Chapter 8

63 8 0
                                    

Pagkatapos namin kumain ulit ay napagpasiyahan na naming matulog. Napag-usapan rin namin kung saan kami pwedeng pumunta bukas. Medyo excited ako sa totoo lang pero hinayaan ko na lang 'yun at itinulog ko na lang ang excitement na nararamdaman.

Umuulan at narito ako sa kanila. Hindi ko pa rin tanggap kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin, kung bakit ba pinagpalit niya ako sa iba. Ginawa ko naman lahat pero bakit? Ganoon na lamang ba ako kadaling itapon?

"Please, bumalik ka na sa akin please." Pagmamaka-awa ko sa kaniya. "Gagawin ko lahat, please, bumalik ka lang sa akin." Dagdag ko pa.

"Sorry Chris, pero mas mahal ko talaga siya, umalis ka na." Sabi niya sa akin.

Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang mga palad niya. Hindi ko aakalaing magagawa ko 'to pero wala eh, mahal ko siya.

"Please, Nica." Pagmamakaawa ko sa kaniya, hindi ko napigilan pa kaya naiyak na lamang ako.

"Chris tumayo ka nga diyan, kahit na ano pang gawin mo, mas mahal ko siya. Kung papipiliin ako kung sino sa inyong dalawa, siya at siya lang ang pipiliin ko, kaya umalis ka na please. Mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo." Sabi niya sa akin habang sinusubukang patayuin ako.

"Hoy! Tumayo ka nga diyan!" Sabi ng taong na sa likod ko. "Bitawan mo nga ang girlfriend ko." Dagdag pa niya.

"Jake." Tawag ni Nica sa kaniya.

Sinubukan niya akong ilayo kay Nica pero hindi ako nagpatalo. Wala na akong pake-alam kung magmukha akong tanga o timawa sa harap nilang dalawa pero ipaglalaban ko si Nica, hindi ko hahayaang itapon niya na lang ako ng ganoon kadali, ang mga pinagsamahan namin, lahat ng iyon, 'di pa ba sapat na rason 'yun para piliin niya ako?

"Hindi, Nica please, I love you. Ganoon na lang ba kadali sa 'yong ipagpalit ako? Nica please." Pagmamakaawa ko sa kaniya ngunit wala, ni isang pahmamahal sa mga mata niya ay hindi ko mahagilap.

"Umalis ka na." Matigas na sabi niya.

"Hindi, hindi ako aalis." Matigas ko ring sabi.

"Ano ba, sabi na ngang umalis ka 'di ba? Bingi ka ba ha!" Sigaw ni Jake sa akin, pinipilit niya akong ilayo kay Nica.

"Ano ba! Huwag ka ngang make-alam dito!" Sigaw ko sa kaniya, punong-puno na ako sa taong 'to. Kung 'di dahil sa 'yo kami pa rin sana ni Nica.

"Girlfriend ko siya kaya may karapatan akong make-alam!" Sigaw niya habang hawak-hawak ang aking kuwelyo.

Pilit kong inalis ang pagkakahawak niya sa kuwelyo ko ngunit mas malakas siya pero kahit ganoon pinilit ko pa ring tumingin kay Nica at muling nagmaka-awa.

"Ano ba! Itigil mo na nga 'to!" Sabi ni Jake at sinuntok ako sa mukha.

"Jake!" Sigaw ni Nica.

"Please Chris, umalis ka na! Hindi na kita mahal ok! Kaya umalis ka na!" Mga salitang dumurog sa puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin sa mga oras na 'yun, 'di ko naalala kung paano ako nakatayo at nakalabas sa bahay nila. Ang naalala ko lang ay mag-isa akong naglalakad sa gitna ng daan, sa gitna ng ulan.

"Aaaaa!" Sinigaw ko na lamang ang aking nararamdaman, buti na lang at kumukulog dahil natatakpan nito ang sakit na hawak ng aking mga sigaw. Bakit nga ba kapag umuula'y laging ganito ang aking nararamdaman. Bakit nga ba? Sana hindi na lang umulan, sana maaraw na lang palagi, gaya ng mga oras na magkasama kami. Sana hindi na lang umulan! Sana hindi na lang umulan!

Nagising na ako sa pagkakatulog ko, napanaginipan ko ulit siya. Nica, ang babaeng minahal ko higit pa sa sarili ko, higit pa sa buong mundo. Ang babaeng iniwan ako, ang babaeng akala ko'y mahal ako ngunit isa lang pala akong panakip butas. Alam kong walang kasalanan ang ulan ngunit dahil na rin siguro sa wala akong masisi kung bakit nangyari iyon sa akin ay ito na lamang ang aking pinagtuunan ng galit.

Maliwanag na, malamang umaga na. Nag-ayos na ako para bumaba, tinignan ko si Jane sa kuwarto niya pero wala siya roon. Saan kaya nagpunta 'yun? Bumaba na ako at nakita ko siya roon sa may sala. May tinitignan siya.

"Magandang umaga, anong tinitignan mo riyan?" Tanong ko sa kaniya habang lumalapit ako sa kina-uupuan niya.

"Nakita ko 'to kanina sa kuwarto mo, nagutom kasi ako kaya itatanong ko sana kung saan may pagkain dito, ewan na-intriga lang siguro ako kaya kinuha't tinignan ko." Pagpapaliwanag niya.

Hawak niya ang old sketch pad ko, 'di ko napansin 'to kagabi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nakita ko. Hindi naman ako galit na pinake-alaman niya ang gamit ko, pero bakit ganoon? Parang bumabalik ulit lahat?

The Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now