Natapos din siya kumain. Sa wakas makaka-alis na kami. Kanina ko pa talaga gustong umalis, hiyang-hiya na talaga ako rito, una sa bar, sa arcade at ngayon dito? Wala na ata akong maihihiya pa dahil sa babaeng 'to.
"Cr lang ako saglit." Sabi niya sa akin, tumayo na siya at dumeretso na sa cr.
"Cr lang ako saglit." Pabulong na sabi ko, ano ka cr kaya cr lang ako sinabi mo? Kainis, bilisan niya sana para maka-alis na kami.
"Kuya." Sabi nung dalaga sa kabilang table habang kinakalabit ako. "Alam mo ang cute niyo po ni Ate na pumunta sa Cr, kayo po ba?" Tanong niya sa akin, bakit ba naiisip nilang kami eh wala namang kami?
"Ah hindi, kaibigan ko lang 'yun." Sagot ko naman habang kunwaring tumatawa.
"Bagay po kayo." Sabi niya sa akin, 'di na niya siya ulit nagsalit kasi andiyan na pala si Jane.
Lumabas na kami at pumunta na pabalik kay Clover. Pagkapasok namin ay pinaandar ko na siya agad at dumeretso na papuntang NTJ.
"Sakit ng tiyan ko, pero solve na solve ako roon ah." Sabi niya habang hinihimas-himas 'yung tiyan niya.
"Paanong hindi sasakit 'yang tiyan mo eh antakaw mo." Sabi ko sa kaniya. "Siguraduhin mong hindi magiging sagabal 'yan mamaya sa NTJ." Dagdag ko pa.
"Ano ka ba, hindi 'yan. Think positive." Sabi niya sa akin habang hinihimas pa rin tiyan niya.
Inirapan ko lang siya, kita mo nakukuha ko na rin mga irap-irap niya. Ilang minutes lang rin ako nagdrive tapos nakarating an rin kami agad. Mabilis lang kasi wala hindi rin naman kalayuan 'tong NTJ sa Rico's.
Nagregister na agad kami para sa activities na gagawin. 5 in 1 'yung pinili ko which means gagawin namin lahat ng activities na ino-offer nitong NTJ. Mamaya pa naman magsisimula kaya pumunta muna kami sa dagat para makapagswmming muna.
"Excited na ako." Sabi niya habang papunta siya sa banyo para makapagbihis na. Biruin mo 'yung kinuha niya na 'yung gamit at iniwan na ako rito.
"Hoy, na sa 'yo 'yung gamit ko." Sabi ko sa kaniya habang hinahabol siya.
"Ha?" Tanong niya sabay kalkal sa shopping bags na hawak niya. Agad niya ring ilinabas ang mga gamit ko roon at inabot na rin sa akin, sa sobrang excited niya binitawan niya na agad kaya heto ako ngayon pinupulot ang mga ito sa sahig.
"Kita mo 'to." Sabi ko habang nakangita at shineshake ang ulo ko dahil sa kaniya.
Dumeretso na ako sa banyo ng mga lalaki para makapagbihis na rin. 'Yung mga damit ko ilinagay ko sa isa pa na shopping back na naiwan dito sa pick up ko. After nito pupunta ulit kami sa mall para bumili ng mga gamit for camping, tapos bukas saan kaya kami next pupunta? Tanong ko na lamang sa sarili ko habang isinasara ang pintuan ni Clover.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa dagat at pagdating ko roon ay nandoon na siya nagtatampisaw. 'Di man lang ako hinintay nito, nagswimming agad.
"Hindi man lang naghintay." Pasigaw na sabi ko sa kaniya habang naglalakad papunta sa kaniya.
"Eh antagal mo eh, kaya ito, nauna na ako." Sabi niya sa akin. Malapit na ako sa kaniya ng bigla niya akong binuhusan ng tubig.
"Ikaw ha." Sabi ko habang patakbong pumunta sa kaniya, kala mo ha, nagcannon ball ako malapit sa kaniya kahit medyo mababaw 'yung tubig.
"Hoy ang gago mo naman." Sabi niya habang humihinga ng malalim, sapol siya ng malaking splash ng tubig sa mukha. Karma at its finest sabi ng isip ko habang tinatawanan 'yung itsura niya.
"Karma 'yan." Sabi ko habang winiwisik-wisikan ko siya ng tubig dagat.
"Tama na, ang alat kaya." Sabi niya habang bumabawi naman ng wisik.
"Sana inisip mo 'yan bago mo ginawa 'yun." Sabi ko habang nagdive ulit ako sa kanya para gumawa ng stunt na napapanood ko sa WWE. Itinapat ko sa dibdib niya 'yung kamay ko atsaka ko siya inilublob sa tubig. Demonyo na kung demonyo, minsan lang ako makapag-enjoy ng ganito.
Sobrang laki ng hingang ginawa niya pag-ahon niya sa tubig.
"Tangina mo!" Sabi niya habang pinupunasan ang mukha niya at pa-ubo-ubo.
"Hahaha." Malakas na tawa ko, 'yung itsura niya nung umahon siya 'di ko kinaya. Tawang-tawa pa rin ako sa kaniya. Hawak-hawak ko na ngayon 'yung tiyan ko sa sobrang sakit.
"Gago ka! Ako naman babawi ngayon!" Sabi niya habang papapunta siya sa direksyon ko. Triny niya gawin sa akin 'yung ginawa ko pero mas malakas ako kaysa sa kaniya kaya in the end siya rin ang inilublob ko sa tubig.
Tawang-tawa ako sa kaniya pero siyempre hindi masaya kapag siya lang laging nailulublob kaya nagkunwari na lang akong nailublob niya ako sa sumunod na try niya. Nagtatawanan kami at naglalaro sa dagat, nagpapakasaya na akala mo wala ng susunod na bukas.
YOU ARE READING
The Rainbow After The Rain
RomanceA poem I once encountered... Here comes the rain, There fall the rain drops, As the water touches you, As you feel your body get wet, Every droplet of it feels comforting, And you start to...