Chapter 1

229 14 0
                                    

"This is your Captain speaking, I'm here to inform you that the plane is about to board." Sabi ng captain ng eroplanong sinasakyan ko pauwing Pilipinas.

Kagagaling ko lamang sa America, may mga projects kasi akong kailangan tapusin doon. Mga isang taon na rin akong naka-base roon at medyo maninibago ako ngayon rito, pero kahit naman ganoon, mas sanay pa rin akong gumamit ng tagalog kaysa ingles. Marami rin kasing mga Pilipino roon kaya nakakapagtagalog pa rin ako. Hindi na nga ako sigurado kung gusto ko pa nga bang umuwi pa rito, wala rin naman akong uuwian. Wala rin namang mag-aabang sa akin paglapag nitong eroplano, pagdating sa airport. Pero hindi ko alam bakit ko nga ba naisipang bumalik pa rito, siguro kailangan ko 'to para makapagpahinga naman ako malayo sa trabaho kahit saglit lang.

Lumapag na ang eroplano at bumaba na lahat ng nakasakay. Napakarami rin pa lang uuwi ngayon na mga Pinoy galing America, 'di ko rin kasi inaasahan dahil hindi naman ito 'yung time ng taon na maraming umuuwing nagtratrabaho sa ibang bansa. Nakalabas na ako sa eroplano at hinihintay ko na lamang ngayon ang nga bagahe ko rito sa baggage area para maka-alis na rin ako rito.

Papalabas na ako ng paliparan pero naisipan ko munang kumain saglit kaya pumunta ako sa pinakamalapit na pwedeng mabilhan ng makakain. Jolibee, napakaraming ala-alang bumabalik sa akin dahil dito. Hanggang ngayon pala masakit pa rin kahit papaano, 'yung sugat sa puso ko andiyan pa rin, kumikirot pa rin kahit napakatagal na noon.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako para makahanap na ng masasakyang taxi. Umuulan ngayon, umuulan, ang gandang bungad naman nito sa akin dito sa Pilipinas. Ayaw ko kasi sa ulan, ang dahilan? Ayaw ko na rin sabihin pa. Padiretso na ako sa hintayan ngunit may nakita akong babaeng umiiyak sa sahig sa hintayan ng mga ito. Hindi ko lamang siya pinansin at baka makagulo pa ako, wala nang masiyadong tao dahil hindi rin naman karamihan ang mga tao ngayon dito sa airport.

Papara na sana ako ng taxi ng tumayo na ang babae at inaayos na ang sarili niya. Hahayaan ko na muna siyang mauna, sabagay kanina pa naman yata siya narito. May kinuha siya sa bag niya at nang isasara niya na ito ay may biglang dumukot nito sa kaniya.

"Hoy! Magnanakaw!" Sigaw niya.

Sumisigaw na siya para humingi ng tulong, agad-agad kong hinabol and mandurukot, maaabutan ko na sana siya ng biglang may motorsiklong huminto malapit sa kaniya at biglang tinutukan ako ng baril ng nagmamaneho nito.

"Shit." Sabi ko na lang sa sarili ko habang tinataas ko ang mga kamay ko na nangangahulugang wala akong gagawing masama. Wala na akong magawa pa kundi tignan na lamang sila hanggang maka-alis papalayo sa kinatatayuan ko.

Kasama ng pagkadismaya sa sarili ay bumalik ako sa kung saan ang babae.

"Miss, sorry, hindi ko na nakuha pa ang bag mo, tinutukan kasi ako ng baril nung kasama nung magnanakaw." Pagpapaliwanag ko.

"Ano ba naman 'yan! Napakamalas namang buhay 'to! Putangina talaga! " Sabi niya habang siya'y bumagsak pa-upo sa sahig at umiyak ulit.

"Miss, sorry talaga, kung gusto mo ako na lang magbabayad ng pamasahe mo sa taxi na sasakyan mo." Pag-aalok ko sa kaniya, ngunit siya'y naka-upo't umiiyak pa rin.

Tinulungan ko na lamang siyang tumayo at tumulong ilapit sa kaniya ang bagahe niya. Paano ba 'to? Anong gagawin ko ngayon? Hindi naman pwedeng iwan ko lamang siya ritong ganito.

"Ah, miss, saan ka ba papunta?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam pero salamat ha, okay na ako, hayaan mo na lang ako." Sabi niya na medyo ikinabahala ko rin. Pero ano nga bang magagawa ko kung ayun ang gusto niya, tsaka 'di ko naman siya ka-ano-ano kaya hahayaan ko na lang siya.

"Sige sige, miss, heto tanggapin mo. Pamasahe at pangkain mo na rin kapag." Sabi ko habang inaabot ang dalawang libo sa kaniya.

"Ah hindi hindi ok lang 'yun. Cellphone lang naman, make-up, at ibang gamit ko lang naman ang nandoon. Buti nahugot ko 'yung wallet ko bago maagaw sa akin 'yung bag." Sabi niya pero bakit ganoon na lamang kaha ang reaction niya.

"Sige, pero bakit ganoon na lang 'yung reaction mo nung nakuha 'yung bag mo kanina?" Tanong ko.

"Basta, pero salamat ha, salamat talaga. Sige na alis na ako." Sabi niya habang inaayos na ang mga bagahe niya, ano kayang na sa bag na 'yun?

"You're welcome, mag-ingat ka na lang sa susunod." Pagpapa-alala ko sa kaniya.

"Sige sige, salamat ulit ha, paalam." Pagpapa-alam niya habang umaandar na ang kaniyang sinasakyan.

Now what self? I guess kailangan mo na rin umuwi. First day here in the Philippines at ganiyan na agad ang bungad sa akin. Sana maging ok ang stay ko rito.

The Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now