Napag-isipan kong magstay muna rito sa Manila for a few days or a week, wala rin naman akong kasama sa bahay kaya ok lang kahit hindi naman ako umuwi roon agad. So andito ako ngayon sa isang hotel, dito muna ako for a day kasi hindi pa sumagot 'yung kaibigan kong nakatira rito.
"Sir, here's your room key." Sabi nung babaeng nagbabantay sa lobby habang inaabot sa akin ang susi sa room ko.
"Salamat." tipid na lamang na sabi ko, agad-agad ko na rin sinimulan hanapin kung saan nga ba banda and room ko.
Room 409, which means that my room is in the 4th floor, kaya heto papunta na ako sa elevator. Nag-iisip na ako kung anong gagawin ko rito sa Manila for the mean time, talaga bang dito muna ako? Pwede rin namang mamasyal ako sa ibang lugar. Bahala na nga, ang hirap talaga kapag nawalan ka na ng gana mabuhay, kahit saan pwede na.
Naputol ang pag-iisip ko ng biglang bumukas ang elevator sa harap ko. May mga bumaba rito, hinintay ko munang lumabas sila para makapasok ako at maka-akyat na papunta sa kuwarto ko.
Papasara na ang elevator ng may humabol pa upang pumasok.
"Pa-hold naman." Sabi niya kaya pinigilan ko ang pagsara ng elevator para makapasok siya.
"Salamat." Sabi niya at tumango lang ako pabalik.
"Mukhang balikbayan ka, saan ka galing?" Tanong niya na pumutol sa katahimikan.
"Ah, Oo. America, galing akong America." Sagot ko sa kaniya, napansin niya siguro na may dala akong bagahe kaya natanong niya 'yun.
"Wow, sabi nila maganda roon, malamig at may snow." Sabi niya.
"Maganda, oo, pero malamig? Pwede na rin pero roon banda sa pinanggalingan ko walang snow." Sabi ko sa kaniya.
"Ganoon ba? Akala ko kasi basta America may snow." Sabi niya na may halong tawa.
"Oo, hindi sa lahat ng lugar doon may snow. Sa pinanggalingan ko, bihira lang magsnow at tsaka medyo mainit din doon kaya kapag mag-snow man, hindi rin mapapansin." Paliwanag ko sa kaniya, 'di naman talaga gaanong umuulan ng snow sa San Francisco eh.
"Ah." Tipid niyang sagot. Bumalik ulit ang katahimikan na mas kinasaya ko dahil hindi rin talaga ako mahilig makipag-usap sa mga 'di ko kilala o sa mga tao in general.
Ilang minuto pa ay bumukas na ang elevator na nangangahulugang nasa 4th floor na nga kami.
"Mauna na ako." Sabi ko sa babaeng kasabay ko sa elevator at tumango lang siya pabalik. Nagsimula na akong maglakad para hanapin ang aking kuwarto.
"Room 405, Room 406." Sabi ko habang tinitignan ang mga room numbers ng mga kuwartong nadaraanan ko.
Pagdating ko sa dulo ay roon ko nakita ang room ko. Room 409, sa wakas. Ipinasok ko na ang susi at binuksan na ang pinto. Ok naman ang kuwarto, maayos, malinis, at mukhang naaalagaan ng mabuti. Ibinaba ko na ang bag ko at bagahe ko malapit sa higaan, hindi rin naman karamihan ang dala kong gamit kaya hindi mo gaanong mapapansin ang mga ito kapag titignan mo ang kabuuan ng kuwarto.
"Hay, nakakapagod ang araw na 'to. Wala pa nga akong masiyadong ginawa pero ganito na ako kapagod." Bulong ko sa hangin habang nakahiga sa kama ko. Humiga muna ako roon ng ilan pang sandali ng napagpasiyahan kong maligo.
Agad akong nagready ng damit na susuotin ko pagkatapos ko maligo at ilinagay ito sa kama. Hinanap ko sa isa sa mga cabinets nila ang lalagyanan ng tuwalya at kumuha ng isa. Pagkatapos kong iready lahat ng gagamitin ko ay dumeretso na ako sa banyo para maligo.
Malinis din ang banyo, maayos din, at maganda. Hinubad ko na ang aking mga suot at isinabit na ang tuwalya sa isang sulok at nagsimula ng maligo. Napakalamig ng tubig, napakasarap nito sa pakiramdam, para bang yinayakap ka nito. Ok na sana kaso naalala ko na naman siya, bakit nga ba lagi ko na lang siyang naaalala kapag ganito? Kapag ako'y nababalot sa tubig, umulan man o hindi.
Hindi ko na lamang siya inisip pa at itinuloy na lamang ang pagligo ko ngunit kahit man anong pigil ko'y mukha't ngiti niya ang pumapasok sa isipan ko. Bakit ba ganito? Hindi ba pwedeng kahit minsan magkaroon naman ako ng maayos na ligo? Ang tagal-tagal na noon, pero bakit hanggang ngayon siya pa rin? Bakit ba hanggang ngayon binibisita ka pa rin ng mga ala-ala niyo?
"Fuck!" Sabi ko na lamang habang sinapak ang pader. 'Di na ako nasaktan dahil sanay naman na rin akong gawin ito. Nagtagal pa ako roon ng ilang sandali, siguro kailangan ko na talagang magmove-on. Akala ko kasi kapag gagawin kong busy sarili ko, makakalimutan ko na siya pero wala eh, kahit pala hindi ko na siya naiisip ng mga oras na 'yun mahal pa rin siya ng puso ko at nung nawalan ako ng oras para magpaka-busy, naalala ulit siya ng puso ko, pati na rin isipan ko.
Kinuha ko na ang tuwalya at pinunasan na ang katawan ko. Lumabas na ako pagkatapos kong magpatuyo at hindi ko inaasahang makikita ko ulit siya rito.
"Anong ginagawa mo rito?" Gulat na tanong ko.
YOU ARE READING
The Rainbow After The Rain
RomanceA poem I once encountered... Here comes the rain, There fall the rain drops, As the water touches you, As you feel your body get wet, Every droplet of it feels comforting, And you start to...