Chapter 7

61 9 0
                                    

"Sorry pero mas mahal ko siya." Sabi niya.

"Akala ko ba ako lang? Akala ko ba hanggang dulo tayo?" Tanong ko na lamang sa kaniya habang pinipigilan ang sarili kong umiyak.

"Sorry pero mas mahal ko siya." Ulit niyang sinabi. Tumalikod na siya at iniwan niya na ako. Narito kami sa favorite meeting place namin sa rooftop ng school pero ngayon, iniwan niya ako at mag-isa ko na lamang dito. Umuulan nung araw na 'yun at iniwan niya ako ritong mag-isa, basang-basa sa ulan.

Nagising na ako, panaginip lang pala 'yun. Bakit nga ba hanggang ngayon siya pa rin? Antagal na noon pero siya pa rin. Nasaan nga ba ako? Ah, oo, papunta pala akong Cebu ngayon kasama si Jane. Si Jane... tumingin ako sa babaeng na sa tabi ko, natutulog pa rin siya at nakasandal ang kaniyang ulo sa mga balikat ko. Bakit nga ba kita kasama ngayon? Bakit kahit minsan hindi ka inayawan ng instincts ko? Inalis ko na lang ang mga tanong na 'yun sa isipan ko. Tinignan ko ang relo ko at 1:19 AM ang oras na nakalagay rito, ilang minuto na lang lalapag na rin itong eroplano.

Dahan-dahan kong inalis ang pagkakasandal ng ulo ni Jane sa balikat ko para makatayo ako at makapunta sa banyo. Pagbalik ko sa seat namin ay gising na siya.

"Galing ako sa banyo." Sabi ko sa kaniya.

"Kaya pala wala ka, ginising ako ng flight attendant, malapit na raw lumapag 'yung eroplano." Sabi niya sa akin habang kinakamot ang mga mata niya.

Umupo na rin ako dahil sinabihan na rin ako ng flight attendant na dapat magready na at lalapag na nga eroplano. Mga ilang minuto rin at nakalapag na nga kami, unti-unti ring naubos ang mga tao sa eroplano at nakalabas na rin kami. Pagkatapos namin makuha mga bagahe namin ay agad rin kaming lumabas para humanap ng taxi na masasakyan.

"Kuya, East Poblacion po sa Naga." Sabi ko sa driver.

"Ok sir." Sabi niya at nagsimula na siyang magmaneho.

Isang oras pa ang biyahe kaya natulog ulit si Jane. Biglang may speed bump na nadaanan si Kuyang driver na ikinagulat ko, muntik na masubsob si Jane, buti na lang at nasalo ko agad siya bago pa man mangyari 'yun. Isinandal ko na lamang ang ulo niya sa balikat ko upang makatulog siya ng maayos.

Nakatingin ako sa labas ng bintana at tumitingin-tingin. Kahit pala isang taon akong nawala, wala gaanong nagbago rito. Mamimiss mo rin pala kung saan ka lumaki kapag hindi ka na nakakapunta rito. Sayang at wala na rin kasi akong dahilan para magstay rin dito, maganda na ang buhay ko sa America eh.

"Sir, Sir, saan po kayo rito?" Tanong ni Kuyang driver na gumising sa akin, naka-idlip ata ako.

"Kuya iliko niyo ho riyan." Sagot ko sa kaniya habang humihikab, iliniko nga ni Kuya kung saan ko itinuro. Sinabi ko sa kaniya ang direksyon at nakarating na rin kami.

"Ibababa ko lang po mga bagahe niyo." Sabi ni Kuyang driver habang papalabas ng sasakyan, tumango na lamang ako sa sinabi niyang iyon.

"Jane, hoy, gising na. Nandito na tayo." Paggigising ko sa kaniya habang nakasandal parin ang ulo niya sa balikat ko.

"Ah, ano?" Gulat niyang tanong, nagising na siya sa wakas.

"Andito na tayo, tara na labas." Sabi ko sa kaniya at nag-ayos na nga siya. Lumabas na rin kami at kinuha ang mga bagahe kay Kuyang driver.

"Kuya heto ho." Abot ko sa bayad namin sa kaniya.

"Salamat po Sir." Pasasalamat niya, tumango na lang ako at umalis na siya.

"Bahay mo 'to?" Tanong ni Jane sa akin.

"Oo, tara pasok, pagpasensiyahan na kung medyo madumi sa loob. Hindi ko kasi alam kung nilinis ba 'to ni Manong Jun, care taker nitong bahay." Sabi ko sa kaniya habang naglalakad na kami papasok.

Hindi naman ganoon kadumi ang bahay, in fact mas malinis nga ito sa inaasahan ko. Parang wala pa ring nagbago nung huling nandito ako. Nakakamiss talaga.

"Ang laki nito ah, mag-isa mo lang dito?" Tanong niya sa akin.

"Oo, wala na kasi mga magulang ko eh, gaya mo, only child lang din ako. Sa busy kasi nila Mama at Papa noon hindu na sila nagkatime na sundan ako." Sabi ko sa kaniya.

"Sorry." Sabi niya sa akin.

"Ok lang 'yun, highschool ako noon nung iniwan kami ni Papa, inatake kasi siya sa puso. Tapos 2 years ago naman nung sumunod si Mama sa kaniya, inatake rin siya sa puso kaya ayun." Kwento ko sa kaniya.

"Sorry." Sabi niya ulit.

"Ano ka ba, ok lang sabi." Sabi ko sa kaniya.

Umakyat na kami para iayos ang mga gamit namin, may guest room naman dito kaya roon na lang muna siya mag-iistay for the mean time. Pagkatapos ko iayos ang gamit ko sa kuwarto ay tinignan ko siya sa guest room.

"Gutom ka ba? Gusto mo kumain?" Kumatok muna ako sa pinto bago ko siya tinanong.

"Sige ba, basta libre mo." Sabi niya sa akin. Libre ko? Eh ako nga lahat ang gumastos sa lahat ng oras na magkasama kami eh. Sa pamasahe niya galing airport hanggang sa pagkain at sa tickets. Itiniwa ko na lang ito at nag-order na ng pagkain.

The Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now