Chapter 3

91 8 0
                                    

"Ahh!" Sigaw niya habang tinatakpan ang mga mata niya. Agad-agad kong tinakpan ang aking katawan gamit ang mga damit na ginamit ko bago ako maligo.

"Anong ginagawa mo rito? Kuwarto ko 'to, paano ka nakapasok?" Tanong ko na lamang sa kaniya, siya 'yung babaeng nakita ko sa airport kanina, 'yung babaeng nanakawan at tinulungan ko.

"Eh, ito ang room na binigay sa akin kaya ako nakapasok dito, binigyan nila ako ng susi." Sagot niya, paanong ito ang room niya eh occupied na ito?

"Paanong ito ang room mo eh occupied na 'tong room na 'to." Dismayadong sabi ko habang hinahawakan ang ulo ko sa biglang pagsakit nito.

Muli siyang umiyak at ibinaon ang mukha niya sa pagitan ng kaniyang mga binti, parang siyang bata. Ganito na ba talaga kalaki ang prinoproblema nito at iyak na lamang siya ng iyak? Kung pwede lang sanang paalisin ko siya kaso hindi ako ganoon. Ako na lang siguro mag-aadjust para sa kaniya, maghahanap na lang ako ng iba pang hotel.

"Excuse me, 'yung damit ko." Sabi ko habang akmang kukunin ang mga damit ko sa tabi niya. Hindi ba niya napansing may mga damit na na sa tabi niya? Ganoon na lamang ba siya ka wala sa sarili at hindi na niya naisipan pang tignan kung may tao nga ba rito? Mga babae nga naman.

"Ah." Gulat na sabi niya, pero kumalma rin siya at tinignan ang aking tinuturo, inabot niya ito at agad ko rin itong kinuha sa kaniya.

Pumasok ulit ako sa banyo para makapagbihis. Ang stressful ng araw na 'to, para bang sinasabing mali 'tong pag-uwi ko dito sa Pilipinas. Ano nga ba naman kasing gagawin ko rito, na sa America na ang buhay ko ngayon. Lumabas na ako pagkatapos ko magbihis.

"Sorry po talaga." Sabi ng isa sa mga staff ng hotel, siguro ay agad silang pumunta rito ng malamang occupied na pala ang room na ito.

"Please, puno na po lahat ng mga hotels na napuntahan ko. Huwag niyo naman akong paalisin." Pagmamaka-awa niya sa staff.

"Ah Sir, sorry ho. Nagbanyo lang po kasi ako kanina tapos pinasuyo ko sa isang kasama ko ang pagbabantay sa lobby, hindi naman po niya alam na ibinigay ko na ang Room 409 kaya ibinigay niya ho ito ulit." Pagpapaliwanag niya.

"Ok lang." Sabi ko habang kinakamot ang likod ng aking ulo. "Mukhang mas kailangan ni Miss ng matutuluyan kaya ako na lang ang aalis." Sagot ko sa kaniya, nakakasawa mag-adjust para sa iba. Bakit ba ako ganito? Putangina mo self, matuto ka rin kayang maging selfish minsan.

"Pero Sir, sabi ho niya ay wala ng open na mga hotels, sure ho ba kayo?" Tanong niya na may halong pagkabigla.

"Oo." Tipid ko na lamang na sagot, magdasal ka na lang na may mahanap ka mamaya.

"Sige ho Sir, pakibalik na lang po ang susi pagbaba niyo ulit sa lobby, kailangan ko na hong bumaba upang magbantay." Sabi niya at tumalikod na siya paalis sa kuwarto.

"Thank you." Pasasalamat niya sa akin.

"Wala 'yun, paano ba 'yan, maiwan na kita." Sabi ko na lamang habang kinukuha ko na ang mga gamit ko sa tabi ng kama. Pasalamat ka miss at mabait ako.

"Ah-" Sabi niya ngunit hindi niya ito matuloy.

"May kailangan ka pa ba? Kung iniisip mong baka wala akong matuluyan, meron naman siguro akong mahahanap kaya ok lang." Sabi ko na lamang ng may halong ngiti.

"Dito ka na lang magstay, ok lang naman sa akin. Diyan na lang ako sa sofa matutulog at ikaw naman ang nauna rito." Pabulong niyang sabi.

"Sure ka? Ok lang sa 'yo?" Tanong ko na lamang, sa totoo lang kasi, maliit din and chance na may mahanap pa akong matutuluyang hotel. Katitingin ko lang din sa cellphone ko at nagreply na ang kaibigan ko. Hindi raw pwede ngayon at naroon ang nanay at tatay niya.

Tumango na lamang siya at kinuha ang kaniyang mga gamit upang ilagay sa sofa ngunit pinigilan ko siya.

"Miss, ako na lang sa sofa, total ako naman ang lalaki." Sabi ko sa kaniya. Hala sige mag-adjust ka ulit. Tumango lamang siya ulit at bumalik sa kaniyang pagkaka-upo sa kama.

"Alam ko hindi ka ok, kung ano man 'yang pinagdaraanan mo, malalagpasan mo rin 'yan." Sabi ko sa kaniya at umiyak ulit siya. Ano ba 'yan, sana naman huwag siya umiyak magdamag. Kinuha ko ang mga gamit ko sa tabi ng kama at inilipat sa tabi ng sofa. Total isang araw lang naman siguro ako rito kaya titiisin ko na na makasama siya.

Ilang minuto rin siyang umiiyak at sa mga oras na 'yun ay nakatingin lang ako sa kaniya. Ano nga bang nangyari sayo at ganiyan ka na lamang kalungkot? Sana naman sabihin mo para maintindihan ko kung bakit.

Magpapa-alam na sana ako sa kaniya dahil nagugutom na ako pero bigla siyang tumigil sa pag-iyak at tumayo.

"Tara kain." Pag-aalok niya sa akin habang pinupunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi.

The Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now