Tumawa lang ako sa itsura niya na sa tingin ko ikinainis niya.
"Makatawa kala mo naman sexy." Sabi niya sa akin habang iniirapan ako.
"Wow, so sexy ka? Kita mo ngang may bilbil ka pa oh. At least ako may abs." Sabi ko na sa kaniya habang tinuturo 'yung bilbil niya.
"Alam mo ikaw, putangina mo talaga. Edi ikaw na may abs." Sabi niya sa akin. "At least ako maganda." Dagdag niya habang ginagawa niya sa buhok niya 'yung ginagawa ng mga artista sa mga shampoo commercials.
"Maganda ka nga pero mahal ka ba niya?" Sagot ko naman sa sinabi niya.
"Alam mo ikaw isa pa na banat na ganiyan puputulin ko na talaga dila mo." Sabi niya sa akin. "Magsalita ka eh kahit nga ikaw 'di naman mahal eh, may abs nga pinagpalit naman." Banat niya.
"Ouch." Sabi ko habang kunwaring hinahawakan ko 'yung dibdib ko na parang kumikirot.
Nagtawanan lang kami dahil doon. Pero sa totoo lang medyo nasaktan ako roon sa banatan namin ng salita pero hinayaan ko na lang. Namili pa siya ng ibang kulay at designs, triny niya pa nga mag-one piece eh pero sa huli 'yun ding unang sinuot niya 'yung pinili niya. Ganito ba talaga mga babae? Dami-daming napili't sinuot pero 'yung pipiliin 'yung una rin namang sinuot. Almost 30 minutes siyang namili para lang sa isang swim suit, ako namili lang ng kulay tapos na.
"Thank you Sir. Enjoy your date sa beach." Sabi sa amin nung cashier nitong shop.
"Ah, hindi po kami. Magkasama lang po kami pero walang kami." Sabi ko naman sa cashier.
"Oo ate, tsaka aanhin ko naman 'yan? Eh marami naman akong manliligaw na mas gwapo diyan." Sabi niya naman.
"Ganoon ba? Sorry ha? Nakakahiya naman sa 'yo na walang pambayad at nagpapalibre lang." Sagot ko naman, tinatawanan na kami nung cashier.
"Edi wow, ikaw na maraming pera." Sabi niya sabay hablot nung bikini niya.
"Sige po Sir and Ma'am, enjoy your stay na lang po rito sa Cebu." Sabi ng cashier habang pinipigilan niya 'yung pagtawa niya.
"Hindi raw sila pero parang magjowa naman." Bulong nung kasama niya na hindi ko na lang pinansin. Mukhang magjowa ba kami? Parang 'di naman sa tingin ko. Winala ko na lang ang mga naiisip ko at sinundan na 'tong babaeng 'to.
"Saan ka pa pupunta?" Tanong ko sa kaniya habang sinusundan pa rin siya.
"Kailangan ko ng Cardigan, nakakahiya naman kasi may 'bilbil' ako." Sabi niya habang binibigyan niya ng diin 'yung salitang bilbil.
Pinigilan ko na lang 'yung tawa ko at sumunod na lang sa kaniya. Sinabihan ko siyang bilisan ang pagpili para makakain na rin kami at tsaka para makapag water activities na rin kami. Baka kasi umulan, hindi pa namin ma-enjoy, sayang naman.
Buti na lang mabilis siyang nakapili kaya agad rin kaming naka-alis sa mall. Pinaandar ko na agad si Clover para maka-alis na kami. Sa Rico's Lechon ko naisipan pumunta total malapit naman 'yun sa rito, tsaka para makatipid na rin sa gasolina, sayang naman kung sa mas malayo pa kami pupunta.
"Lechon, lechon, lechon." Pakantang sabi niya, ito talaga kanta ng kanta eh hindi naman maganda boses. "Lechon, lechon, masarap na lechon." Pagpapatuloy niya.
"Alam mo? Parang gusto ko kumain ng seafood. Tara na lang magseafood, tsaka na 'yang Lechon na 'yan. Nakakasawa na rin kaya." Sabi ko sa kaniya na may halong pagkaseryoso sa tono ng boses ko. Pero siyempre maglelechon pa rin kami, bibiruin ko lang siya.
"Ha?!?" Gulat na tanong niya.
"Sabi ko tara na lang magseafood." Sabi ko.
"Oo, narinig ko pero kasi, andiyan na oh. Matitikman ko na ulit 'yung favorite kong Cebu Lechon tapos ngayon sasabihin mong iba na lang?" Sabi niya habang nagpapout siya. Ano ka bata?
"Eh gusto ko eh. May problema ka ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala." Sabi niya sabay tingin sa labas. Nagtatampo ata 'to ah, alam niya kasing ako magbabayad kaya wala siyang magagawa. Paano ba naman kasi iniwan niya 'yung wallet niya para lang ilibre ko siya.
Nagpatuloy lang ako magdrive, hindi na rin siya nagsalita. Nagtatampo nga 'to, pero ang cute niya kapag ganiyan. Inopen ko na lang ulit ang radyo para magka-ingay naman sa loob ng sasakyan.
Malapit na kami sa Rico's pero hindi pa rin siya nagsasalita. Akala siguro nito seafood talaga ang kakainin namin eh. Pabungad na kami ng bigla niyang nakita 'yung malaking sign na nagsasabing nasa lechunan nga kami.
Nakatingin siya sa bintana na parang bata. Pinark ko na ang pick up at bababa na sana ng bigla siyang humarap sa akin at bigla akong niyakap.
"Thank you." Sabi lang niya at pinagpatuloy ang mahigpit niyang yakap sa akin.
YOU ARE READING
The Rainbow After The Rain
RomanceA poem I once encountered... Here comes the rain, There fall the rain drops, As the water touches you, As you feel your body get wet, Every droplet of it feels comforting, And you start to...