Chapter 18

41 6 0
                                    

Dumaan ulit kami sa Marina mall para bumili ng mga gagamitin mamaya. Ako naghanap ng tent at siya naman bahala sa pagkain. Nagkita na lang kami sa pick up pagkatapos namin mamili. 'Di na rin kami nagtagal kasi agad rin kaming umalis para maaga kaming makarating sa bahay.

"Magready ka na ng gamit mo tsaka gawin mo na kung ano man dapat mo gawin." Sabi ko sa kaniya, pinagbugksan ko na siya ng pinto, after that pumasok na kami at umakyat na ako papuntang kuwarto para maligo at mag-ayos na rin. Kung pwede lang sana kasing umakyat gamit 'yung pick up edi sana sa likod na lang kami nito mahiga, sakto sana kasi hindi naman maulap. Star gazing sana kaso ayun, maiiwan si Clover mamaya sa paanan ng bundok. Ok sana 'yun para mas sweet 'yung atmosphere.

"Wait." Sabi ko sa sarili ko habang dumadaloy ang tubig sa katawan ko, na sa banyo na ako ngayon.

"Kung ano-ano naiisip mo Chris, magkaibigan lang kayo ni Jane." Sabi ko sa sarili ko habang nagshashampoo na.

Mabilis din ako natapos kaya nakapagbihis na ako. Chineck ko si Jane kung tapos na siya pero pagdating ko sa kuwarto niya wala siya. Naliligo pa siguro 'to, kayong mga babae talaga napakatagal niyo sa banyo. Tinignan ko ulit 'yung kama niya at gaya nung umalis kami, nakakalat pa rin ang mga gamit niya rito. Lumapit ako at hinanap 'yung passport niya.

"Saan kaya 'yun?" Pabulong na tanong ko sa sarili ko, nahanao ko rin agad 'yung passport, natakpan siya ng ano, natatawa ako dito sa nakita ko.

"Kahit ba naman bra ikinakalat lang niya rito." Cup B ata 'to o Cup C, kung bakit ko alam? Huwag niyo na rin alamin. Agad kong kinuha 'yung passport sa ilalim nito at ibinuklat papunta sa pahina kung saan nakalagay 'yung address niya. Kinuha ko 'yung cellphone ko at kinuhanan ito ng litrato, hindi ko alam bakit ko 'to ginagawa pero hindi ko na 'yun inisip at pinicturan na lang ito. Dali-dali kong ibinalik sa ilalim nung bra 'yung passport at lumayo na sa kama.

"Jane matagal ka pa ba?" Tanong ko sa kaniya, medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig niya ako.

"Oo, saglit na lang." Sagot naman niya.

"Hintayin na kita sa baba." Pasigaw na sabi ko at nagsimula na akong lumabas at bumaba papuntang sala.

Mga ilang minuto rin ay lumabas na siya kaya pumunta na kami sa garahe para makaalis na rin kami.

"Ready?" Tanong ko sa kaniya.

"Ready." Sagot naman niya kaya inistart ko na si Clover at nagsimula na nga kaming magdrive papuntang Mount Naupa.

Isa't kalahating oras 'yung byahe namin papunta rito sa paanan ng bundok, medyo marami ang pupuntang magcacamping ngayon ah. Agad kaming sumunod sa ibang mga campers para mas masaya.

"Psst." Sabi nung lalaking na sa tabi ko.

"Po?" Magalang na tanong ko.

"Girlfriend mo ba 'yung babaeng kasama mo?" Sabi niya habang pangusong tinuturo niya si Jane na nakikipag-usap ngayon sa ibang campers.

"Ah, hindi, kaibigan ko lang siya." Sabi ko habang nakangiti at bahagyang kinakamot ang likod ng ulo ko.

"Reto mo naman sa akin oh, ilang buwan na rin akong single eh. Tsaka siya 'yung ideal type kong babae." Sabi niya sa akin habang nakayuko, nagblablush ba 'to? Natatawa tuloy ako.

"Wala, hindi siya pwede ngayon." Sagot ko sa kaniya.

"Bakit naman?" Tanong niya.

"As of now kasi ayaw niya raw muna, nagmomove-on pa lang eh." Sabi ko.

"Sayang naman, pero if ever gusto niya ng someone na magmend ng broken niyang puso. Reto mo ako ha." Sabi niya sa akin, tumango lang ako roon at pinagpatuloy na ang paghahike.

Almost one hour kaming nagtrek at hike para maka-abot dito sa tuktok kung saan merong camping site. 8:54 PM, pagtingin ko sa wrist watch ko. Late na rin pero hindi pa kami nakakakain, nagsama-sama lahat ng campers sa isang bonfire. Lahat ay may dala nang lutong pagkain, share-share kami kaya inilabas na rin namin 'yung binili namin ni Jane na barbeque at vegetable salad kanina. Masayang nagsalo-salo lahat ng campers, may usap-usap, tawanan, kantahan, at may sumayaw pa.

Mabilis lumipas 'yung oras hanggang isa-isang nagsi-alisan ang mga tao papunta sa mga tents nila. Apat na lang kami ngayon sa harap ng bonfire.

"Kunin ko lang 'yung marshmallows at graham crackers." Sabi niya sa akin at tumayo na siya at pumunta sa direksyon kung saan nakatayo 'yung tent namin.

"Sige." Sagot ko sa kaniya.

"Alam mo bagay kayo." Sabi nung babae na nasa kabilang side ng apoy, nung makaalis na si Jane.

"Ok nga." Pagsang-ayon naman nung lalaking na sa tabi niya.

"Talaga ba?" Kunwaring 'di makapaniwalang tanong ko sa kanila.

"Oo kaya, tinitignan namin kayo kanina nung kumakain lahat dito, para kayong magjowa." Sabi nung lalaki.

"Nakakatawa nga kayo eh, sobrang cute niyo. Lalo na nung nag-aaway kayo sa pagkain." Patawang sabi nung babae.

Hindi na ako nakasagot kasi dumating na rin si Jane pero 'di ko alam bakit pero hindi maalis sa mukha ko ang ngiting idinulot nung mga sinabi nila.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan, kain na." Sabi niya sa akin habang inaabot 'yung s'more na ginawa niya.

"Wala, wala, ang sarap lang kasi sa feeling 'yung ganito. Makalimot." Sabi ko sa kaniya habang kinukuha 'yung inaabot niya sa akin.

"Oo nga ano, ngayon ko lang narealize na sa buong araw na 'to ni hindi ko siya namention, except nung sa Rico's." Sabi niya sa akin habang nakangiti.

Tumagal pa kami roon hanggang kami na lang 'yung naiwan. Malamit na maghating gabi, may inilatag kaming kumot sa lupa para makahiga kami at para makita namin 'yung langit na punong-puno ng mga bitwin.

"Ang ganda." Sabi niya habang nakatingin siya sa langit.

"Oo nga, ang ganda." Sabi ko naman habang nakatingin sa kaniya.

"Salamat ha?" Sabi niya sa akin, tumingin siya sa akin at nagkaroon kami ng eye contact.

"Para saan?" Tanong ko naman habang hindi pinuputol 'yung tinginan namin.

"Kasi sinamahan mo ako at isinama rito, kahit sa maikling panahon, naramdaman ko na pwede pa rin pala akong maging masaya." Sabi niya sa akin, alam mo dapat magthank you rin ako sayo pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin.

"Wala 'yun." Sabi ko na lang sa kaniya habang bamalik ako sa pagtingin ko sa mga bitwin.

Hindi ko alam kung hanggang anong oras kami roon, ang huling naalala ko na lang ay nag-uusap kami tungkol sa mga bitwin at mga constellation nang nakatulog na kami roon at hindi na sa tent.

The Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now