Chapter 4

78 9 0
                                    

Lumabas na kami at bumaba na papuntang ground floor. Jane pala ang pangalan niya, Jane Andres.

"Chris, Chris Santos." Pagpapakilala ko habang inaabot ang kamay ko sa kaniya para kaniyang kamayin. Tinanggap niya ito at hindi na ulit nagsalita pa.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko sa kaniya.

"Kahit saan, hindi naman ako maarte sa pagkain eh." Sagot niya.

"Ok." Sabi ko na lamang.

Bumukas na ang elevator at lumabas na kami. Tinanong rin pala namin 'yung nagbabantay sa lobby kung ok lang na magshare kami sa room. Pwede raw pero 'yung bayad buo bawat isa, hindi kami maghahati sa bayad. Ok na rin siguro 'yun, pagkatapos eh lumabas na rin kami para maghanap ng makakainian. Marami naman sigurong restaurant dito na mapagpipilian. 7:24 PM, oras noong chineck ko ang aking relo. Medyo maaga pa pero tama lang ang oras para magdinner na. Naglakad pa kami konti at nakahanap din kami ng makaka-inan. Pumasok na kami agad at naghanap na ng table.

Ang weird nito kasi hindi ko siya kilala pero bakit ganoon? Parang ok lang sa akin na samahan siya at makasama siya? I just shrugged the thoughts at namili na ng kakainin dahil narito na ang waiter.

"Sir, Ma'am, what's your order?" Tanong ng waiter.

"Ah, Lechon Paksiw ho sa akin kuya." Sabi ko sa waiter. "Ikaw? Ano sa 'yo?" Tanong ko kay Jane.

"Ganoon na lang rin po sa akin." Sagot niya.

"Ok, how about your drinks?" Tanong ng waiter.

"Ah, give us both pineapple juices na lang." Sabi ko sa waiter, hindi naman tumangi si Jane kaya ok na siguro.

Ilang minuto pa ay dumating na ang pagkain namin. Mukhang masarap ang pagkain at mukhang sosyal pa dahil sa pagkaka-ayos. Tinignan ko si Jane pero parang naiiyak na naman siya.

"Oh? Bakit parang naiiyak ka na naman? May problema ba sa pagkain?" Tanong ko sa kaniya, iiyakan niya na lang ba talaga lahat?

"Favorite ko kasi ito eh, ito 'yung lagi niyang linuluto at binibili para sa akin, kahit 'yang pineapple juice, favorite niya 'yan. Lagi ko siyang inuuwian ng pinya kapag galing ako noon sa trabaho." Sabi niya at kaniyang tinakpan ang kaniyang mukha. Iiyak nga na naman ata ito.

"Wait, teka nga, bakit ba kanina ka pa umiiyak? Broken hearted ka ba? Kasi kung hindi, hindi naman ganiyan mga sasabihin mo eh." Sabi ko na lamang habang kumakain, ang sarap nung Lechon Paksiw.

"Pwede mamaya na lang natin pag-usapan? Kumain na lang muna tayo, tsaka hindi tayo close kaya huwag kang FC." Sabi niya, ouch, parang sobra naman 'yun, nagtatanong lang naman ako.

Hindi na lang ako nagsalita ulit at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Nakakamiss kumain ng Lechon, bakit nga ba hindi ganito kasarap ang Lechon sa America. Kapag kasi roon, hindi ganito ang lasa, iba pa rin talaga kapag dito sa Pilipinas eh.

Nakakain naman siya ng maayos kaso minsan kailangan niya ng tissue at sinisipon siya kaiiyak niya. Tsaka I find it weird talaga na andito akong kasama siya. Kung ibang tao 'to? Siguro kanina pa lang sa hotel room umalis na ako.

Ilang minuto pa ang lumipas ng matapos rin kaming kumain. Binayaran ko na ang bill kasi wala namang pera 'to eh, kung meron man I insisted na ako na magbayad. Wala na rin siyang magagawa kasi inabot ko na 'yung bayad sa waiter eh.

"Tara na sa hotel?" tanong ko sa kaniya.

"Ayaw ko muna, parang gusto ko munang uminom." Sagot niya, right, typical brokenhearted shit, uminom.

"Ok, hintayin na lang kita sa hotel, may susi ka naman kaya makakapasok ka naman kahit mauna na ako roon." Sabi ko habang papa-alis na pero hinila niya damit ko sa likod.

"Samahan mo ako, please. Hindi rin kasi ako ganoon kapamilyar sa lugar kaya baka mawala ako." Sabi niya, akala ko ba hindi kami close tapos ngayon nagpapasama siya sa akin? Pero ok lang, namiss ko rin namang uminom eh. 'Di kasi ako maka-inom ss America at busy ako palagi sa trabaho roon.

"Sige na nga." Sagot ko sa kaniya at naghanap na kami ng bar na pwedeng puntahan.

May nahanap kami na malapit rin sa hotel, medyo konti pa lang ang tao kasi maaga pa naman. 8:37 PM na pagtingin ko sa relo ko, mas ok na 'yung ganito dahil hindi ganoon kaingay, pero mamaya kapag mas naging late na, sure ako rarami na ang tao rito.

"Kuya pahingi nga po ng beer." Sabi niya sa bar tender.

"Ikaw Sir?" Tanong nito sa akin.

"Ganoon na rin." Tipid kong sagot.

Nagtanong pa ang bartender sa ibang customer at tsaka siya nag-ayos ng gagamitin niya sa mga orders.

"Mapunta nga tayo sayo, ano bang prinoproblema mo?" Tanong ko kay Jane habang hinihintay ang order naming drinks.

Pumikit siya at huminga muna ng malalim. Baka umiyak na naman 'to, sana naman hindi, nakakahiya.

"Ganito kasi 'yan." Pagsisimula niya at tumango lang ako para makinig.

The Rainbow After The RainWhere stories live. Discover now