilan ang babaeng yun?" Pinutol niya sa pagsasalita ang kanyang nakakatandang kapatid at saglit siyang napatingin sa side mirror ng kotse. Malayo-layo na rin sila mula sa gubat na pinanggalingan at pinagtaguan nila. "Pangalawang beses siyang hinalikan at hindi man lang siya kumontra. So that means he enjoyed it..."
"Don't be so stubborn, Vee." Galit na tumingin ulit siya sa kanyang kapatid na ngayon ay magkasalubong din ang kilay. "Try hearing out his explanations..."
Then Venus throw death glares at Idris. "So you're on his side now? Sino ba ang kapatid mo?"
"Fuck..." She just heared him cursed and then silence claimed them. Wala ng iba pang nagsalita sa kanilang dalawa maging si Giselle na kanina pa nakikinig sa usapan nila ay tahimik lang na nakaupo sa backseat.
Maya-maya pa ay tumikhim si Venus at siya na mismo ang bumasag sa katahimikan na namumuo sa kanilang tatlo. Hindi kasi siya sanay na makipag-away sa kanyang kapatid dahil mahal niya ito at nirerespeto bilang nakakatanda.
"Ano bang laman ng flashdrive na iyon?" Tanong niya kay Idris, ayaw niya muna kasing pag-usapan ang kung anong bagay na tungkol kay Mathis. Ang tinutukoy niya kasi ay ang mismong flashdrive na hindi niya naibigay kahapon dahil nakita niyang naghalikan si Mathis at Scallenor sa labas ng opisina ni Commander Franco. Kitang-kita niya iyon sa dalawa niyang mga mata kaya naman nangingibabaw sa kanya ngayon ang galit at selos. Pero alam din niya, kahit magalit pa man siya sa lalaki ay wala siyang karapatan na magselos dahil una sa lahat—hindi niya pagmamay-ari si Mathis at asawa lang naman nito ang kahalikan ng lalaki kahapon.
Cursed Mathis and his fucking wife!
Idris sighed. "It was the CCTV footage where Leona stole the necklace in the Weaponry Room, Scallenor was the one who find the evidence and gave it to us..."
At umirap naman si Venus. That name again! She really hate that bitch for some reasons. And she felt it's a little bit odd. Saan naman kaya kumuha ng CCTV footage si Scallenor kung hindi nga mahanap nila Commander Franco, Idris, pati na din si Mathis, at iba pa nilang kasamahan?
"I know what you're thinking..." Wika ni Idris at saglit na sumulyap sa kanyang kapatid. "Iniisip mo siguro kung paano nakakuha ng ebidensiya si Scallenor. We investigated her, she said that she know that Leona was behind it all but Scallenor shut her mouth because Leona is her friend."
Kumunot ang kanyang noo. Kung kaibigan pala ng babaeng iyon si Leona, bakit nagawa pa din niyang traydurin ito? Magulo at pakiramdam ni Venus parang may hindi tumutugma sa kutob at hinala niya.
"Ayaw niyang mapahamak si Leona kaso binabagabag daw siya ng konsensiya niya dahil buong puso siyang nagtatrabaho sa NSGASP." Dagdag naman ni Idris. Kahit seryoso ang mukha nito habang nagmamaneho, nararamdaman pa rin ni Venus ang lungkot na namumuo sa nga mata nito. "Kaya naman kinuha niya ang binurang CCTV footage ni Leona at ibinigay niya ito sa amin ni Commander Franco. Nung una ay hindi pa kami makapaniwala subalit hindi nagsisinungaling ang ebidensiya."
BINABASA MO ANG
[Completed] Wild Romance Series 2: Mathis Winston Maddox
RomanceSince he left her without goodbye , she have to continue the journey of her life without him anymore. She have to continue without his smiles, their laughter, and specially his voice. She have to forget the whole him. She have to forget the man she...