Chapter 22: Enemies

1.4K 25 0
                                        

"YOU'RE finally awake..." Isang baritonong boses ang narinig ni Venus nang maimulat niya ulit ang kanyang mga mata. Hindi niya maigalaw ng malaya ang kanyang katawan sapagkat nakatali pa rin siya sa upuan. "I know he will come here to get you..."

Then she scanned the man who was wearing a black mask. He was sitting on a chair in front of her too while she was being tied up. His voice was familiar and cold but Venus was ready to face his wrath. His mask was also black but it's more darker than the other member. It has a red color at the center of the nose bridge.

Tanging ang kanyang mga mata at ang kanyang bibig lamang ang nakikita ng dalaga.

"How are you, Vee?" Tanong nito. Ang nakakakilabot nitong ngiti ay nagdala ng takot at pangamba sa sistema ng dalaga. "Sorry if we treat our guests like this..."

Tumayo naman ang lalaki mula sa pagkakaupo at nakita niya itong tumatawa habang nagpalakad lakad sa harapan niya.

Mula sa gilid ng kanyang mga mata, nahagilap nito ang bulto ng katawan ni Ezra na nakatayo lamang sa hindi kalayuan. Tahimik ang binata at hindi niya magawang basahin ang mga bagay na tumatakbo sa isipan nito.

Maya-maya pa ay may babaeng dumating sa lumang warehouse. Nakangiti ito habang suot-suot sa kanyang leeg ang nawawalang kuwentas.

You traitor! Sigaw ni Venus sa kanyang isipan dahil hindi niya maibuka ang kanyang bibig na natatakpan ng tela. Simula pa talaga nung una ay ayaw na ayaw na niya sa babae na ito. Wala kasi siyang maramdaman na kabutihan mula sa babae. At walang iba yun kundi ang nag-iisang Scallenor Andrada MonteGrande.

"I'm sorry, I'm late..." Nakangiting sabi ni Scallenor at naglakad ito papunta sa direksyon ng lider nila. Nang makaharap na nito ang lider ng BAC, saglit na napatingin si Scallenor kay Venus. "Oh look, we have a visitor!"

Napairap na lamang si Venus nang magtama ang kanilang mga mata ng babae. Ipinapangako niya, kung makakawala siya mula sa pagkakatali rito sa upuan tiyak na sisipain niya ang pagmumukha ng halimparot na babaeng iyan.

Naglakad naman si Scallenor papunta sa kanya. Abot tenga ang ngiti nito dahil natutuwa siyang makita ang kalagayan ni Venus ngayon. "That's what you deserved for taking Mathis away..."

Nakahinga naman ng maluwag si Venus nang tanggalin ng babae ang telang nakatakip sa kanyang bibig.

"I never steal anything from you because first of all, Mathis is exclusively mine only..." Venus smirked with great satisfaction as she saw flames inside Scallenor's gaze.

Napapikit na lamang si Venus sa sakit nang bigla siyang sinampal ng malakas ni Scallenor. "How dare you!"

"Stop that..." The leader of Black Assassins Cluster stopped Scallenor and then she saw Scallenor tried to calmed down herself. "Gusto kong saktan siya kapag andito na si Mathis."

"Tama..." Sumang-ayon naman si Scallenor sa sinabi ng kanilang lider. Ngumiti ito at pinagmasdan muli si Venus. "At kapag mamatay ka na ay magiging sakin na muli si Mathis."

"Hindi siya magiging sayo dahil hindi naman talaga naging sayo si Mathis, Scallenor." Natatawang sagot naman ni Venus. Sinampal naman siya ulit ni Scallenor, hindi pa talaga ito nakuntento at sinampal pa ng babae ang kabila niyang pisngi. Kahit mabigat ang kamay nito, hindi alam ni Venus kung bakit siya natutuwa na asarin ang lintek na babaeng ito. "Kasi ako lang naman ang minahal ni Mathis mula noon hanggang ngayon..."

"Are you sure about that?" Scallenor raised an eyebrow at her. "Mathis married me because he loves me. Ikaw? Hindi ka niya sinipot sa kasal niyo..."

"But he eventually left you and finalized a divorce when he found out that you were just deceiving him." Sagot naman ni Venus. Kung hindi lang siguro nakatali ang kanyang mga kamay paniguradong nasampal na din niya ito. "Bakit mo ba ginagawa ito, Scallenor? Humanap ka na lang ng ibang lalaki na magmamahal sayo hindi yung ipagsiksikan mo ang sarili mo sa taong hindi ka naman mahal."

[Completed] Wild Romance Series 2: Mathis Winston MaddoxMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon