Naalala mo pa ba noong tayo'y magkaibigan pa?
Yung mga panahong wala tayong pinoproblema.
Yung mga panahong tayo ay magkaramay sa bawat pangyayari sa ating buhay.
Sana nga, naalala mo pa.
Ako kasi, Oo pa.
Tandang-tanda ko pa."Magkaibigan hanggang sa dulo ng walang hanggan."
Isang katagang sinabi mo sa akin dati.
Kung saan ako'y umasa na magkaibigan tayo magpakailanman.
Pero bakit ganoon?
Ngayon ko lamang napagtanto
Na may dulo pala ang walang hanggan."Walang iwanan."
Tandang-tanda ko pa,
'Yan ang iyong sinabi noong tayo'y magkaibigan pa
Ngunit nasaan ka na ngayon?Nakahanap ka na ng bago mong kaibigan.
Kung saan mo natagpuan ang bago mong kaligayahan.
Siguro nga hindi kita masisisi
Kasi maging ako rin naman,
Hindi marunong manguntento.
Bakit kaya ganoon tayong mga tao?
Hindi marunong manguntento sa kung ano at kung anong mayroon tayo.Ako'y iyong iniwan, sinaktan, at pinaasa.
Dahil lamang sa isang hindi pagkakaintindihan,
Bigla ka nalang sumuko sa ating pagkakaibigan.
Bakit ganoon ka?
Anong klaseng kaibigan ka?
Akala ko ba, kahit anong pagsubok ay ating dadaanan?
Ngunit anong ginawa mo?
Agad ka nalang sumuko at ako'y iyong iniwan.Siguro nga ganoon talaga ang mundo.
Sa mundong ito kung saan hindi mo maiguguhit ang tadhana.
Sa mundong ito kung saan paglalaruan ka ni tadhana.
Dapat ika'y maging handa sa kung ano man ang maaring mangyari.
Kaya aking kaibigan,
Kahit hindi na tayo magkaibigan,
Sana ay ingatan mo ang iyong sarili.

BINABASA MO ANG
Tibok ng Puso
PoetryKoleksiyon ng aking mga tula patungkol sa pag-ibig (maliban sa bayan) at ibang personal na bagay sa aking buhay.