"Magaling ka pala magsketch ano? Ang gaganda ng nga gawa mo, iguhit mo naman ako." Sabi niya sa akin habang tinitignan ang mga linalaman ng sketch pad ko.
Hindi ako makasagot sa kaniya, sa mga nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung ano ang sasabin ko sa kaniya. Ever since kasi nung naghiwalay kami ni Nica nagstop na ako sa pagguguhit, sa paggawa ng sketches.
"Nakikinig ka ba?" Tanong niya sa akin habang lumingon siya sa kung saan ako nakatayo. "Ok ka lang?" Alalang tanong niya.
"Ah, oo, may naalala lang kasi ako." Pagsisinungaling ko sa kaniya, pero hindi naman ata ako nagsisinungaling 'di ba? Siguro 'yung utak ko walang naalala pero 'yung puso ko...
"So pwede mo ba akong gawan ng sketch? Pagandahin mo ako ah, 'yung parang hindi broken 'yung itsura." Sabi niya sa akin na may halong tawa.
"Sorry, matagal na kasi akong tumigil eh, 'di ko alam kung marunong pa ako." Sabi ko sa kaniya.
"Eh 'di ba Architect ka? Paano mo nagagawa mga designs mo pag hindi ka na gumagawa ng sketches ng mga 'yun?" Tanong niya sa akin.
"Siyempre high-tech na lahat ngayon, digital sketches na lahat ng sinusubmit ko kapag." Sabi ko sa kaniya.
"Edi marunong ka pa rin magsketch, kasi hindi naman iba sa actual sketches ang digital sketches." Sabi niya.
"Magka-iba 'yun, kapag digital kasi mas madali. Tsaka matagal na akong tumigil kaya hindi na siguro ako marunong." Sabi ko na lamang sa kaniya.
"Hindi pwede 'yun, siguro hindi na lang magaling pero hindi marunong? Imposible 'yun. Ano ba nangyari? Bakit ka ba tumigil? " Tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung kaya ko siyang sagutin, kung kaya kong sagutin ang tanong niya. Bakit nga ba? Alam ko ang dahilan pero bakit takot akong sabihin 'yun? Bakit hirap akong sabihin kung bakit ganito? Hindi na lang ako nagsalita, hindi na ulit siya nagtanong kasi pinagpatuloy niya ang pagtingin sa mga sketches ko.
Pumunta ako sa kusina at chineck kung may pagkain ba. Kararating lang namin dito kagabi kaya siyempre walang pagkain, umorder na lang ako ng pagkain online at bumalik na ukit sa sala.
"Sino 'to?" Tanong niya sa akin habang tinuturo niya ang nasa sketch.
"Si-" Hindi ko na naituloy dahil hindi ko na kinaya kaya naiyak na lang ako sa harap niya.
"Uy, akala ko ba ok ka lang? Sino ba siya? Ex mo? So hindi lang ako ang broken?" Tanong niya sa akin.
Kwinento ko lahat sa kaniya ang nangyari habang kumakain kami, dumating na rin kasi 'yung pagkain namin kaya ayun. Sinabi ko sa kaniya lahat hanggang sa mga panaginip ko tungkol kay Nica. Nakinig lang siya sa akin gaya nung pakikinig ko sa kaniya nung siya naman ang nagkukuwento sa akin.
"Senior year ko na noon sa Architecture, ilang buwan na lang gragraduate na ako. Alam mo 'yun, malapit na tapos ayun, bigla siyang umayaw." Sabi ko habang hinihimay 'yung chicken, tumango lang siya na nangangahulugang nakikinig siya kaya pinagpatuloy ko lang.
"Nagmaka-awa ako sa kaniya pero wala, mas mahal niya raw 'yung kababata niya kaysa sa akin. Matagal na kasi niyang gusto 'yun, pinagseselosan ko nga 'yun nung kami pa eh. Pero isang araw, umamin sa kaniya na gusto raw siya tapos ayun, agad niya na akong hiniwalayan at naging sila na." Sabi ko sa kaniya.
"Malapit na graduation noon pero hindi na ako nagsusubmit ng mga requirements ko at 'di na rin ako pumapasok sa mga klase ko, broken eh. Isang araw may dumating na lang na prof galing school, tinawagan pala ni Mama 'yung school ko. Sinabihan ako nung prof na pumasok na at magpass ng requirements." Sabi ko sa kaniya at tumango lang siya, busy sa pagngangatngat ng chicken eh.
"Sabi nila sa akin, bibigyan pa raw ako ng isang chance para makabawi, running raw kasi ako for a Laude kaya nanghihinayang sila." Sabi ko sa kaniya, sumagot naman sana 'to kahit minsan, hindi 'yung tumatango na lang siya at kumakain.
"Nakikinig ka pa ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo naman, masarap kasi 'tong manok eh, pero nakikinig ako ha. So anong ginawa mo? Sa tingin ko naman nakapag-isip-isip ka ring ituloy kasi tignan mo naman, architect ka na ngayon." Sagot niya sa akin.
"Oo, napag-isip-isip ko rin kasi na if ever man na maghiwalay sila nung bago niya, at least may mababalikan siya. Willing akong tanggapin siya ulit at kapag nangyari 'yun architect na ako. Ayun, ipina-ubaya ko na lang sa tadhana, naghihintay na sana balang araw bumalik siya sa akin pero wala eh, ilang taon akong naghintay hanggang sa namatay si Mama two years ago, after nun inisip ko na lang mag-America, total may mga offers rin naman sa akin doon kaya ayun lumipad ako agad." Pagpapatuloy ko.
"Ang saya noon kasi akala ko talaga kami na eh. Alam mo ba 'pag umuulan? Lagi akong yinayaya nun maligo't magtampisaw. Para kaming mga bata pero at least masaya kami. Kaya 'yung ulan na dating minahal ko? Kinamuhian ko na ngayon." Sabi ko sa kaniya.
"Ayaw ko rin sa ulan kasi napakalungkot kapag umuulan, tsaka dati kasi kapag ganoon lagi niya akong cinocomfort, 'yung ex ko." Sabi niya. "Pero sa tingin ko masiyado naman kung sisisihin mo 'yung ulan sa nangyari sa 'yo 'di ba?" Dagdag niya.
"Siguro nga, pero dahil na rin siguro wala akong masisi kaya ganoon, at tsaka kapag umuulan, naaalala ko lahat kaya siguro mas lalo akong umayaw sa ulan." Sabi ko sa kaniya habang kinakagat ang fried chicken ko.
"Huwag na nga 'yan ang pag-usapan natin. Mamaya umiyak na naman ako at sabihan mo na naman akong iyakin." Sabi niya sa akin habang iniirapan ako.
"Eh totoo naman 'di ba? Na iyakin ka." Patawang sabi ko sa kaniya, tumawa siya sa sinabi ko, ang cute niya pala kapag tumatawa.
Napag-usapan namin na magsimula rito sa Naga para maghanap ng pwedeng gawin. Marami rin namang magagandang lugar dito sa Cebu kaya ok lang kahit saan kami magsimula. Buti na lang at hindi peak season ngayon kaya hindi karamihan ang mga turista rito.
YOU ARE READING
The Rainbow After The Rain
RomanceA poem I once encountered... Here comes the rain, There fall the rain drops, As the water touches you, As you feel your body get wet, Every droplet of it feels comforting, And you start to...