Chapter 17

43 8 0
                                    

Biglang naputol ang paglalaro namin sa dagat nung may isa sa mga coordinators ng activities ang tumawag sa amin.

"Ma'am, Sir, tara na po." Sabi niya habang sineseniyasan niya kaming sumama na sa kaniya.

Agad kaming umahon at sumama sa kaniya. Pumunta kami sa isa sa mga platform na may nakadaong na speedboat. So Parasailing ang mauunang gagawin namin.

"Sir, Ma'am." Sabi niya habang inaabot ang ibang safety gears sa amin para maisuot namin. "Since kayo pa lang po ang nandito gagawin naming 20 minutes ang duration imbes na 15 minutes. Enjoy po and thank you po sa pag-avail ng promo namin." Dagdag niya pa na mas nagpa-excite sa amin.

Linagay na nila 'yung specially designed na canopy wing para sa activity na 'to sa speed boat, ikinabit na rin kami rito. Iniayos na nila 'yung parang parachute at pinaandar na rin 'tong speedboat. Medyo tumataas na kami kasi tumataas na 'yung parachute, unti-unti na ring nagstart umandar 'yung speed boat.

"Medyo natatakot ako." Sabi ni Jane na na sa tabi ko.

"Ok lang 'yan. First time mo 'di ba? Meron naman akong kasama mo." Sabi ko sa kaniya, tumango lang siya roon.

"Kung may accident man na mangyari at least 'di ka mag-isa." Pabirong sabi ko sa kaniya.

"Che, accident mo mukha mo. Ikaw lang mag-isa." Sabi niya na may halong inis.

Habang umaandar 'yung speedboat tumataas ng tumataas naman kami. Ang ganda, kitang-kita mo 'yung laki ng dagat. Para akong lumulutang, ang sarap sa feeling, pumikit ako para mas maramdaman pa 'yun simoy ng hangin dagat. Sabi nila parang rollercoaster raw 'to pero hindi naman, hindi nga umikot insides ko eh, smooth sailing lang. Angsarap.

Tumingin ako kay Jane at nakapikit din siya, nakalugay 'yung buhak niya kaya hinahangin ito ng hangin dagat. Nakatitig lang ako sa kaniya, maganda nga talaga siya, ngayon na tinitignan ko siya ng mabuti totoo ngang maganda siya. Ilang minuto ko rin siyang tinitignan ng bigla niyang ibuka 'yung mga kamay niya, masiyado atang nadala 'to.

"Aray." Sabi ko ng natamaan niya mukha ko nung binuka niya kamay niya.

"Ay sorry, nacarried away lang." Sabi niya habang hinawakan niya 'yung pisngi kong natamaan ng kamay niya.

Nagtinginan kami at bigla ring naputol 'yun kasi pinutol namin 'yung tinginan na nangyari.

"Ok lang, 'di naman gaanong masakit." Sabi ko habang hinahawakan ko din 'yung part ng pisngi kong hinawakan niya.

Sulit 'yung 20 minutes na na sa taas kami. Sobrang enjoy at ganda sa feeling, lalo na 'yung feeling na para kang lumilipad, 'yung feeling na pinapaubaya mo lang sa hangin kung saan ka pupunta, at 'yung feeling na may kasama kang ma-experience 'yung ganitong bagay.

Agad rin kami bumaba pagkatapos at lumipat sa susunod na activity. Next is Helmet Diving naman. Maganda rin 'to, gaya nung sa Parasailing, 20 minutes rin 'to. 'Yung speed boat na ginamit nila sa Parasailing ay 'yung speed boat rin na ginamit namin papunta sa spot kung saan maghehelmet diving kami. Pinasuot na sa amin 'yung helmets, may nakakabit na tube rito sa helmet para makahinga kami pagbaba.

"Ready?" Tanong ko kay Jane.

"Ready." Sagot niya naman kaya bumaba na kami sa ilalim ng tubig.

Nakapikit ako na nagdive kaya hindi ko alam kung ano makikita ko pagkabukas ko ng mga mata ko.

"Wow." Ang lumabas na salita sa bibig ko nung binuksan ko na ang mga mata ko. Tinignan ko si Jane at patehs lang kami ng reaction.

Napakaganda, hindi ko pa natry ito kaya first time ko 'to at isa lang masasabi ko, worth it siyang gawin. Napakaraming isda, 'yung mga corals ang ganda tignan. Triny ko umabot ng isa sa mga isda, hindi sila lumayo, mukhang medyo sanay na sila sa mga tao. Paano ba naman kasi imposibleng hindi sila masanay kung ganito kaganda 'yung experience, sure na maraming pumupunta rito para magawa 'to. Kahit si Jane nakikipaglaro na rin sa mga isda, makikita mo talaga sa mukha niya na talagang nag-eenjoy siya.

'Di ko namalayan na tapos na pala, tsaka ko lang nalamang tapos na nung sineniyasan na kaming umahon para gawin 'yung second activity. Which is Jetski ride.

Kalahating oras kami nagjejetski ni Jane, paunahan pa kami tapos pabilisan. Wala lang, ang saya lang talaga sa feeling kapag may kasama kang nag-eenjoy. After namin magjetski sabak agad kami sa wake boarding eh. 'Di na namin namalayan 'yung oras basta nagpakasaya na lang kami.

Almost 5 PM na ata nung natapos namin lahat ng natitirang activities eh, masiyado kaming dala kaya parang hindi tumakbo 'yung oras.

"Iyong tent." Sabi niya sa akin habang naglalakad kami papunta kay Clover, kukunin kasi namin 'yung damit namin para makapagbihis na.

"Oo nga pala. Aakyat pala tayong Mount Naupa, daan na lang tayo mamaya, bili na rin tayo ng kakainin natin para solve." Sabi ko sa kaniya habang kinakalkal 'yung susi sa bulsa ng shorts ko.

Inopen ko na 'yung pick up at inabot sa kaniya 'yung damit niya para makapagbihis na kami at makabili na rin ng gagamitin namin para sa camping mamaya.

The Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now