Ang Lamesa

2 0 0
                                    

Matatamis na ngiti sa ating mga labi,
At mga nagsisitawanang mata,
ay iilan lamang sa makikita mo sa lamesang ito.
Hagikgik ng bawat isa,
Jokes kong Mais pero nakakapagpatawa,
Mga ibinabahaging istorya ng buhay nila,
At mga asarang nagpapakita na mahal na mahal nila ang isa't isa,
Ay iilan lamang sa maririnig mo dito sa lamesa.
Lamesang kung saan nabuo ang isang pagkakaibigan,
lamesang kung saan tayo'y nagsitawanan,
at lamesang naging saksi sa lahat ng ating kalokohan.
Ngunit nasaan na nga ba ito?
Bakit wala na tayo dito?
Sapat nga bang dahilan ang pagkawala nito upang magkalayo tayo?

LIMANG BUWAN
Limang buwan kung kailan tayo'y nagsihalakhakan,
Limang buwan kung kailan tayo naging matatalik na magkakaibigan,
Limang buwan kung kailan nagbago ang buhay natin noon pa man.
Pero hanggang dun ba na lang?
Wala ba kayong balak na ituloy ito sa magpakailan pa man?

Kasi ako, oo.
May balak ako na ituloy ito,
May balak ako na ituloy ito hanggang sa dulo ng walang hanggan,
May balak pa akong ituloy ang ating nalimutang samahan,
Ang pagkakaibigan sa loob ng limang buwan.

Sa inyo ko natunghayan ang tunay na samahan ng pagkakaibigan,
Sa inyo ko naramdaman kung paano magkaroon ng tunay na kaibigan,
Sa inyo ko natutuhan na mahalaga rin na makipagkaibigan.
Pero siyempre,
Sa inyo ko rin naranasan kung gaano kasakit maramdaman yung tipong wala ka nang kaibigan.

Nais ko lang naman ninyo malaman ngayon na,
May nalaman akong kakaiba.
May nalaman akong masakit talaga siya.
Sabi kasi nila,
Yung iba sa ati'y nag-iibang landas na.

MASAKIT
Oo, masakit para sa akin,
Masakit para sa akin na mawala kayo sa'kin,
Masakit para sa akin na makita ko ang mga kaibigan ko na may iba na.
Isa kasi akong selosang tao na makipag-usap ka lang sa iba'y ako'y magseselos na.
Paano pa kaya kayong nakikipagkaibigan pa?
Alam kong may mali rin ako,
Alam kong minsan hindi niyo ako gusto.
Pero ang nais ko lang naman na malaman ninyo,
Ay kahit na anong gawin niyo sa akin na ikasasama ng loob ko,
Hinding-hindi ko kayo malilimutan at parati kayong nandirito,
Nandirito sa puso ko.

Ayos lang naman para sa akin,
Ayos lang naman para sa akin na kayo'y lumisan,
Lumisan sa aking tabi't ating pagkakaibigan.
Alam ko naman kasing nasasawa rin kayo kung minsan,
Ngunit sana lagi kayong lumingon sa ating pinagsamahan.

PATAWARIN
Patawarin nawa ako ninyo,
Patawarin nawa ako kung hindi ko man natupad ang aking pangako,
Ang pangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ako magpapaapekto sa sasabihin ng iba,
Ngunit tila ang inyong mga kilos na ang nagsasabing,
Hindi niyo na rin gusto pang gawin,
Ang ituloy natin,
Ang masaya't walang-hanggang pagkakaibigan natin.
Hindi ko rin naman kayo masisisi,
Mismo si tadhana na ang nagsabi.
Siya na ang mismong naging dahilan kung ba't hinahantungan natin itong suliranin.
Malamang para sa inyo ito'y hindi suliranin,
Malamang para sa inyo ito'y simpleng bagay lamang na maaring lutasin.
Pero, sana nga.
Sana nga iniisip niyong kaya pa natin 'tong lutasin,
Kasi ako, umaasa ako rito.

Ayos lang naman para sa akin na sumama kayo sa iba,
At hindi ko ito ipoproblema.
Pero yung tipong pati ating pagsasamahan ay iwan na,
Naku! Mukhang hindi ko yata kaya.

Kaya aking mga kaibigan,
O pamilya na rin aking turing kung minsan,
Sana hindi niyo malimutan ang ating pinagsamahan,
Sa isang lamesang halos lahat nasaksihan,
Sa isang lamesang higit pa sa iba ang halaga't kahulugan,
Sa ating lamesa,
Ang ating Lamesa.

Tibok ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon