Bituin

4 1 0
                                        

Kay sarap pagmasdan ngayon ng mga tala sa langit
Kasing tamis ito ng iyong mga ngiti
Kay lamig ng simoy ng hangin,
Sinlamig ng pag-uusap natin.

Sobrang dami sa langit ng mga bituin,
Tulad ng pintig ng puso ko t'wing ika'y kapiling.
Ngunit ito'y 'di ko kayang abutin,
Parang ikaw, hindi pwedeng mapasaakin.

Halika, tayo'y humiga
Sa ilalim ng mga tala.
Ako ay kakanta
Hanggang sa ika'y makatulog na.

Aawit ng maraming awitin
Maraming tula ang aking bibigkasin.
Makikinig tayo sa lumang tugtugin.
Sabay tayong magpapatangay sa hangin.

Tara doon tayo sa alapaap.
Mamahalin mo ako, mahal kita 'pagkat.
Tapos pagtagal ikaw ay lilisan
Sa ere mo ako mag-iisang iiwan.

Para kang bituin:
Napakaganda,
Ngunit kay hirap abutin.

Tibok ng PusoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon