Pinaandar ko na si Clover at umalis na kami. Diyan raw muna kami sa Boardwalk pupunta, malapit lang 'yun dito kaya ilang minuto lang akong nagdrive.
"Okay ba?" Tanong ko sa kaniya habang inaalis ko pagkakabuckle ng seatbelt ko.
"Anong okay? Ang ganda kaya." Sabi niya habang linabas niya ang ulo niya sa bintana para mas makita pa ang boardwalk.
Lumabas na kami at naghanap muna ng pwedeng kainin habang kami'y maglalakad sa boardwalk. Medyo maraming tao rito ah, maganda kasi 'tong boardwalk. One of the must visit 'yan dito sa Naga City Cebu.
"Gusto ko ng cotton candy, 'yun oh." Sabi niya habang tinuturo 'yung stall kung saan may nagtitinda ng cotton candy.
"Para sa mga bata lang 'yan, iba na lang." Sabi ko sa kaniya, habang nagtuturo ng ibang mga pwedeng makain.
"Eh 'yan gusto ko eh." Pagpupumilit niya sa akin.
"Ikaw ba magbabayad?" Tanong ko sa kaniya.
Inirapan niya lang ako at iniwan na ako sa kinatatayuan ko. Agad ko rin siyang sinundan, hinawakan ko ang kamay niya at hinila papunta sa stall kung saan may nagtitinda ng cotton candy.
"Kuya dalawa ho." Sabi ko, isang kulay blue kinuha ko para sa akin at isang pink para sa kaniya.
"Wow ha? So pambata lang talaga ang cotton candy?" Inis na sabi niya sa akin.
"Ayaw mo ba?" Tanong ko sa kaniya habang inaabot ko 'yung isa sa kaniya.
"Akin na nga." Sabi niya sa akin habang hinablot niya sa kamay ko 'yung cotton candy. Paarte pa kasi kukunin rin naman. Natatawa tuloy ako sa kaniya.
"Tara na." Sabi ko sa kaniya, kumagat na ako sa cotton candy ko at sakto lang naman 'yung tamis niya.
Nakakamiss dito, hindi masiyadong maaraw kasi maaga pa naman. Nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa boardwalk, medyo mahangin kaya amoy na amoy 'yung simoy ng hanging dagat. Huminga ako ng malalim at pumikit saglit, bakit nga ba ngayon ko lang naisipan bumalik dito. Kahit papaano marami pa ring magagandang bagay rito.
"Ok ka lang?" Tanong niya sa akin, oo nga pala, kasama ko si Jane. Minulat ko ang mga mata ko at mukha niya agad ang bumungad sa akin. Nakatitig siya sa akin ngayon. "Bigla ka kasing huminto eh tapos pumikit, napuwing ka ba?" Dagdag niyang tanong.
"Oo, ok lang ako. Namiss ko lang kasi 'to, itong lugar. Dito sa amin." Sabi ko sa kaniya, bumalik ulit siya sa paglalakad kaya sumunod na rin ako.
"Ang ganda dito, sa totoo lang ngayon pa lang ako nakapunta dito sa part na 'to ng Cebu. Saglit lang kasi kami dito noon, Sinulog kasi kaya pumunta kami." Sabi niya na nagpatigil sa kaniya, medyo lumungkot 'yung mukha niya habang kinakagat niya 'yung cotton candy niya pero nawala rin agad.
"Sayang naman kung ganoon, marami kayang magandang puntahan dito sa Naga. Lantawan Cliff, Kasarya Cave, at iba pa. Gusto mo pwede rin tayo magcamping sa Mount Naupa, maganda doon lalo na kapag madaling araw." Sabi ko sa kaniya para mawala 'yung lungkot niya.
"Sige ba, so mamayang gabi magcacamping tayo. Bili na agad tayo ng tent mamaya." Sabi niya na may halong excitement sa boses niya.
Pinagpatuloy lang namin ang paglalakad. Siyempre kumuha rin kami ng mga pictures, ang ganda talaga ng dagat. Namiss ko tuloy magswimming sa dagat. Malay natin baka mamaya magswimming rin kami. Picture rito, picture roon, lakad dito, lakad doon. Ang saya lang kasi sa mga oras na 'yun wala akong ibang inisip kundi mag-enjoy. Nagtagal pa kami roon ng isang oras, nag-usap tungkol sa buhay.
"Nurse ako roon." Sabi niya sa akin, so 'yun pala trabaho niya sa Canada.
"Ah." Sabi ko lang habang nakatingin sa kaniya. Naka-upo kami sa isa sa mga benches dito sa boardwalk.
"Anong ah ka diyan, ikaw ha. Tinignan mo pala 'yung passport ko kanina. So alam mo na rin address ko." Sabi niya habang tinatawanan ako.
"Nakita ko lang kasi, nacurious ako kung saan ka galing. Masama ba 'yun?" Tanong ko na lang habang sa loob-loob ko'y sobrang nahihiya na ako.
"Hindi naman, ok lang naman." Sabi niya sa akin.
Inaya ko na siyang umalis para makapunta na sa susunod na pupuntahan namin. Saan ba kami susunod na pupunta?
"Saan mo susunod gustong pumunta?" Tanong ko sa kaniya.
"Ewan, saan ba maganda? Parang gusto ko magswimming eh. Kung pwede lang tumalon kanina diyan sa boardwalk para makapagswimming gagawin ko eh." Sabi niya na dahilan para matawa ako. Sana ginawa niya para nakita ko kung paano 'yung itsura niya.
"Tara sa Mactan, pwede rin tayo magwater activities roon." Sabi ko sa kaniya habang tumatawa pa rin.
"Tangina nito, eh gusto ko nga magswimming eh, pero tara? Kaso wala akong dalang gamit pangswimming." Sabi niya sa akin habang binatukan ako.
"Ouch." Patawang sabi ko. "Edi tara bili." Sabi ko sa kaniya at bumalik na nga kami kay Clover para maka-alis na.
YOU ARE READING
The Rainbow After The Rain
RomanceA poem I once encountered... Here comes the rain, There fall the rain drops, As the water touches you, As you feel your body get wet, Every droplet of it feels comforting, And you start to...