Noong bata pa ako,
Naniniwala akong ako'y mapalad.
Mapalad kahit wala na ang ama,
Mapalad kahit wala na ang ina,
Mapalad kahit walang kanang paa,
Mapalad kahit ako'y ulila na.Hindi ako nawalan ng pag-asa na ako'y mabubuhay pa,
Hindi ako nawalan ng pag-asa, at ako'y nagsumikap pa.
Kahit musmos pa lamang, maraming trabaho ang aking tinahak na.
Naranasan kong ako'y manirahan sa isang walang buhay na kalsada,
Na tanging mga saksakyan lamang ang dumadaan,
Ni wala man lang tumulong sa akin noon pa man.Humawak ako sa patalim,
Upang hindi lang gutumin.
Ang mundo ko'y naging madilim,
At ako'y naging sakim.Ngunit dumating Ka,
Dumating Ka nung nawalan ako ng pag-asa.
Dumating Ka nung ako'y natutulog sa kalsada.
Dumating Ka na nagsilbing liwanag ng mga tala.
Dumating Ka at ako muli'y naging masaya.
Dumating Ka at ang buhay ko'y nagbago na.Ikaw ang nagpunas ng mga luha ko,
Ikaw ang Siyang nagpabuhay muli ng puso ko,
Ikaw ang Siyang nagbigay pag-asa sa buhay ko.Sa buong buhay ko,
Akala ko malas ako,
Napakapalad ko palang tao.
Simula nang dumating Ka,
Binigyan Mo ng kulay ang buhay ko.
Ipinabatid Mo sa akin na mahalaga ako sa mundong ito.Patawarin Mo ako kung sa una'y ako'y nagbulag-bualagan.
Patawarin Mo ako sapagkat hindi Kita nasilayan.
Patawarin Mo ako kung ngayon ko lamang ito napagtanto.
Na sa una palang, nandiyan ka na sa tabi ko.Maraming salamat sa Iyo,
Sapagkat ako'y tinuruan Mong bumangon muli.
Tinuruan Mo ang puso kong magmahal muli.
Binihag Mo ang puso kong hindi na nagkubli.Aking sinta, sana huwag Ka nang magtaka,
Kung bakit ako nagmahal bigla.
Ewan ko pa kung bakit ito ang aking nadama,
Ang alam ko lamang ay mahal na mahal na Kita.Hindi Ka dumating sa buhay ko upang Ika'y aking ibigin,
Dumating Ka sa buhay ko upang ipabatid Mo sa akin,
Na ako'y nararapat lamang na mahalin.
Pero, ako rin sana'y Iyong patawarin,
Kung ang Iyong pagmamahal ay hindi kayang tumbasin.Hindi ko na alam ang gagawin,
Kahit na ako'y makasalanan, ako'y tatanggapin.
Sa Iyong mga kamay na maaawain,
Na walang ibang gagawin, kundi ako'y iibigin.Maraming maraming salamat sa iyo, O aking Ama,
Iniibig at pinupuri Kita.
BINABASA MO ANG
Tibok ng Puso
PoetryKoleksiyon ng aking mga tula patungkol sa pag-ibig (maliban sa bayan) at ibang personal na bagay sa aking buhay.