Pagakatapos namin magtampisaw ay bumalik kami sa hotek room namin para magpatuyo, dumaan ulit kami sa thrift store na binilhan ko ng damit kanina para makabili ulit ng mga damit kasi basa na 'yung suot namin ngayon.
"Next naman sa amin." Sabi niya sa akin habang nagpupunas siya ng kaniyang buhok.
"Sa inyo? You mean sa Ecija?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo, magbook ka na ng flights pamanila dali." Sabi niya sa akin.
"Sure ka? Marami pa tayong 'di napupuntahan dito." Sabi ko sa kaniya.
"Oo, ako rin naman ngayon ang manlilibre sa 'yo, total sobrang rami ko na utang sa 'yo." Sabi niya sa akin.
Bumalik na siya sa pagpupunas pagkatapos noon, kinuha ko na ang phone ko para makapagbook na nga ng flights, kinuha ko 'gung 10:30 flight, maaga pa naman kaya siguradong makaka-abot kami roon.
Pabalik na kami ngayon sa bahay para iready na ang mga gamit namin para sa flight, alas nwebe na nung makarating kami sa bahay dahil sa traffic, nagmadali agad kaming iayos ang mga gamit namin kasi baka matraffic ulit kami papuntang airport, si Manong Jun sinabihan kong baka mawala ako ng ilang araw kaya bahala na siya rito sa bahay.
"Jane bilisan mo baka matraffic tayo sa daan." Pasigaw na sabi ko sa kaniya, nandito na ako sa baba at hinihintay na lang siya.
"Ayan na papunta na." Sagot naman niya.
"Malapit na mag 9:30, hindi tayo makakaabot sa flight niyan." Sabi ko sa kaniya habang naghihintay pa rin. Nagmaamdaling bumab siya sa hagdan na dahilan para muntikan na siyang mahulog nung malapit na siya sa baba. Agad akong tumakbo para saluhin siya at buti na lang umabot ako.
"Thank you." Sabi niga habang nakatingin sa akin. "Tara na." Dagdag niya habang tinatapik 'yung kamay kong nakahawak pa rin sa beywang niya.
"Ah, Oo." Sabi ko habang tinulungan na siya sa bagahe niya.
Palabas na kami at naghihintay na ng taxi ng biglang may tumawag sa akin.
"Chris." Sabi ng boses na na sa likod ko, hindi ko alam pero dahil doon ay biglang tumalon ang puso ko. Hindi ko kayang lingunin siya kasi alam kong baka kapag nakita ko siya ay bumalik lahat sa akin lahat ng nararamdaman ko para sa kaniya.
"Chris may tumatawag sa-" Hindi na naituloy ni Jane ang sinabi niya dahil nagulat rin siguro niya sa nakita niya, imposibleng hindi niya makilala kung sino 'yun dahil nakita niya ang laman ng sketch pad ko.
Lumingon ako at siya nga, ang babaeng una kong minahal bukod sa nanay ko, ang babaeng kahit papaano hanggang ngayon ay minamahal pa rin ng puso ko, ang babaeng sinaktan at ipinagpalit ako.
"Nica." Ang pangalang lumabas sa mga bibig ko, bakit siya nandito?
"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya sa akin.
"Pwede, pero aalis na kami." Lutang na sabi ko.
"Please Chris, importanteng-importante 'to, please." Pagmamakaawang sabi niya.
"Pero." Sabi ko habang lumingon ulit ako kay Jane, nakayuko na siya ngayon, hindi ko makita ang mukha niya.
"Sige na, kausapin mo na siya." Sabi sa akin ni Jane.
"Sino siya?" Tanong naman ni Nica sa akin.
"Si Jane nga pala, kaibigan ko." Sagot ko naman, bakit ganoon? Parang nasaktan ako nung sinabi kong kaibigan ko lang siya?
"Jane." Tipid na sagot niya habang inabot ang kamay niya kay Nica para kamayin ito.
"Pwede bang kausapin ko na muna si Chris." Pagpapaalam niya kay Jane, tumango lang siya at bumalik sa pagkakayuko niya.
YOU ARE READING
The Rainbow After The Rain
RomanceA poem I once encountered... Here comes the rain, There fall the rain drops, As the water touches you, As you feel your body get wet, Every droplet of it feels comforting, And you start to...