M ayamungmong tulad ng mga puno
A ng pagsasamang sa pagmamahal ay punong-puno.
R espeto at pag-unawa sa isa't isa:
R urok ng bundok ng kanilang pagsinta.
I pinagpatuloy ang pag-iibigan, bagamat nalaman na nila
A ng kapintasan at kamuhian ng bawat isa.
G ipalpal ang kanilang samahan ng pag-irog na totoo;
E uphoria ang patutunguhan ng pag-iisang dibdib na ganito.

BINABASA MO ANG
Tibok ng Puso
PoésieKoleksiyon ng aking mga tula patungkol sa pag-ibig (maliban sa bayan) at ibang personal na bagay sa aking buhay.