Epilogue

70 8 4
                                    

Bakit ganito? Bakit ba palaging ako na lang ang iniiwan? Palaging ako 'yung sinasaktan. Ano bang nagawa ko? Hindi naman ako nagkulang ha, lagi naman akong nandiyan para sa 'yo. Pero bakit? Bakit hindi mo ako kayang mahalin katulad ng pagmamahal ko para sa 'yo? Bakit ganoon na lamang kadali para sa 'yong iwanan ako? Pagod na ako, ayaw ko na, hindi ko na kaya pa.

Ay ang mga salita at tanong na laging bumibisita sa aking isipan, mga salita't tanong na mas lalong nagpapalala ng sakit na aking nararamdaman, mga salita't tanong na nagpapa-alala ng pait ng kahapong nagdaan.

Sa tuwing umuula'y laging tayo na lamang ang aking naaalala, kaya habang tumatagal, ang ulan na dati'y aking minahal ay naging bagay na aking kinamuhian dahil sa isang relasyong kahit kailan ma'y hindi na maibabalik pa...

Ngunit sa pagdaan ng panahon akin ding natutunan na hindi sa lahat ng oras na umuulan ay mag-isa ka't malungkot dahil may isang taong darating na magpapamukha sa 'yo na may magmamahal sa 'yo tulad ng pagmamahal mo sa iba. And now you're the rainbow after the rain, my rainbow. Ngayon ko lang narealize na hindi pala ang mga bagay na kinamumuhian natin ang nananakit sa atin kundi ang mga taong nalapit sa atin.

Gaya nga ng sabi ng babaeng 'yun, kung mahal mo at gusto mo, may paraan, na hindi mo na ipapa-ubaya pa sa tadhana na magtagpo pa ulit ang landas niyo. Dahil kung mahal mo, hahabulin mo, hindi ka susuko, na hanggang sa huli na maging kayo. Kaya ngayon hahabulin kita, hindi kita susukuan, na hanggang sa huli magkakaroon ng tayo, kasi mahal kita. Mahal kita Jane Andres at hindi ko hahayaan pang mawala ka pa sa akin, kaya hintayin mo ako dahil papunta na ako sa 'yo.

The Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now