"Masaya ka na?" Tanong ko sa kaniya habang pinapanood siyang kumain.
"Masayang-masaya." Habang takam na takam siya kinakain niya.
"Alam mo maghinay-hinay ka nha diyan at baka mamaya pumutok 'yang batok mo." Pabiro kong sabi niya.
"Wala akong naririnig. Wala akong naririnig." Sambit niya habang sumusubo pa rin ng Lechon.
Matatawa ka na lang talaga sa itsura niya ngayon, babae pa man din siya tapos para siyang baboy kung kumain. Kala mo talaga parang hindi nakakakain ng Lechon 'to eh, nung isang araw ganito rin naman dinner namin sa Manila eh. Buti na lang konti ang customer ngayon, mapapahiya na naman ako nito for sure, sana wala nang customer na dumating pa.
"Psst. Umasta ka nga maayos, nakatingin na sa 'yo 'yung mga nasa kabilang table oh." Sabi ko sa kaniya habang sinesenyas 'yung nasa tabi naming table. Ilan pa lang 'yang nakakakita sa kaniya pero hiyang-hiya na ako.
"Kumain ka na nga lang, basta Lechon, wala akong pake kung ano pang maging itsura ko makakain lang ako." Sabi niya habang pinagpapatuloy ang pagkain niya, hindi ba nasusuya 'to? Masiyado kayang mataba 'tong kinakain namin.
"Mabilaukan ka sana." Pabulong na sabi ko, 'di ko na lang sana sinabi 'yun kasi pagkasabing-pagkasabi ko ay agad din siyang nabilaukan.
"Ack. Tu-" Sabi niya habang inaabot 'yung tubig.
Nagulat ako sa nangyari, dali-dali kong nilagyan ng tubig galing sa pitcher 'yung baso niya at agad-agad ding inabot sa kaniya. Ininom niya 'to lahat at parang wala lang na ipinagpatuloy ulit ang pagkain. Nagfacepalm na lang ako kasi wala na rin naman akong magagawa. Muntikan na siyang mamatay roon tapos heto pa rin siya, kung makakain akala mo 'di na ulit makakakain pa. Sinilip ko 'yung mga tao sa kabilang table at tumatawa sila ng mahina, paano ba naman kasi akala mo hindi nabilaukan 'tong gagang 'to eh.
"Kapag ikaw nabilaukan ulit, bahala ka na sa buhay mo." Sabi ko sa kaniya habang pinagpatuloy ang pagkain ko.
"Opo, opo." Tipid na sagot niya sa akin.
'Yung inorder namin na 250 grams na Lechon halos siya rin umubos. Halimaw pala sa pagkain 'to, hindi naman siya ganoon kataba, sakto lang kasi 'yung katawan niya. Hindi mataba at hindi rin mapayat, 'yung sakto lang, 'yung parang ideal body figure ng mga babae 'yung body figure niya.
"Magbabanyo lang ako." Pagpapaalam ko sa kaniya, sumipsip lang ako saglit sa mango shake ko at tumayo na rin para pumuntang banyo.
Close pa ang banyo kaya naghintay muna ako saglit, tinignan ko si Jane at ayun, kumakain pa rin. Ngayong tinitignan ko siya ng malayuan hindi naman pala ganoon kapangit 'yung itsura niyang kumain. Actually ok nga eh, pagtitignan mo rito sa kinatatayuan ko maayos naman tignan pero kapag lumapit siyempre parang baboy siya. Bakit ba ang cute niya? Naputol ang pag-iisip ko ng bigla ng bumukas ang pinto ng banyo at lumabas na ang huling gumamit nito. Agad na rin akong pumasok.
Mabilis lang naman ako sa banyo kaya mabilis lang akong nakabalik.
"Uubusin mo pa ba 'yan?" Tanong niya sa akin habang tinuturo 'yung plato ko. Nakakalahati ko pa lang kasi 'yung kinakain ko, tsaka nagbanyo ako kaya medyo nahinto ako sa pagkain.
"Bakit?" Tanong ko habang umuupo.
"Gusto ko pa eh." Sabi niya sa akin.
"Ha? Anrami mo nang kinain tapos hihingin mo pa 'yung akin? Baboy ka talaga, dapat sa 'yo ikaw 'yung nilelechon eh." Sabi ko sa kaniya.
"Sige na pwease." Sabi niya habang nagpapuppy eyes, talagang ginawa pa niya w 'yung l sa please para mas magmukhang nakakaawa siya.
Kumuha pa ako ng isang hiwa at inabot na rin sa kaniya 'yung plato ko. Nakakaawa naman kasi siya, baka magutom pa, tsaka ok na rin 'yan para 'di na siya gaanong kumain mamaya sa pupuntahan namin. Busog na rin naman ako kaya hinayaan ko na lang siyang kainin 'yung akin
Tinignan ko ang oras sa relo ko at malapit na mag-one, marami pa kaming oras para gumawa ng mga water activities mamaya. Parasailing, Banana boat, jet ski, at kung ano pa man pwedeng gawin doon. Naputol ang pag-iisip ko ng bigla niyang akong sinenyasan.
"Ack. Chris, tu- tubig." Sabi niya habang hinahawakan 'yung lalamunan niya. Napatayo ako at agad-agad kong kinuha 'yung baso niya at linagyan ito ng tubig. Pumunta ako malapit sa upuan nuya at inabot ko 'to agad sa kaniya.
"Akala ko ba kapag ako nabilaukan, bahala na ako sa buhay ko?" Patawang sabi niya habang inalis niya ang pagkakahawak niya sa lalamunan niya, nagpeace sign siya sa akin at kinuha na niya 'yung baso ng tubig na hawak ko.
"Tanginamo, 'di magandang joke 'yun. Paano kapag totoong nabilaukan ka talaga?" Pagalit na tanong ko sa kaniya.
"Meron ka naman eh para abutan ako ng tubig, kaya no worries." Sabi niya sa akin na may kasamang kindat at ipinagpatuloy niya na ulit ang pagkain niya.
Putangina talaga nito, pasalamat ka at mabait ako. Gandang batukan ng babae na 'to eh, pasalamat ka talaga. Bumalik ako sa upuan ko at ayan na naman 'yung mga tao sa kabilang table na pinagtatawanan kami. Gusto ko na pumunta sa NTJ para matapos na 'tong kahihiyan na 'to.
YOU ARE READING
The Rainbow After The Rain
RomanceA poem I once encountered... Here comes the rain, There fall the rain drops, As the water touches you, As you feel your body get wet, Every droplet of it feels comforting, And you start to...