Akala

2 0 0
                                    

Ang lahat ay nagbabago,
Pati na rin ang puso mo.
Akala ko ba magkaibigan tayo?
Hindi naman pala totoo.

Sarap balikan ang nakaraan,
Kung saan akala ko tayo pa rin hanggang sa walang hanggan.
Oo nga pala, akala ko lang yun,
Kasi lahat ng bagay ay winawakasan.

Bakit ka ganiyan?
Bakit kay dali mong mang-iwan?
Oo nga pala, hindi mo ako iniwan.
Akala ko lang pala yun,
Pero bakit kasi parang ganoon na rin yun?

Sawa ka na ba sa akin sinta?
Sawa ka na ba sa ating pagsasama?
Sawa ka na bang kausapin kita sa tuwina?
Bakit kasi kay dali mong magsawa?

Akala ko ba kahit anong pagsubok ay ating pagdadaanan?
Pero bakit ka ganiyan?
Kahit magkalapit tayo, para mo na akong iniwan?
Naging totoo nga ba kitang kaibigan?

Andaming Akala sa aking isip sa tuwina,
Simula noong nanlamig ka't hindi na tayo ganoon kadalas magsama,
Simula noong may nagawa lang akong mali sa'yo,
Bigla ka na lang agad nagsawa't sumuko.

Kakanta ako ng "Kahit ayaw mo na",
Tapos sasagutin mo ako, "Hindi na nga".
Siguro nga ito na ang panahon upang tayo'y magkahiwalay na,
Pero, sinasabi ko sa'yo na lalabanan ko pa rin 'to, sinta.

Gusto ko lang kita'y tanungin,
Kahit masakit, ang sagot mo'y aking tatanggapin.
Gusto mo pa bang ituloy itong ating pagkakaibigan?
O hanggang dito na lang?

Tibok ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon