Nakabalik na kami sa hotel at iniisip ko ang sinabi niya kanina. Gusto raw niya pumunta sa Cebu, tiga-Cebu ako, kung pupunta kami roon, hindi na namin proproblemahin ang bahay na tutuluyan. Sabi niya naman kanina sa bar, only child raw siya at tsaka nasa U.S. na rin ang mga magulang niya kaya wala rin naman siyang mauuwian dito sa Pilipinas kundi 'yung ex niya lang.
"Tara sa Cebu?" Tanong ko sa kaniya pero tumawa lang siya, anong nakakatawa roon?
"Sure ka? Ok lang sa 'yo?" Tanong niya sa akin.
"Oo naman, tiga roon ako eh." Sagot ko sa kaniya.
"Ano pang hinihintay natin? Tara na!" Masayang sabi niya, kita mo 'to, pupunta rin pala. 10:03 PM pa lang kaya meron pa 'yung midnight flight.
Nagready na muna kami, nauna na ako sa shower at dali-daling naligo. Mga ilang minuto rin ako sa banyo at pagkatapos ko ay nagbihis na ako agad, hindi naman ako ganoon kalasing dahil hindi rin naman karamihan ang ininom kong alak kaya na sa tamang pag-iisip pa naman ako.
"Hoy, Jane, gising! Ikaw na susunod sa banyo." Paggising ko sa kaniya habang siya'y humihilik na. Alam kong marami pa kaming oras at sure na makakapunta kami dahil agad-agad rin akong nagbook ng tickets kanina pagkatpos namin mag-usap.
"Oh, wait lang. 'Naantok na ako." Inaantok na sabi niya. Itinayo ko na siya at tinulungan maglakad papuntang banyo. Kumuha ako ng tuwalya galing sa isa sa mga cabinets dito sa kuwarto at isinabit ito sa balikat niya. Pagdating namin sa banyo ay winisikan ko siya ng malamig na tubig sa mukha..
"Ano ba! Malamig!" Gulat na sabi niya.
"Bilisan mo, nakabook na ako ng tickets natin papuntang Cebu kaya kung gusto mo kumain ng paborito mong Lechon, magready ka na." Sabi ko sa kaniya na sa tingin ko ay medyo gumising sa kaniya kaya lumabas na ako para makaligo na rin siya.
"Huwag kang titingin." Agad niyang sabi paglabas niya sa banyo. Mga 20 minutes rin siya sa banyo bago siya lumabas. Nakatuwalya lang siyang lumabas kaya tumalikod ako agad. Kumuha siya ng mga damit at bumalik rin sa banyo para magbihis.
Inayos ko na ang mga gamit namin, agad rin kaming bumaba pagkatapos niya makapagbihis. Sinabihan namin ang nagbabantay sa lobby na aalis na kami at binayaran namin ang one day stay namin roon kahit hindi man kami mag-iistay roon ng isang araw.
"Kuya sa Airport po." Sabi ko sa taxi driver ng taxi na napara namin. Inayos ko na ang maleta na dala namin sa likod at sumakay na rin ako.
"Hindi ako makapaniwalang pupunta talaga tayong Cebu ngayon." Sabi ni Jane.
"Ako rin, lalo na kasama kita." Pagtatakang sabi ko, hindi ko rin alam pero dahil rin siguro sa nangyari sa kaniya kaya magaan para sa akin na kasama siya.
"Bakit kaya ano? Sa totoo lang magaan loob ko sa 'yo kaya okay lang sa aking kasama ka." Sabi niya habang nakatingin sa bintana ng umaandar na taxi.
Wala nang nagsalita pagkatapos ng usapan na 'yun at nagpatuloy 'yun hanggang sa makarating kami sa airport. Ako na ang nagbayad sa taxi, pagkatapos ay pumasok na kami. 11:32 PM na, mga ilang minutes na lang flight na namin kaya agad na kaming pumasok para magcheck-in.
"Sa midnight flight po kami papuntang Cebu." Sabi ko sa officer.
Pagkatapos namin icheck-in ang mga luggages namin ay nagboard na rin kami sa eroplano. Naghanap na kami ng available seats na ma-uupuan. Wala rin namang masyadong tao sa flight kaya maraming free spaces.
"Talagang pupunta nga tayong Cebu." Pabulong na sabi ni Jane.
"Ha?" Tanong ko sa kaniya dahil hindi ko masiyadong narinig.
"Sabi ko talagang pupunta nga tayong Cebu." Malinaw na sabi niya.
"Sinabi mo na 'yan kanina, tsaka gusto mo kasi eh, tsaka tamang-tama at tiga roon ako." Sabi ko sa kaniya.
Mga ilang minuto ang nakalipas at umalis na rin kami. Mga 1 hour and 30 minutes rin kami rito kaya naisipan ko munang umidlip. After siguro ng ilang minuto nagising rin ako dahil umiiyak na naman 'tong si Jane. Tinitignan niya ang mga pictures nila nung ex niya, mahal talaga niya 'to, eh kahit wala na sila 'di pa rin niya dinelete mga pictures nila.
"Iyung mga ibang pictures namin sa isa kong cellphone." Pabulong na sabi niya habang humihikbi, hanggang ngayon 'yun pa rin talaga iniisio niya. Natatawa tuloy ako.
"Umiiyak ka na naman." Sabi ko sa kaniya, na ikinagulat niya, akala niya siguro tulog pa ako.
"Hindi no, matulog ka na lang ulit." Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha niya.
"Paanong hindi ka umiiyak eh anlakas kaya ng hikbi mo kaya nga ako nagising tapos inuutusan mo 'kong matulog ulit? Tsaka bakit mo pa kasi tinitignan mga litrato niyo eh wala naman na kayo?" Sabi ko sa kaniya na mas lalong nagpa-iyak sa kaniya.
"Eh mahal ko siya eh." Sagot niya.
"Mahal ka pa rin ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Tangina mo ha, akala mo naman kung sino 'to, close tayo? Sige paalala mo pa." Sagot niya sa akin, mga babae talaga minsan ang hirap igets.
"Hindi tayo close, oo, pero 'yung kung mahal ka pa rin ba niya, hindi na." Pabirong sabi ko.
"Tangina talaga nito." Sabi niya sa akin na may kasamang palo sa balikat.
"Aray!" Gulat na sabi ko, medyo nalakasan ata niya ang palo.
"Bawi ko 'yan sa mga sinabi mo, matutulog na lang ako." Sabi niya at tuluyan na nga siyang natulog. Triny ko na rin matulog dahil may isang oras pa naman bago kami makarating sa Cebu.
YOU ARE READING
The Rainbow After The Rain
RomanceA poem I once encountered... Here comes the rain, There fall the rain drops, As the water touches you, As you feel your body get wet, Every droplet of it feels comforting, And you start to...