Nagising ako na nakatulog siya at nakalagay sa balikat ko ang ulo niya. Maaga pa, tingingnan ko ang oras sa relo ko at mag-aalas singko pa lang, hindi pa naman papaakyat si haring araw kaya hindi pa ganoon kaliwanag. Nakatingin ako ngayon sa kaniya, ang cute niya matulog, napakatahimik.
Inaayos ko ang buhok niya ng bigla siyang humilik ng malakas, tinakpan ko agad ang bibig ko para pigilan ang tawang pilit lumalabas sa mga ito. Akala ko pa naman cute siya kasi tahimik siya matulog tapos ito ngayon biglang humilik ng malakas. Buti na lang at napigilan ko kasi nginig na nginig ako sa pagpipigil, ayaw ko namang gisingin siya. Maaga pa naman.
Mga ilang minuto ring ganito lang 'yung position namin nung naisipan ko nang gisingin siya.
"Gising na sleepyhead." Bulong ko sa kaniya habang tinatapik-tapik siya.
"Ahh." Sabi lang niya habang tumalikod siya sa akin at siguro'y bumalik ulit sa tulog. Malapit na sumikat 'yung araw, dapat talaga magising na 'to.
"Hoy, psst. Gising na miss ganda." Sabi ko para mas magising 'to.
"Ano ba? Inaantok pa ako." Sabi niya sa akin, nakaharap na siya sa akin ngayon.
"Umaga na." Sagot ko lang sa kaniya habang itinuturo sa kaniya ang papasikat na araw.
Agad siyang bumangon at nakangangang nakatulala sa kung saan ako tumuturo. Tumayo siya at naglakad papunta malapit sa gilid ng peak. Bumangon na rin ako at sinundan siya.
"Kamusta?" Tanong ko sa kaniya habang nakatanaw ako sa view na nakikita rito, bulubundukin at ibang lugar ay tanaw rito.
Tumango lang siya habang nakanganga, tinitignan ko na siya ngayon at nagulat ako kasi may namumuong luha sa mga mata niya. Tatanungin ko na sana siya kung ok siya nang bigla siyang sumigaw ng napakalakas.
"Ayaw ko na sa 'yo! Hindi na kita mahal! Kakalimutan na kita! Ayaw ko na sa 'yo!" Sigaw niya ng napakalakas habang humihikbi't umiiyak, ramdam mo talaga 'yung sakit sa boses niya.
"Psst. Bakit ka sumisigaw, may mga natutulog pang campers, magigising sila." Sabi ko sa kaniya, ano ba naman 'to, bigla-bigla na lang sumisigaw, tapos umiiyak pa.
"Ok lang 'yan, tsaka hindi ko alam pero naramdaman ko lang na tama 'yung ginawa ko. Kailangan ko na rin siyang ilet go, gaya ng paglet go niya sa akin." Sabi niya sa akin. "Itry mo rin kaya." Dagdag pa niya.
Hindi ko alam kung kaya ko pero nagulat ako kasi 'yung ibang campers na kanina'y natutulog ay isa-isa na ring nagsisisigaw ng mga hinanaing nila sa buhay. Hindi ko alam pero dahil doon nagkaroon ako ng lakas ng loob para ilabas na rin ang nararamdaman ko.
"Tanginang buhay 'to! Pagod na akong maiwan! Pagod na akong masaktan! Sana naman kahit minsan mahalin niyo ako tulad ng pagmamahal ko sa inyo! Ayaw na kita! Kakalimutan na kita! Magmomove-on na talaga ako! Sa mga kaibigan ko! Sana naman kahit minsan ako rin unahin niyo gaya ng pag-uuna ko sa inyo kapag may kailangan kayo!" Sigaw ko, hindi na lang ata about sa past relationship ko 'to. Isinigaw ko na lahat ng mga hinanaing ko rin sa buhay.
Nakisabay na rin makisigaw si Jane, ilang minuto ring nagsisigawan lahat ng tao rito sa peak
Dahil dito maraming umiiyak, pero hindi dahil sa sakit kundi sa saya at sarap sa pakiramdam na ma-ilabas lahat ng napupunong sama ng loob sa aming mga puso. Naggroup hug kami lahat pagkatapos at masaya na ring bumaba ng magkakasama.Nakabalik na kami ngayon rito kay Clover at inayos na rin ang mga gamit namin, sayang 'yung tent hindi rin naman namin nagamit. Pagpasok ko sa loob ay masayang tinitignan ni Jane ang mga litratong kinuha namin sa peak kanina. Siyempre bago kami bumaba ay nag-almusal at nagpicture taking rin para sa remembrance.
Napakaraming kumakausap sa kaniya kanina at sinasabihan siya ng thank you kasi siya ang nagpasimula ng pagsisigaw kanina. Minsan ok rin mga ginagawa nito, pasalamat siya at walang nagalit kanina, natatawa ako na maisip kung ibang reaction ang nakuha niya sa mga campers kanina.
"Tara sa Sirao?" Tanong ko sa kaniya na pumutol sa pagtingin niya sa mga pics.
"Kahit saan, basta masaya." Masayang sabi niya, at dahil doon ay pinandar ko na si Clover.
Lampas 12 PM na nung makarating kami sa Sirao Flower Garden kaya naglunch muna kami bago magpunta roon at magsight seeing ng mga bulaklak.
Fast forward, mga anong oras na kami nakapunta roon at naghanap pa kami ng hotel para makaligo 'tong si Jane. Arte-arte gusto niya raw maligo kasi kahapon pa last na ligo niya. Hindi naman ako nagrereklamo kung mabaho siya o hindi eh pero ayun pinilit pa rin ako kaya heto kami ngayon, kumuha ng room para lang makaligo siya. Nagpaalam ako sa kaniya na aalis ako para bumili ng mga damit na pagbibihisan namin kaya lumabas na rin ako. Buti na lang at meron namang thrift store malapit dito sa hotel kaya mabilis rin akong nakabili ng damit niya at damit ko.
"Meron ka bang nabili?" Agad niyang tanong pagkapasok ko sa hotel room.
"Oo naman, ito oh." Abot ko sa kaniya, kinuha ko na rin 'yung akin at dumeretso na sa banyo. Diyan na lang siya magbihis kasi maliligo na rin ako para makapunta na kami agad sa Flower Garden baka kasi umulan eh, makulimlim pa naman.
"Ang ganda." Sabi niya sa akin habang pinagmamasdan niya itong flower garden.
"Kaya nga eh, parang ikaw." Pabirong sabi ko sa kaniya.
"Ay, may nalalaman ka nang mga ganiyan ha." Patwang sabi niya sa akin, kinuha niya ang kamay ko at hinatak ako. Sumunod ako sa kaniya habang tumatakbo siya at hinahawakan lahat ng nalalagpasan niyang bulaklak.
"Tara picture." Sabi niya sa akin habang huminto siya.
"Wait." Sabi ko habang kinakapa ang cellphone ko. "Wala." Dagdag ko nung napansin kong hindi ko dala, shit, naiwan ko ata sa loob ni Clover.
"Eh?" Tanong niya sa akin. "Naiwan ko kasi 'yung akin kay Clover eh." Dagdag pa niya.
"Tara balikan." Sabi ko sa kaniya ng biglang kumulog at kumidlat ng malakas, pagkatapos na pagkatapos nun ay bumuhos na rin ang malakas na ulan.
"Shit." Sabi ko na lang habang naghahanap ng masisilungan, hinatak ko na rin si Jane at nakasunod siya sa likod ko.
Nagulat ako kasi bigla siyang tumigil at kinalas ang pagkakahawak ko sa mga palad niya. Tumingin ako sa kaniya at nakangiti siyang sinenyasan ako na hayaan na.
"Tara magtampisaw." Sabi niya sa akin, nakita niya siguro sa mukha 'yung tanong na 'bakit?' kaya agad niya ring sinagot.
Iniabot niya ang palad niya at kinuha ko iyon. Sumayaw kami sa ilalim ng ulan gaya nung rooftop scene sa highschool musical, pero iba ito ngayon kasi imbes na sa rooftop ay na sa flower garden kami, at imbes na si Nica ay si Jane ang kasayaw ko.
Masiyado kaming nadala sa nangyari at nahinto na lang ng tumigil ang ulan.
"Chris!" Excited na sabi niya habang may itinuturo sa likod ko.
Paglingon ko sa itinuturo niya ay tumalon sa saya ang puso ko. Totoo nga 'yung sabi sa kanta ng South Border.
"There's a rainbow always after the rain." Sabi ko habang nakatingin dito, tinignan ko si Jane at alam ko sa isipan niya na 'yun rin ang naiisip niya, na hindi sa lahat ng oras, malungkot kapag umuulan.
YOU ARE READING
The Rainbow After The Rain
RomanceA poem I once encountered... Here comes the rain, There fall the rain drops, As the water touches you, As you feel your body get wet, Every droplet of it feels comforting, And you start to...